bc

Hindi Tugma

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
twisted
sweet
bisexual
lighthearted
straight
school
slice of life
gay
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang hiniling ni Amaris Redeo pagtuntong sa kolehiyo— iyon ay makapagtapos sa kaniyang kurso. Pero hindi nakitugma ang kapalaran na maging payapa ang buhay estudyante niya. Hanggang sa nakilala ni Amaris ang isang sikat na lalaki na nag-aaral din sa unibersidad na pinapasukan niya. Nagtagpo ang landas nila ni Ryker Levious, isang senior Business Management student na naging malapit sa kaniyang buhay.

Paano nga ba nagtagpo ang kanilang landas? Paano sila magtutugma kung hindi sang-ayon ang tadhana? Hanggang saan nila ipaglalaban ang kanilang pagkakaibigan? At mauuwi nga ba ito sa pagkaka-ibigan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER I
Chapter 1 “Ano ba?! Hindi ba’t ayaw ko nga sabi?! Ba’t kasi ang kulit mo, ha?” “Manliligaw pa nga lang naman ako sa ‘yo. Bakit ba kasi ayaw mo? Ayaw mo ba sa mala-Daniel Padilla na looks kagaya ko?” “Ulol. Mukha ka kayang niyupi na tansan.” “Awch naman.” Bzzz! Isang malakas na tunog ng buzzer ang bumuo nang ingay sa silid-aklatan. Dinig ang dalawang tao na may pinag-uusapan, kaya siguro ay napapindot na ang librarian sa noise silencer buzzer. Pero parang wala lang sa lalaki na gumagawa ng ingay. Hindi pa rin siya tumitigil na kulitin ang babaeng kausap niya sa mesa. “Ang haharot naman ng mga ‘to. Unang araw ng pasukan, iyan kaagad ang inaatupag,” reklamong bulong ni Amaris. Amaris Redeo is a freshman education student of Zechoxia University. He’s 5’4 tall and has a good figure. He looks like an artist because of his fair skin and charismatic appeal. Pinagkakamalan din siyang baliko minsan dahil sa ganda ng katawan niya. He has melodious voice, great taste in fashion, and loyalty in literature. In fact, he was awarded as with highest honors after graduating senior high school. Amaris loves to write stories and poems. He already experienced competing in a national schools press conference for four consecutive years. He excellently excelled yet competitive in academics. The only problem he had is his sporty skills. Palyado siya pagdating sa physical tasks. Madalas din siyang magkasakit dahil sa sobrang pagod. Kaya hindi siya pinapayagang magpagod masyad. Kaya he focused improving his skills in academics. Nasa kabilang mesa lang kasi nakaupo si Amaris. Kinaiinisan niya lang ay nasa mismong tapat pa niya ito nagtatalo. Pagkuwa’y itinaklob niya na lamang ang librong kaniyang hawak upang hindi makita ang dalawa. Hindi siya makapag-pokus nang maayos sa binabasa niya dahil sa ingay na nagmumula sa kabilang lamesa. Bzzz! Tumunog ulit for the nth times ang noise silencer buzzer dahil sa namumuong ingay. Napalingon si Amaris sa kaniyang kanan nang may mahagip ang kaniyang mata na may naglalakad. The librarian stood in her sit. She is now heading towards their direction. Alam na ni Amaris na sasawayin ng librarian ang dalawa. Subalit laking gulat niya nang lumagpas lang ang librarian. Nasundan niya pa ito ng tingin kung saan patungo. Lumabas ito sa silid-aklatan kung kaya’t nagkaroon ulit ng pansamantalang ingay. Iisa lang ang librarian ng old library ng university na pinapasukan niya. Pero may limang staff naman sa new library nila na kakabukas lang nakaraang taon. Ang old library kasi ay may maliit na espasyo lang. Bilang nga rin sa daliri ng kuko ang lamesa rito. The room is filled only with old yet imperative books. Nandito nakalagay ang mga lumang libro na sobrang mahalaga pa rin. Unlike to the new library of the university, halos mga bagong edition ng libro ang nandoon. Mostly, seniors ang nagtutungo sa old libary dahil mabait ang librarian. Alam kasi nila na mas dadayuhin ang bagong library kesa sa nagpupunta sa old library. Kaya nagkakaroon ng ingay sa buong library. Iyon ang dahilan kung bakit mas napili ni Amaris na sa old library magpunta. Ngunit hindi niya sukat akalain na may library pa lang maingay kahit may malaking karatulang “SILENCE”. Hindi iyon pinapansin ng mga estudyante at kunwaring hindi nababasa ito. Amaris is reading his favorite novel “The Little Women” of Louise Alcott. Ilang beses na rin niya itong nabasa ngunit hindi pa rin siya maka-move on sa kwento. Gayunpaman, sinubukan niyang basahin ito sa kabila ng ingay sa paligid. “Agi!” Nagulat si Amaris sa nanggulat sa kaniya. It’s Cleo Monseal, one of his best friends since grade school. Hindi sila magkapareho ng block ngayong college na, despite taking the same program. Plano na nila iyon noon pa lang. Kasama rin nila ang dalawa pa nilang kaibigan na nag-aaral din sa parehong unibersidad. Cleo is a bubbly person. She is the clown in their group. Matabil nga lang ang dilaat palaging updated sa issues. Parang daig pa ang isang journalist kung makasagap ng balita. Kaya minsan ay naiirita rin si Amaris sa bunganga niya. Lalong-lalo na kapag tinatawag niya itong ‘agi’, kinaray-a term for bakla. “Kung gusto mo akong mamatay ng maaga sabihin mo na kaagad,” inis na sabi ni Amaris. “Ito naman, hindi ka na magulat. Masyado ka talagang high blood palagi.” “Kung dahil sa ‘yo, oo.” “Grabe naman ang ferson. Paano ba naman kasi, nauna ka na pala raw dito sabi ni tita. Sinundo pa naman kita sa bahay niyo, tapos iiwan mo lang pala ako,” reklamo naman ni Cleo. “Hindi ko naman sinabing sunduin mo ‘ko. Besides, I want to attend the flag ceremony, which is unfortunately, not your habit,” bwelta nito. “Tse, kahit na. At, uma-attend kaya ako ng flag ceremony noong high school.” “Noon ‘yon. Matanong ka nga kita, ilang beses?” “Isa lang… isa sa loob ng isang semester.” “Kita mo na. Kahit kailan talaga marami kang palusot. Teka lang, bakit ka ba naparito?” “Buang ka ba, Amaris? Haler! Syempre, mamaya pang hapon ang schedule natin kaya expected na wala pa ang dalawang mag-syota. Sino ba naman ang dapat na kasama ko ngayon? Of course, ikaw,” turo nito kay Amaris sabay kindat, “magkapareho kaya tayo ng program, block lang naman ang pinagkaiba. Pero, mag klasmeyt pa rin tayo sa dalawang minor subjects.” “I’m busy,” maikling sagot ni Amaris. “Mema u-turn sa topic lang? Hoy, agi! Talaga bang busy ka? First day of school tapos busy ka na kaagad?” pagtaas ng boses nito dahilan mapalingon ang iilang estudyante sa loob, “Sorry,” agad peace sign nito sa mga nakatingin sa kanila. “Kung ipapahiya mo ‘ko sa harap nila, umalis ka na lang dito. At ilang beses ko bang dapat sabihin sa ‘yo na h’wag mo akong tatawaging bakla.” “Okay, sorry na. Ikaw naman, nasanay lang kasi ako. Pero, Amaris…” napahinto siya, parang nag-iisip sa susunod na sasabihin. “Kilala mo ba si tara?” “Huh? Sino naman ‘yon?” “Tara na!” Hinila ni Cleo si Amaris palabas ng library. Hindi na nakapalag si Amaris dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kaniya ni Cleo. Halatang hindi siya nakapagligpit ng kaniyang mga gamit. Hawak pa nito ang libro na binabasa niya kanina. Kasama ang notebook at ballpen na palagi niyang dala kahit saan man siya magpunta. Mabuti na lang at nabitbit ni Cleo ang bag niya na parang tatlong kilong bigas ang bigat. Walang kaalam-alam si Amaris na nailabas niya ang libro na siyang pinagbabawal ng library kung wala itong permiso. Wala pa naman silang library card. “Wait!” awat nito. “Nadala ko ang libro!” “Hayaan mo na. Regalo ko na lang ‘yan sa ‘yo,” saad ni Cleo. “Regalo ka diyan, hindi naman sa ‘yo to.” “Ah, basta. Iuwi mo na ‘yan, tapos, period not comma, stop, okay?” Walang hinto pa rin silang tumatakbo palayo sa library. Nang makalayo na ay saka lang sila naglakad. Habol hininga naman ang dalawa. Nadaanan na rin nila ang building ng College of Engineering at College of Medicine. Subalit wala pa rin siyang kaalam-alam kung saan sila papunta ni Cleo. “Saan ba tayo papunta, ha?” tanong ni Amaris. “Maglilibot sa buong campus. Hindi ba iyon dapat ang ginagawa sa unang pasukan? Paano kung maligaw tayo rito? Haler, boba lang?” taas kilay na sagot ni Cleo. “What?! Sa sobrang lawak nitong campus, ayoko nang maglibot ulit.” “I don’t care, okay? Samahan mo na lang kasi ako. Ang arte naman nito.” “Hindi ako mag-iinarte kung sinabi mo kaagad kasi. Alas dies ng umaga tapos maglilibot tayo? See? Ang init!” “Dali na. Mag-sunblock ka na lang pagkatapos.” Muling hinila ni Cleo si Amaris. Nakarating sila sa College of Criminology building. Doon naramdaman ni Amaris ang konting ilang dahil sa tingin ng iilang estudyante sa kaniya. May iilan na nakukuha pang kumindat sa kaniya at ang iba ay napapalingon lang. Samantala, si Cleo naman ay panay pa-cute ang inaatupag. Hindi man lang nito naramdaman ang mahiya sa mga nakatingin sa kanila. “Hoy,” bulong ni Amaris. “Ene be? Negpepegende eke se herep nele,” pabebeng sagot ni Cleo. “p****k ka talagang babae ka,” inis na sabi ni Amaris. “Uy!” gulat namang reaksiyon ni Anais. “Kung makapagsabi ‘tong p****k ako, napaka-wow, ha. Bakit may nakita ka bang talong na pumasok dito?” sabay turo sa parteng tinutukoy nito. “Ah, basta. Bilisan na natin at nang makaalis na tayo rito,” sabi ni Amaris, sabay hila sa kaibigan. Walang-umimik sa pagitan nila habang naglalakad papunta sa kung saan. Tila napansin ni Amaris ang biglang pananahimik ng kaibigan. Ngunit hindi pa rin niya iyon binigyan ng pansin. Mayamaya naman ay napahinto sila sa harap ng College of Commerce building. “Uyyy, sorry na, love,” paghingi ng tawad ni Amaris sa kaibigan. He seldom called Cleo as love, and it is when he used his charm every time he says sorry. “Hindi ko naman ‘yon sinasadya.” “Ayos lang. Alam ko namang gano’n lang kababa ang tingin mo sa akin, eh,” nakayukong sambit ng dalaga. “Hala siya. Nagtatampo ka talaga? For real na? Hindi na mababago, ha? Sige, bye,” sabay walk-out ni Amaris. Ngunit kaagad siyang pinigilan naman ni Cleo. “Ito naman, hindi na mabiro. Ikaw talaga, wala kang care sa akin kahit kailan!” hampas nito sa braso ni Amaris. “Oh, ‘di ba? I know your weakness. So, it means I am the only one who knows you well, Marupok,” pabirong tugon ni Amaris. “And, my boyfriend,” dagdag ni Cleo. “Hala siya! Alam niya kaya? Ikaw imbento ka rin eh. Magpapaka=fangirl ka lang naman, feeling jowa ka na kaagad?” sabay peace sign ni Amaris sa kaibigan. “Naku ka talaga! Kung hindi lang kita kaibigan sinikmurahan na kita,” nanggigil na sabi ni Cleo. “You can’t, because you love me. Marupok ka kasi.” “Oo na. May magagawa pa ba ako, eh, hindi―” “Wahhh!” Malakas na tilian ang bumulabog sa usapan ng magkaibigan. Napalingon sila kung saan nagmumula iyon. “Ang OA, ha! As if may artistang dumating,” sabi ni Amaris. “Wahhh! Nandito na si Ryker!” sigaw ng isang chinitang babae. “Oh My Ghad! Si Ryker, my jowa, nandito na!” sigaw naman ng isa. “Ryker ko!” nababaliw na sabi pa ng isa. Nagsiktabuhan sila sa harap ng isang itim na sasakyan na pumarada malapit sa College of Commerce building. Lumabas doon ang isang makisig na lalaki suot ang kaniyang puting uniporme. May logo ito ng University sa kaliwang dibdib. Naka unbutton ang butones sa dibdib nito na siyang dumagdag sa sigawan ng marami. “Who is he? Bakit parang baliw ‘yang mga babae na ‘yan sa kaniya?” nagtatakang tanong ni Amaris sa kaibigan. “Agi! Seriously? Hindi mo siya kilala?” gulat na tanong ni Cleo. “So? Bakit ano naman ang mangyayari kung hindi ko siya kilala?” “Wala na―” “Wala naman pala, eh. Halika na nga,” putol nito. “Wait nga lang,” pagpigil ni Cleo. “Hindi mo ba narinig na dito nag-aaral ang anak ng isang napakayamang business tycoon sa bansa? Hindi ba’t napaksuwerte natin? This prestige Zechoxia University is a home of this good-looking artist and the only son of a business tycoon. He is none other than, Mr. Ryker Levious, my ultimate crush. Isn’t it a miracle?” mahabang litanya ng kaibigan. “No,” kaagad na putol ni Amaris sa pagpapantasya ng kaibigan. “We are intelligent kaya tayo nakapasa sa entrance exam. Hindi luck o miracle ang nagdala sa atin dito. Wala akong pakialam kahit anak pa ng kung sinong poncio pilato ang nag-aaral dito. We are here to pursue our dreams, okay?” “Ito basag trip talaga. Hindi ba puwedeng makisabay ka na lang?” Amaris deeply sighed. “Okay. I have to go. If wala kang plano hanapin ang block natin, puwes ako mayro’n.” “Bahala ka na nga. Basta ako magpapa-picture pa kay Mr. Ryker,” kinikilig na sabi ni Cleo. Walang ano-ano’y tinalikuran na siya ng kaibigan. Bumalik na lang si Amaris mag-isa patungo sa kanilang building. Iniwasan niyang mapagawi sa building ng Criminology students dahil na rin sa nangyari kanina. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa kanilang building ng may mabangga siya. “What the heck!” mura ng lalaking nabunggo ni Amaris. “I-I’m sorry. Hindi ko sinasadyang―” Mukhang natulala ng panandalian ang lalaki sa kaniya. “Oh. I-it’s okay,” nauutal na sabi nito, “By the way, you’re cute, ha. What’s your name?” tanong nito, dinig ang bilugan nitong boses. “Amaris― Amaris Redeo,” sagot kaagad ni Amaris. “I’m Milio Joshtine Esmajer. It’s nice to meeting you,” saad ng lalaki, sabay alok nito ng pakikipagkamay kay Amaris. “I-It’s nice to meeting you rin,” sagot ni Amaris. @phiemharc – Hindi Tugma (K1)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.1K
bc

The Don's Auctioned Bride

read
6.2K
bc

THE WIDOWED CEO’S PROSTITUTE

read
38.4K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Pagbebenta ng aking pagkabirhen... sa CEO

read
15.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook