Ciaran Rodriguez
"Ikaw!? Saan mo ako dinala? Help! Tulong!!!" Sumigaw si Mariposa na ubod nang lakas at halos mapigti ang litid nito sa leeg pero malakas lang akong tumawa. Sino ang makakarinig sa kanya?
Nagtangka itong tumayo pero mabilis kong iniharang ang braso ko sa magkabilang gilid niya. Nakulong siya sa mga braso ko while my body was hovering over her.
"Kahit ano'ng sigaw ang gawin mo, walang makakarinig sa 'yo. Be good and play with me," nananakot na bulong ko. Dinilaan ko ang loob ng kanyang tainga. The heat inside me awakened the beast hiding within, but I tried my hardest to control it from lashing.
Pero palaban ang babae. Sinipa niya ang p*********i ko saka ako tinulak. Hinayaan ko siya hanggang makatakbo siya palayo sa akin.
I laughed maniacally and got the rifle ready bago tiningnan ang direksyon na pinuntahan niya. Mabilis siyang tumakbo pero hindi ako nag-aalala dahil nakapalibot ang CCtV camera sa buong lugar at tatawagan ko lang si Desmond ay makikita na niya kung saan naroroon ang babae.
Ngumisi ako nang nakakaloko habang nag-umpisang maglakad.
"Mariposa, baby. Siguraduhin mong magtago ka nang ayos. Don't let me catch you easily, baby!" Nangingising sigaw ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ako o hindi.
Limang minuto ang lumipas at nakita ko ang anino ni Mariposa halos limang daang metro ang layo sa akin. I knew every shortcut at ang pasikot-sikot sa gubat. Agad kong inihanda ang rifle at iniumang iyon kong saan naroroon si Mariposa.
Tinakbo ko ang pagitan namin habang minamatyagan ang kanyang posisyon. The rustling of dried leaves made a crisp sound as I ran, but that didn't hinder me. Lumalapit na ang distansiya ko kay Mariposa.
Dahil kahit ano'ng gawin niyang pagtakbo ay wala siyang mapupuntahan. Gabay na gabay ko ang kagubatan.
Libangan ko magmula pa noong labinlimang taong gulang ako ang mag-hunting. Sa una ay mga hayop ang hina-hunting ko, na siyang pinapasadya ko pang pabili kay Desmond upang pagbigyan ang kasiyahan ko. Ngunit nang aksidenteng natamaan ko ng bala sa dibdib ang unang babaeng naging girlfriend ko at namatay ay hindi maisukat na tuwa ang naramdaman ko. Natamaan ito dahil nagpumilit itong sumama sa akin sa pag-hunting at biglang humarang sa harapan ng target ko.
Kitang-kita ko kung paano siya nagmakaawa habang binabalot ng dugo ang katawan at unti-unting binabawian ng buhay. Imbes na maawa ako sa kanya ay labis na kaligayahan ang bumalot sa akin. Simula noon ay hinahanap-hanap na ng katawan ko ang pumatay ng tao at isa si Desmond sa tumutulong sa akin upang maisakatuparan ang nais ko.
Ang pamilya ng babaeng napatay ko ay walang kaalam-alam sa nangyari at naabswelto ang kaso ko dahil hindi alam ng pamilya nito na sumama sa akin ang dalagita. Her body was buried in my hacienda, dito mismo sa kagubatan, tulad ng iba ko pang biktima. But those bodies were incomplete. I gauged their eyes, ears, and cut their tongue before preserving it inside my mansion's basement.
Hindi lahat ng biktima ko ay nakaburol. Ang iba ay sinusunog, karamihan ay mga magagandang lalaki o babae, upang kolektahin ang abo at gawing palamuti.
This was the practice that my uncle taught me and he insisted na ipagpatuloy ko kung ano ang nasimulan niya upang pang-iwas sa bad luck.
When I was nearing Mariposa, ay tumigil ako sa pagtakbo at pinaputukan siya.
"Hit," I whispered eerily. Tinignan ko si Mariposa pero nagpatuloy ito sa pagtakbo kahit nadaplisan ito sa braso.
"Interesting. Lalo mo akong pinapasabik habang nakikita kitang duguan and struggling while running, baby."
Tinapon ko ang rifle at kinuha ang bow and arrow na nakasukbit sa likod ko saka muling tumakbo nang mabilis upang habulin si Mariposa na walang balak tumigil.
"You're running on a dead end, baby," wika ko sa sarili nang maabutan si Mariposa na nakatayo sa bangin kung saan may talon.
Mabilis akong nagtago sa malaking puno saka inihanda ang pana. My head was filled with excitement as I saw Mariposa's pitiful look.
Damn! I want to grab her hair and f**k her from behind while standing in that ravine!
Dahil sa naisip ay muli kong iniumang ang pana sa nakatalikod na si Mariposa. I am not planning on hitting her. Gusto ko lang daplisan ang maganda niyang mukha o sugatan ang alinmang bahagi ng kanyang katawan. I am good at archery. Pinag-aralan ko ito para lang sa pagha-hunting ko.
I released the arrow. Mukhang nase-sense ni Mariposa ang kapahamakan na paparating kaya bigla itong lumingon. Tumama ang pana sa kaliwang balikat niya pero daplis lang iyon. That was my intention. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nakangising naglakad papunta kay Mariposa na nanginginig at luhaan habang nakatingin sa akin.
"Welcome to my hell, baby." I spread my arms as I said those words, as if welcoming Mariposa to the depths of hell with an evil laugh.
***
Hope you are enjoying, hehe