Kinuha ni Blythe ang jacket sa sofa at sinuot ito upang matakpan ang damit na punit,bago lumabas sa Presidential Suite na iyon..
*Pual Drake Beckets POV*
Ilang minuto ang lumipas simula nang lumabas si Blythe,nagising naman si Paul kinapa niya ang katabi niya' ngunit wala na ito..
.
Napabangon siya at pinakiramadam niya baka nasa loob ng banyo lang ito,ngunit wala siyang marinig na kong anong ingay sa banyo,kaya tumayo siya at lumapit sa may salamin na bintana.
Binuksan niya ang kurtena at tumambad ang sikat ng araw na galing sa labas at tumama sa matipuno niyang dibdib at sa malambot niyang balat.
Tiningnan ni Pual ulit ang espasyo na kama kong saan nakahiga ang babae,di makaligtas sa mata niya ang pulang mansta sa kubre kama.
Napansin din niya ang isang Bracelet na nakapatong sa unan...
Sa maliit na mesa nakita niya ang Pera na nakalapag doon,napabuntong hininga siya at pinulot ang bracelet sa unan..
Ang amoy ng babae ay dumikit sa unan at bracelet na hawak niya.. Nanonoot ito sa ilong niya di maiwasan ni Paul ang sarili ng mamaalala ang nangyari sa kanila at kong makailang beses niya ito inangkin kahit tulog na ito.
"*Babae seyoso ka,gusto mo akong kalimutan,Pagkatapos ng nangyari sa atin",
Si Blythe ay di mapakali sa sinakyang taxi,habang papauwi na sa kanilang mansyon di niya mapigilan ang kaba...
*ROBERTS MANSION'S*
Ang Robert's family ay may mahigpit mga rules,at isa na doon ang bawal makitulog kahit pa sa kaibigan man..at ngayon....
Napasabunot si Blythe sa buhok niya at di na niya mawari ang takot at kaba niya,siguradong mananagot siya ngayon...
"Ahhhh!!!! Okay lang yan,maging okay din ang lahat"
"Maaga pa naman sigurado siyang tulog pa ang Mommy at Daddy niya."para na siyang nasiraan na kinakausap ang sarili.
Sa mansion Roberts nang makarating siya ay dahan dahan niyang pinihit ang pinto,para di ito mag sanhi ng ingay.
At dahan dahan din siyang humakbang papasok at kakaapak lang niya ay sumalubong sa kaniya ang sobrang lakas ng sigaw ng kanyang Ama.
"Blythe!!!Buti naman at naalala mopa na may bahay ka?"
"Saan ka galing at di ka umuwi kagabi??"
bulyaw sa kaniya ng ama niya..
Napahinto sa paghakbang si Blythe ng makita ang Dad at Mommy niya at syempre nandoon din ang kakambal niya.
Nakaupo sa European stlyed sofa at nakadekwatro pa ito, kulang atakihin siya sa puso dahil sa takot....
Tumayo si Mrs. Roberts ang Mommy niya at tumingin sa kanya ng di maganda at Nakita niya sa mata nito ang pagdismaya.
"Dad,Mom pumunta lang po ako sa bahay ng kaibigan ko,pagkatapos ng party at wala lang po yun."usal ni blythe...
Pero di niya mapigilan isipin ang masakit na kinahinatnan niya,ang pinaka ingat ingatan niyang p********e ay nawala sa gabi mismo ng kanyang ika 18th birthday...
Isa pa ay di na kilala ang lalaki,nawala ang pagkaberhin niya ng ganun ganun nalang.
Nagsalita ang Mommy niya"Sinong Kaibigan ba iyang tinutukoy mo"
Inipon ni Blythe ang lakas niya at sinagot tanong nang ina inahan niya. "Kina Jandie po" pagbanggit niya nang pangalan na iyon ay sumimangot ang mukha ng mga kaharap niya..
Tumayo at lumapit sa kaniya ang Twin sister's niyang si Faith Roberts,Maganda ito at may pagkahawig kunti sa kanya pero mas maganda siya rito..Umiiling iling ito at nakangiti nang malademonyo,sa harap niya....
"Bakit Faith anong Problema"
magkasabay na tanong ng daddy niya at mommy niya...
Tinititigan ni Blythe si Faith,kaya di na niya namalayan ang bumaba sa hagdanang iyon,ang isang magandang babae...
"Blythe!!!! Nakauwi kana?!Saan ka galing,bigla kana lang nawala kagabi?!.
"Saan ka nagpunta kagabi".
Lumaki ang masingkit na mata ni Blythe sa makita niya,Si Jandie ang kababata niya at Bestfriend niya,.
Siya si "Jandie Cole "ang bestfriend niya at tinuturing niyang tunay na kapatid ...sabay silang lumaki..nag aaral lahat ng ginagawa ni Blythe ay magsama sila palagi.
"Jandie?! kumusta at Papaano ka nakarating dito...!?"gulat na tanong ni Blythe ..
Napailing nalang ng ulo si Jandie di niya mawari anong nangyari,dahil sa nerbiyos pinaglaruan nalang niya ang mga daliri.
"Nalasing ako kagabi,at sa sobrang kalasingan ko ay di na ako nakauwi at nakitulog nalang ako dito...
Pakkkk!!!!!!!.......
Isang malakas na sampal ang nagpabalik sa ulirat ni Blythe,umalingaw ngaw ito sa buong Hallway ng mansyon.
Dahil sa pagod ni Blythe at sakit ng katawan ay nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa sahig,sa sobrang lakas ay nakakita siya ng bituin at naririnig niya ang huni ng ibon...
"Magsabi ka ng totoo,saan ka nagpunta kagabi at sino ang kasama mo?."
Galit na galit si Mr. Roberts at akmang sipain si Blythe mabuti nalang ay napigilan ito ng mommy niya..
Inangat ni blythe ang ulo at kita niya ang mukha ng kapatid niya nakapinta dito ang pekeng pag alala sa kaniya.
at bakas ang mukhang nito ang saya na sirain sila ng ama upang itakwil siya....
Tumango ang Mommy niya;kunwaring mabait,pero wala namang ginawang maganda ito sa buhay niya kundi ang baliwalain siya.
Sinusonod ang bawat luho ng kambal niya,lahat ng gusto ni Faith ay binibigay,di niya maintindihan bakit galit na galit ang mga ito sa kanya.....
"Tama na" ,Darling bakit di mona natin alamin ang lahat ng nangyari at kong bakit siya inumaga"sabi ng kanyang ina sa Ama niya."
Di mapigilan ni jandie ang mag alala sa kaibigan at bakas sa mukha niya ang paghingi ng tawad kay Blythe at tinulangan niya itong tumayo at tinanong..
"Blythe okay ka lang ba, nasaktan ka ba?" tanong sa kanya ng kaibigan niya....
Umiling konti si blythe at sa tulong ni jandie nakatayo siya ,bago paman humingi siya ng tawad sa Ama...
"Dad,pasensya na po kong pinag alala kopo kayo?"
Lumapit ang ang mommy niya sa kanya at nagsalita ito,"Blythe palagi naman kaming lahat nag aalala sayo,tingnan mo ang kapatid mo,si Daddy mo lahat kami ay di makatulog kagabi sa paghahanap sayo...sabi ng mommy niya sa kanya..
"Tumingin ng malamig ang Ama niya sa kanya,at nagsalita...maging masaya sana ako kong kagaya ka ng ate mo na mabait at masunurin."
bulalas ng Ama at di maiwasan na ipangungumpara siya at pamumuri dito kay Faith..labis naman ang tuwa sa mukha ni Faith ng purihin ng ama....
Lumapit si Faith kay Blythe at hinaklit ang kwelyohan ng jacket na sout niya at tumambad ang mga kalmot at kiss marks sa leeg niya at balikat ni Blythe.
"Oh my god!!!
"Blythe anong nangyari sayo?
Nakatagpo kaba ng masamang tao at ginawan ka ng di maganda? giit ng kapatid niya....
Pinilit ni Blythe ayusin ang jacket para itago iyon ngunit huli na dahil nakita na ito ng Ama niya.
Nanginginig siya dahil ramdam niya na may,hindi magandang mangyari sa kanya ngayun.Tingin palang sa kanya ng ama niya ay kinilabutan na siya...
Umuusok na sa galit si Mr. Roberts at di niya mapigilan hinila niya ang buhok ni Blythe,,"
"You w***e!??Saan kaba talaga nagpunta kagabi?At sino ang lalaking nakatalik mo,talaga bang nakipagtalik ka ng kong kani kanino??!!
Naramdaman ni Blythe na parang matatanggal na ang anit niya sa sobrang sakit,tumingin siya sa mommy niya upang magpasaklolo....
"Mom"
Ngunit tinalikuran siya nito at may pagkadismaya man sa mukha nito.Ngunit may nakita din ngiti na parang ikina tuwa ang nangyari sa kanya."nawalan na si Blythe ng pag asa na ipangtanggol siya ng Ina.
Hindi rin si jandie makagalaw sa kinatayuan niya,wala siyang lakas loob upang pigilan ang Ama ni Blythe"
Kalaunan ay di na niya nakayanan makita ang setwasyon ng kaibigan at lakas loob niyang inawat si Mr. Roberts.
"Please Tama napo bitiwan niyo napo si Blythe parang awa niyo na po"
Bigyan niyo naman po siya ng chance na makapagpaliwanag sa sarili niya sa inyo." pagmamakaawa na sambit ni jandie kay mr. Robert's.
Napahinto at napagtanto ni mr. Roberts ang sinabi ni jandie,pero dahil sa galit niya ay tinulak niya si Blythe bumagsak ito sa sahig.
"Sige magpaliwanag ka at sabihin mo sa akin kong sino ang lalaking iyon?!"
Lumapit si Faith na nagkunwaring nag alala.
'"Blythe sabihin mo sa amin ni daddy kong sino ang lalaking iyon,di ka namin sisisihin, lahat kami ay nag alala sayo?!! giit ng demonyetang kapatid niya?
Napakagat ni Blythe ang labi niya at bago siya nagsalita ....
"Hindi kopo kilala kong sino po siya"sambit niya...
Pero ang di inaaasan ni Blythe ay may kong anong lumipad at tumama ito sa noo niya....
"Pakkkkkkk"
Isang uri ng tasa na ginamit sa tsaa ang tumama sa noo niya at nabasag ito,pirapiraso itong bumagsak sa sahig.
Ang isang tipak ng basag na piraso ng tasa ay tumama sa braso niya at nasugat ito,tumutulo sa puting tiles ang dugo sa braso at lumatay ito sa kamay ni Blythe ." nang mapansin niya ang dugo namutla sa takot si Blythe ...
Tumayo na pala ang Daddy niya palapit sa kanya at tinadyakan siya, at isang malakas na sipa upang tumilapon siya,at tumama sa pader...
Balak na siyang patayin ng kanyang ama sa klase ng pagtrato sa kanya....
Sa awa ni jandie walang alinlangan hinarang ang katawan niya,upang pigilan ang pananakit ng Ama nito.
Gusto niya talaga protektahan ito.....