Epidode 3:THE DOWNTROWN OF THE YOUNGER SISTER

1626 Words
Sa sobrang galit na naramdaman ni Mr. Roberts ay di na niya makontrol ang sarili,para na siyang sinapian ng demonyo at di na niya alam ang ginagawa. Nakita ni Mrs. Roberts ang ginawa ni Jandie kaya dali dali siyang lumapit kay mr. Roberts. Napansin niya na wala na ito sa sarili,kaya dali dali niyang hinila si mr. Roberts. Sa lakas ng pagkahila niya kay mr. Roberts ay nawalan sila ng balanse at muntik na silang matumba buti nalang naagapan ni mr. Roberts. Galit niyang nilingon si Mrs. Roberts ngunit napansin niya ang mata nito na parang may sinasabi. Kalaunan ay nalaman din niya ang ibig sabihin nito,sinulyapan niya ang tinuturo ng mga mata nito. Namutla si Mr. Roberts sa nakita niya,kamuntikan na niya nasaktan ang nag iisang babaeng anak ng Coles. "Si Jandie Coles ay anak ng isang mayaman na pamilyang COLES." Matagala ng magkaibigan ang pamilyang Coles at pamilyang Roberts... Kaya naman welcome na welcome si Jandie dito at isa pa magkaibigan sina Blythe at Jandie. Kaya ganun natakot si mr. Roberts muntik na niya masaktan ito. At mabuti nalang ay napigilan siya.Sigurado siyang di siya nito palampasin ng Coles pagnagkataon. Napaangat nalang niya sa ire ang dalawang kamay bilang pagsuko at tumalikod na siya palabas ng bulwagan pero may sinabi pa siya bago makalabas. "Dalhin niyo na sa kwarto ang young miss ninyo." "At simula ng araw na ito ay bawal kanang lumabas sa mansyon." Sumunod namang umalis si Mrs. Roberts.Lumingon mona ito kay Blythe na may pagkadismaya. Lumapit si Faith kay Blythe at pinatong ang isang kamay niya sa ulo ni Blythe pagkatapos ay nagsalita. "Blythe" "Sirang sira kana ngayon,nakipagsex ka sa lalaking dimo kakilala." 'Nakalimutan mo na rin ata na ikakasal kana kay Patrick." Nanginginig sa galit si Blythe at tiningnan lang niya ng malamig na anyo ito. "Blythe" Alam mo bang pinahanap kita sa mga bodyguards ng mapansin kong nawala ka.. Pero bakit sa titig mo sa akin ay parang pinaghinalaan mo ako,mahina niyang sabi kay Blythe. Sumang ayon naman si Jandie at tumango tango pa ito bago magsalita. "Sa narinig ko ay inutusan ni Faith ang mga bodyguards upang hanapin ka." Kaya nalaman nila tito at tita ang pagkawala mo,"paliwanag ni jandie. Sa pagka alala niya ay pinainom siya ng pinainom ng alak ni Faith. At alam niyang sobrang lasing siya at di na siya halos makalakad sa kalasingan...kaya nagtaka siya paano siya nakaalis kong di na niya kayang ihakabang ang paa sa kalasingan.... "Blythe"" kailangan mo ayusin itong kahihiyan na ginawa mo." "Isipin mo ang Engagement Party mo at ni Patrick." "Baka ito pa ang ikakasira ng magandang ugnayan ng Coles at Roberts,dahil sa kahihiyan na pinasok mo."mahinahon pero may halong sinisisi niya ang kapatid niya. Tiningnan ni Blythe ng masama si Faith,galit na galit siyang nag salita. "Pareho nating alam na ikaw ang gusto ni Ian at kahit kailan ay wala akong gusto sa lalaking iyon. Itong kasalan na ito ay dapat ikaw at si Patrick,pero bakit naging baliktad ako ang naging bride imbes na ikaw?" 'Blythe alam mong si Daddy at Mommy ang may plano sa lahat ng ito?!" Diba dapat maging masaya kana lang,dahil kahit papaano ay magkaroon ka din ambag sa pamilyang ito." Umalis na si Faith na galit na galit... Kahit si jandie ay di makaimik sa sinabi ni Faith,tinulungan niyang paupuin sa sofa si Blythe. Ginamot niya ang sugat at nilinisan ang mga galos sa braso at noo ni Blythe. Maya maya ay lakas loob siyang nagsalita. "Blythe maging sister in law ba talaga kita."di maitago sa tono ng salita ni jandie ang saya... Hinabol muna ni Blythe ang hininga bago humarap kay jandie at nagsalita. "Hinding hindi ko aagawin ang mahal ng kapatid ko." At alam naman natin na di ako mahal ni Ian.Kaya wag kang mag alala di kami magpapakasal." Hindi man nagustuhan ni Jandie ang sinabi ni Blythe ay wala na siyang magawa.Sa pagkat ayaw din na magkasakitan ang dalawa... Si Faith ang mahal ng kapatid niya at saksi sila dalawa ni Blythe sa pagmamahalan ng mga ito. Pagtapos nilang mag-usap at natapos na din niya linisan ang sugat sa braso ni Blythe,kaya nagpaalam na siya na umuwi. "Blythe ,dipa ako nakauwi simula kahapon nag alala ng siguro ang pamilya ko.. "Uuwi na muna ako babalikan kita mamaya ahh..... Nang makaalis na si jandie ay bumalik sa tahamik ang paligid ngayon. Kaya naman naisipan na niyang umayakyat sa kwarto.Dahan dahan siyang humakbang sa hagdanan at kumapit ng mahigpit sa barendilya ng hagdanan.. Nakailang baitang na si Blythe at dahil sa wala masyadong lakas ang tuhod niya. Tanging sa mga kamay siya humugot ng lakas at mahigpit ang kapit sa barendilya upang di siya mahirapan. Tinimbang niya ng maayos ang katawan upang di siya mahirapan.Nang ibwelo niya ulit ang braso ay bumuka ang sugat niya. At tumutulo ang dugo galing sa naka bendang sugat sa puting tiles.... Hiningal na siya at naisipan niyang magpahinga saglit. Bumitaw siya sa barendilya saglit at dahil sa pagbitaw niya mawalan siya ng balanse at gumulong pababa ng hagdanan... Ang mga katulong na nandoon ay tiningnan lang siya at nagtinginan lang sa isat isa ang mga ito. Di nila alam kong anong gagawin,marami sila na nandoon pero ni kahit isa ay walang naglakas loob na tulungan siya. Ramdam ni Blythe ang sakit ng katawan at pagkahilo dahil sa pagkagulong niya. Kaya nagpahinga muna siya saglit bago bumangon ulit,ayaw niyang ipakita sa mga ito na mahina siya. Simula bata palang siya ay di na talaga siya pinaboran ng ama at ina. Pagkatapos ng lahat nang nangyari alam na niyang di talaga pantay ang pagtrato sa kanila,,,at di rin maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Kaya kahit kailan ay di maging pantay ang trato sa kanila ng kakambal niya... Nahirapan siya bumangon ngunit kalaunan ay nakabangon at nakatayo na din siya. Humakbang siya papunta sa hagdanan.. Hinigpitan niya ng maigi ang pagkapit at dahan dahan siyang umakyat,sigurado na siya na makakaakyat siya sa secondfloor. Ang tumutulong dugo ay patuloy ang pag agos mula sa sugat niya. Sobrang sakit nito pero di na niya ito iniinda at mas lalong hinigpitan ang kapit niya sa barendilya... Alam niyang marami ang may gustong makita siyang bumagsak at sa daming gusto siyang pagtawanan.Iyon ang ayaw niyang masaksihan ng lahat.. Ang puting tiles na hagdanan at ang barendilya nito ay gumuhit ang dugo niya rito mula sa baba,pataas. Para itong ahas na gawa sa dugo,manunuya ang mga mangingilabot ang makakakita nito. Kahit ang mga kasambahay ay kinilabutan sa nakita.Nanginginig sa nasaksihan at nagsitayuan ng mga balahibo nila. At sa pagsisikap ni Blythe ay nakarating din siya sa kwarto niya. Pagkapasok niya sa loob ay nagmamadali siyang kumuha ng damit sa closet. Nang makakuha ng malinis na damit ay dali dali siyang pumasok sa banyo.Binuksan niya ang shower at bumagsak sa ulo niya ang malamig na tubig mula dito,inuna niya ang mukha paghugas ramdam parin niya ang sampal ng ama.. Sinunod niyang hugasan ang kamay na punong puno ng dugo,itinapat niya ang braso sa umaagos na tubig. Para mawala dito ang mga gumuguhit na dugo dito,natagalan din siya bago mawala ang mga ito. Maya maya ay malinis na itong tingnan pagkatapos hugasan. Ang tubig nman na sa sahig na may halong dugo ay pwede nang guhitan sa dami nito. Biglang naala ni Blythe nangyari kagabi. Ang pinakaingat ingatan niyang isang kayamanan,na plano niyang ibigay sa taong mahal niya. Nawala ito dahil sa kagagahan at kalasingan niya.Hindi man lang niya kilala kong sino ito. Ang alam lang niya ay dito niya naibigay ang pinakaingat ingatan niya. Bumabalik sa isipan niya ang pangyayari sa bulwagan ngayong umaga at ama niyang npakalupit. Ang walang kwentang Ina at ang kapatid niyang walang alam kundi pagbintangan siya lagi. kahit sa pangit nitong mga laro at napakadesperada... Buong buhay niya ay namumuhay siya sa takot at palaging nakatago sa anino ng pamilyang Roberts. Kahit binigay na niya sa kapatid ang lahat para lang sa ikabuti niya. At kong sana ay natuto siyang lumaban at magbitaw ng salita o kahit magreklamo man lang. "Pero bakit?" "Bakit na kay Faith na ang lahat ay di nman siya nagreklamo. Bakit sa kanya ipinapaako."Halimbawa ang pagpapakasal kay Patrick Cole ." Sa una palang alam niyang si Faith at Ian ang magkasintahan at sila dalawa ang nagplanong magpakasal. Bagaman biglang nagbago ang isip ni Faith. Ayaw niyang magkaroon ng alitan ang pamilyang Roberts at Cole's. Baka ito ang maging dahilan upang masira ang matagal na pagkakaibigan at ugnayan ng kapawa pamilya. Kaya lahat ng mga ito ay nakaatang sa kanya at maging responsibilidad niya bilang isang Roberts. At dapat lahat ng sinabi ng ama kailangan niyang sundin. Bata palang sila ni Faith ,ay siya lagi ang napapagalitan. Kahit si Faith ang nagkamali,nahuhuli itong nandaya o may di magandang nagawa. Siya parin ang napapagalitan at ipinapahiya sa publiko. Pagkatapos ng muni -muni ni Blythe ay tumayo na siya sa bath tub. Nagalaw niya ng biglaan ang braso kaya dumugo na naman ito. At kong kelan pasara na ang sugat niya... 'Wala akong pakialam kong ayaw nila sa akin o saktan nila ako? Pero bakit ako ang ginagamit nila paulit ulit sa mga problema sa kumpanya? Bakit di man lang sila makaramdam ng pagka guilty,sa lahat lahat ng pasakit nila sa akin.?! Pagkalabas ni Blythe sa banyo ay umupo siya sa vanity,tinititigan niya ang repleksyon niya sa salamin. Ang napakagandang mukha niya kahit walang colorete,hinihimas niya ng palad niya ang makinis na pisngi. May pagkahawig sila ni Faith pero di hamak na mas maganda siya at matalino,siya rin ang pinaka wittier sa kanila...simula bata hanggang ngayon. Pero bakit ganun ay di pa rin siya mabigyan pansin ng ama at ina,hindi man lang siya minahal ng mga ito.Pero pagdating kay Faith ay binibigay nila ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD