Ang mock turtle soup ang kumalat sa mesa at nag simula itong umagos papunta kay Blythe.
Ang malagkit na soup ay tumulo sa damit ni Blythe at nadumihan na ito.
Unti unti niyang inangat ang ulo na magkasalubong ang kilay at nagtinginan sila saglit,maya maya ang sumimangot ang mukha ni Blythe..
"Oh,no!!,tumulo na ang Soup" kunwaring gulat ni Faith at ang hawak nitong mangkok na may laman pang kunting soup ay inangat nito,napansin ni Blythe na wala itong balak tumigil.
Dipa nakuntento si Faith kaya naman ang laman ng mangkok ay bigla nalang niya itong sinaboy sa mukha ni Blythe.
Nang aasar pa itong nagsalita."Blythe wag kang mag alala malinis naman ang mesa,pwede mo nang ipagpatuloy ang pagkain sa soup.Kung sa bagay dika pa nakatikim ng pagkaing mamahalin."
Tinanggal ni Blythe at itinulak ang kamay ni Faith mula sa pagkahawak nito sa balikat niya.
Dahan dahan siyang tumayo at "di niya ininda ang mantsa at lagkit sa damit at sinabi niya ang gusto niyang sabihin dito.
"Faith,kapatid kita at marami din akong kayang gawin sayo kong gustuhin ko.Kaya dapat alamin mo kong hanggang saan ka lumugar.
"Dahil lahat tayo ay may limitasyon din,wag muna akong sagarin.
"Kahit pa pinakain mo na ng dayami ang Rabbit,kaya ka parin nitong kagatin."
Pagkatapos bigkasin ang huling salita ay umalis na siya.Di na niya nilingon pa ang bobita niyang kapatid na natahimik at dipa rin nakuha ang sinabi niyang logic..
"Ang rabbit na nangagat sa akin simula ng bata palang kami ay di parin ako kayang pantayan."usal ni Blythe sa kanyang isipan.
Napakabilis lumipas ang mga araw at buwan.Walang pinagbago sa sitwasyon ni Blythe,nakakulong parin siya sa loob mansiyon.
Para lang siyang hangin na di nakikita,sa loob ng dalawang buwan.May pagbabago sa mukha at katawan niya tumataba siya..
Sobrang saya ni Faith ng makita ang sitwasyon ni Blythe.
Nasa hapag kainan sila kumakain at napansin ni Faith ang plain vegetables at soup lang ang nasa harap nito.Kaya nilagyan niya ito ng isang piraso ng pork ribs ang plato ni Blythe.
"Blythe,bakit parang napapansin ko na tahimik ka,heto subukan mo ito."alok niya sa tahimik na si Blythe.
Tiningnan lang ni Blythe ang piraso ng pork ribs at mabilis na tinusok ng tinidor at inilayo sa plato niya.
Dahil sa inasta ni Blythe ay naisipan ni Faith magdrama sa harap ng Ama..
Nilapag niya sa mesa ang tinidor at kutsara..at pagaralgal siya nagsalita kay Blythe...
"Blythe"Bakit mo ginawa yun"
Bakit mo tinapon ang binigay ko sayo?"
kong na offend man kita minsan pwede mo naman ako kausapin ehh"..para diko na uulitin...
Nang makita ni mr. Roberts na umiiyak na si Faith,napasimangot agad ito ng mukha makikita sa mukha nito ang pagkagalit.
Dahan dahan nitong nilapag ang kutsilyong hawak niya,at biglang hinampas ang mesa at sumigaw ng...
"Blythe!"sumusobra kana!Binigyan kana nga ng kapatid mo ng isang pirasong pork ribs ganyan kapa umasta..Kong ayaw mo ay magsabi ka?
"Ayos lang naman ano bang naisip mo at umasta ka ng ganyan.."
Si mrs. Roberts naman ay agad na lumapit kay Faith at kinocomfort ito...Sisinghot singhot pa ito.
Tumingin si Blythe kay Faith at nagsalita ng matigas ang tono at diniinan pa niya ang pagbigkas..galing sa mga labi niyang sobrang putla..
" Tapos na po ako,nakakawalang gana."
Sa sinabing iyon ni Blythe ay mas lalong umuusok sa galit si mr. Roberts.Hinampas nito muli ang mesa ng sobrang lakas at pinulot ang buto ng porkribs..
Tinapon niya ito sa sahig at tsaka sumigaw kay Blythe na...
"Pulutin mo yan at Kainin mo?!"
Sa sinabi ng Ama ni Blythe ay unti unti na siyang nawalan ng respeto sa ama...tumingin lang siya dito ng malamig ang ekspresyon ng mukha niya..
Gusto nang Ama niya na ipakain sa kanya ang pagkaing inaayawan niya kanina pa..
"Daddy seryoso kayo,ano nalang ang sasabihin ng mga kakilala mo.
Pag nalaman nila o marinig ito,wala naman sa intensyon kundi iminungkahi lang niya ang mangyayari pag nagka ganun....
Sa narinig niya mula kay Blythe at mas lalong umapoy sa galit si mr. Roberts at tatayo na sana siya upang hilain ang buhok ni Blythe..
Ngunit bago paman siya makakilos, ay nanlaki ang mata ni Blythe ng makaramdam ng di maganda sa lalamunan at napatakip sa bibig,at napatakbo sa trash bin na malapit lang sa kanya...
Napaluhod si Blythe sa harapan ng trashbin at doon sumuka ng sumuka.Ang pawis at luha niya ay tumutulo narin sabay sa suka niya.
Lahat ng tao doon ay natigilan sa kanilang nakikita kay Blythe,natahimik silang lahat.
Si Faith naman ay nasurpresa ng lubos sa nangyari kay Blythe,at sa pagkakataon na iyon ay pumasok sa isip niya ang di inaasahang mangyayari ang ganito..
"Di kaya buntis si Blythe sa anak ni Paul?!
Napakamao siya sa sobrang galit.
Paano nangyari ito,di lang sa paghatid niya sa kapatid sa higaan ng lalaking pinapangarap,pero isang gabi lang iyon na nakasama ito ni Paul.!
"Pinapahalagahan ang babae,kapag nakapagbigay ito ng anak.Kung si Blythe ay hanapin si Paul dahil sa bata,di rin lalayo ang tsansa na maging Mrs. Beckets ito.
Mas lalong humigpit ang kamao ni Faith,"Hindi !"hindi ko hahayaang mangyari iyon lahat.
Akma siyang lumapit kay Blythe ngunit naunahan na siya ng kanyang ina at hinahagod ang likod nito..
Lumapit parin siya at tinapik tapik ang likod ni Blythe at nagsalita ng striktong tono.
"Blythe"sabihin mo nga sa akin anf totoo,Dinadala moba?!
Napatingin si Blythe na nataranta,"Dala ang alin"
Wala nang sinayang na oras pa si Mrs. Roberts at hinila si Blythe para dalhin sa Ospital...
Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay nalaman din nila ang resulta.Halos himatayin si Mrs. Roberts ng lumabas ang resulta.
Ang doctor naman ang nakangiting itong hinarap si Blythe ng sabihin na"Congratulation's magiging Mommy kana".
Napatulala si Blythe saglit,at bago hawakan ng dalawang kamay ang maliit na tiyan...
"Magiging Mommy na ako"
tumango naman ang doctor at nagsalita"oo totoo ang sinabi ko at dalawang buwan na ang ipinagbubuntis mo"
Nang marinig ni mr. Roberts kong ilang buwan na ang ipinagbuntis ni Blythe.Naalala agad nila yung gabing hindi nakauwi si Blythe.
Hinila ni mr. Roberts ang braso ni Blythe.Sa lakas na pwersa niya ay nagasgasan ang braso ni Blythe.
Kinaladkad niya ito papunta sa doctor at buong galit na sinabihan ang doctor na"e abort niyo yan ayaw namin sa bata."
Nanlaki ang mata ni Blythe sa sinabi ng ama at hinila niya pabalik ang kamay,nabitiwan naman ng ama ito at hinawakan ng maigi ang tiyan.
"No!wala itong kasalanan,ang inosenteng buhay na nasa sinapupunan ko.
"Hindi ako papayag na patayin niyo ang pag asa na masilayan niya at maisilang ko siya sa mundong ito,na gusto kong ibigay sa kanya.
Pakkkk!!!!!!
Walang awa at Isang napakalakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Blythe..
"You w***e!!"
Gusto mo ba talagang masira ang cooperation at pagkakaibigan ng Roberts at Coles!"dapat ay ikakasal kana kay Patrick galit na turan ng ama sa kanya.
Napatayo si Faith sa gilid habang pinapanuod ang eksena,at napapikit siya ng unti-unti pero may isa pa siyang balak na gawin..
Ang dipa naisilang na sanggol ni Blythe ay anak ni Paul Drake Beckets.
Siya ang taong makapagpabago sa kinabukasan nino man dito sa buong mundo!
Syempre ayaw niyang mabunyag ang alam niya na sikreto.
At kapag nabunyag ang totoo,magiging mrs. Beckets ito?
kaya kailangan niyang ibaon sa hukay ang kanyang alam na katotohanan.
Pipilitin si Blythe na ipalaglag ang bata ay maaring isang magandang ideya.at kahit sa ganun,wala na itong kahit maliit na tsansa si Blythe na maikasal kay Paul!
Habang naiisip niya iyon ay kinausap din ni Faith si Blythe habang hinila hila konti ang braso ni Blythe..
"Blythe"Siguro ay dapat ipalaglag mo nalang yan.Ginawa lang naman namin,ito para sa ikabubuti mo.
Pamilya tayo diba! wala kaming gagawin na ikakasakit mo..
pag aalok ni Faith sa kambal.