Episode 6:THEY WANT TO ABORT MY CHILD

1426 Words
Napagitnaan si Blythe ni Mrs. Roberts at Faith.Walang magawa si Blythe kundi yakapin ng mahigpit ang tiyan. Hindi siya kailanman makatakas sa dalawa,kahit pa anong gawin niyang paraan para makatakas siya sa mga ito. Subalit alam niya na ang daddy niya,ang Mommy niya at si Faith ang magkakampi. Kaya ramdam niyang mag isa lang siya namumuhay sa pamilyang Roberts. Kahit pa sa pagdating ng anak niya ay gusto pa nilang tanggalin ang karapatan ko. Ibig sabihin ay mawawala din ito sa kanya ng buo kasama ang kadalisayan at ang reputasyon niya. Atleast pagbuhay ang anak niya ay di na siya mag isa pagdating ng araw at habang buhay. Kailangan niya protektahan ang anak niya.Hinila agad ni Mrs. Roberts ang doctor na malapit lang sa kanya at inabutan ng Card. "Doc,hindi namin kailangan ang bata at isa pa di rin namin kilala ang Ama ng bata,kaya please tanggalin mo na yan." Hindi naman tinanggap ng doctor ang card na binigay sa kanya ni mrs.Roberts.Ipinilit pa ito sa kanya at inilagay sa kamay niya... Pero ang tingin niya,ay na kay Blythe,na natatakot at sobrang pinagpawisan ang pawis nito ay parang isang balde na.. Kahit nahihirapan si Blythe ay patuloy parin ang yakap ng kamay niya ng mahigpit sa maliit na umbok sa tiyan. Pagkatapos niyang obserbahan ang ginawa ni Blythe,nakapagdesisyon na siya. Sigurado siya sa determinasyon ni Blythe na iligtas ang anak at nakikita niya dito ang anyo ng pagiging ina. Tinulak niya ang card pabalik kay mrs. Roberts,bago siya humakbang ng malaki palapit kay Blythe.Tinulak niya si Mrs.Roberts at hinila palapit sa kanya si Blythe. "Pasensya na po"kong hindi po talaga ng ina magdesisyon ay,wala po kayong karapatan na magdesisyon para sa kanya." Napaangat ng ulo si Blythe at tumingin sa doctor.Ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya,sobrang saya niya ng panigan siya ng doctor... Nang marinig ni mr. Roberts ang sinabi ng doctor,ay nagalit siya.. "Hindi pwede?!"pero kami ang pamilya niya,ang mga magulang niya. "Bakit di kami pwedeng magdesiyon para sa kanya?!"galit na tanong ni mr. Roberts sa doctor. Tumango naman si Mrs. Roberts bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Asawa."Oo nga naman,ginawa lang naman namin ito para sa ikabubuti niya! Itong batang ipinagbuntis niya ay kailangan mawala".. Si Rue naman ay sinubukan din kausapin ang doctor sa ibang paraan na alam niya. "Doc please gawin niyo na ito.Paano kong kayo ang Fiancee at ikakasal na kayong dalawa ngayong linggo,pero ang mapapangasawa mo ay buntis sa ibang lalaki.Ano nalang ang maramdaman mo?"tanong niya sa doctor. Sinulyapan naman ng doctor si Blythe at hinarap si Faith walang alinlangang nagsalita. "Kong mahal ko talaga siya ay tatanggapin ko ang lahat ng tungkol sa kanya,kasama na din ang bata,kahit pa hindi ako ang ama. "Naintindihan mo" pabalang na sagot ng doctor sa tanong ni Faith. Sa narinig nila mula sa doctor ay nawalan na sila ng lakas ng loob at pag asang tatlo.. Si Blythe naman ay labis ang tuwa sa sinabi ng doctor,ramdam niya ang concern nito sa kanya..Kanina pa umiinit ang sulok ng mga mata niya.. Ang pamilya niya ay walang alam kundi ang ipitin siya sa isang di magandang gawain.. Mabuti pa ang isang estranghero nakaramdam siya ng isang kaginhawaan,kahit sa salita lang nito. "Oo na,tama na"since ayaw niyang ipalaglag ang bata ay tatanggapin natin ito."sabi ni mrs.Roberts at humawak sa kamay ni mr. Roberts at may ipinapahiwatig ito sa kanya. Pati si Faitj ay napansin ang pinapahiwatig ng ina- maraming Paparazzi at reporters sa palipaligid.. At kong makalabas ito sa tv ay masisira ang reputasyon ng Roberts Groups.. Kaya tumango nalang si Faith at mr. Roberts."Oo nga naman dad pag usapan nalang natin ito sa bahay. Si mr. Roberts ay napalunok nalang pero may sa galit sa puso at sinulyapan ng masama si Blythe."Pwede mong ipagpatuloy ang pagbubuntis mo,sa ngayon sumama kana sa amin umuwi." Napatikom nalang si Blythe at sumunod din sa tatlong nauna maglakad.. May mahinang humila sa kanya at kaya napatigil siya saglit.Nilingon niya ang taong humila sa kanya at nagsalita ito.. "Tandaan mo,kung gusto mo protektahan ang anak mo,kailangan mong maging matapang,matatag at gawin mo ang lahat para hindi mapahamak ang anak mo.At nang sa ganun ay magiging isa kang mabuting ina.." Ngiting may tiwala ang pinakita ng doctor sa kanya,at unti unti na nitong binitawan ng dahan dahan ang kamay niya. Ang dalawang kamay ni Blythe ay iniyakap samaliit na umbok sa tiyan niya.. Natatakot man pero buo na ang determinasyon niyang protektahan ang anak sa abot na makakaya niya. "Tama nga!ngayon na magiging ina na siya,kailangan niyang protektahan ang anak sa abot ng makakaya niya.. Nakabalik na sila sa Mansiyon Roberts ,hinila agad ang braso niya ng kaniyang Ama at itinapon siya sa sofa.. Talagang iniyakap niya ang kamay sa tiyan at mabuti nalang ay nabalanse niya agad ang katawan.Ang likod niya ang tumama sa kanto ng sofa. "Blythe"Talaga bang gusto mong buhayin ang batang iyan? "Talagang gusto mong sirain ang pamilyang Roberts?!"galit na sigaw ng Ama niya sa kanya.. Sa nakikita ni mr. Roberts sa aksyon ni Blythe ay sumiklab ulit ang galit niya at di na mapigilan ni mr. Roberts ang isang kamay at hilnila niya ang buhok ni Blythe. Pakiramdam ni Blythe ay matanggal na ang anit niya sa sobrang lakas ng paghila ng Ama. Lumapit si Mrs. Roberts at hinawakan ang kamay ni mr. Roberts upang pakalmahin ito. Umupo siya sa tabi ni Blythe at sinuklay ng daliri niya dahan dahan ang buhok ni Blythe at nagsalita.. "Blythe"ang gusto lang naman namin ay ang ikabubuti mo. Itong batang dinadala mo ay magiging pabigat lang ito sayo,lalo pa't dimo kilala ang ama nito. Ang pagpapanatili mo sa batang ito ay magiging hadlang sa kinabukasan mo,naiisip mo ba iyon?! Napakamao ni Blythe ang kamay dahil sa sinabi ng Mommy. "Mom"hindi ito pabigat at hadlang! "At hindi ko mahal si Patrick at ayokong magpakasal sa kanya! "At ganun din ang nararamdaman ni Patrick sa akin! "Bakit ba gustong gusto niyo kaming ipakasal at pagsamahin kaming dalawa?! Natigilan si Mrs.Roberts at nawalan na din ito ng pasensya. "Blythe alam mo naman na si Rue ang susunod mamamahala ng kumpanya Roberts,at kayo dapat magkapatid ang magtulungan sa isat-isa. di mo ba naiisip yun?!"sigaw ni mrs. Roberts kay Blythe. "Magkapatid?" "Magtulungan sa isat-isa?" Ibig sabihin ba dun kailangan kong isakripisyo ang sarili ko' para matupad ang pangarap niyo kay Faith ganun po ba! mapait na sabi ni Blythe. "Dad,Mom,ganito na kayo noon paman bata palang ako diba. Palagi niyong sinasabi sa akin na kailangan kong magsakripisyo sa lahat para sa kapatid ko. Gusto niyo akong ipakasal sa di ko mahal bilang sakripisyo para matupad ang pangarap niyo sa kanya. Pakkk!!!----- May pagkadismayang nakasulat sa buong mukha ng Mommy niya at,nasampal niya si Blythe. "Blythe"paano mo kami napagsalitaan ng ama mo at sa akin ng ganyan.. Pinagtiisan kitang dalhin ng halos sampung buwan sa sinapupunan ko,tapos ganito lang ang isulki mo sa akin..paano mo nagawa sa akin ito.sumbat ng mommy niya sa kanya. Besides ang major na kinuha mo ay Fashion design naman diba,di ka nga pwede maka apply sa Roberts group niyan,kaya pabayaan mo lang na mag isang pamahalaan ni Rue ang kumpanya.bulalas ng kanyang Ina. Kahit may dalawang linyang pula ang mukha ni Blythe,sinamaan lang niya ng tingin ang Daddy at Mommy niya. Palagi naman siyang nasasampal ng mga ito,pero kadalasan ay ang Ama niya. Ngunit ngayon ay ang Ina niya,na inaasahan niyang magtatanggol sa kanya kasi isa din naman siyang anak nito. Ngunit hindi niya akalin pati ito ay walang pakialam sa kanya. "Mom,wag nga kayong magpatawa,diba kayo mismo ang nag enroll sa akin sa fashion design diba?! At si Rue naman ay eninroll mo sa major economic management ay ideya niyo rin iyon diba? Simula palang noon,kayo na mismo ang nagpili na siya ang gawing tagapagmana ng pamilyang Roberts. Habang ako ginagamit niyong kasangkapan para maabot ni Faith ang magandang pangarap,diba iyon naman ang plano niyo!" Sa narinig nila na panunumbat ni Blythe ay kapwa natahimik si Mr. Roberts at Mrs. Roberts. Kapwa sila naging pipi at parehong nagulat sa sinabi ni Blythe.. Di nila alam kong paano ni Blythe nalaman ang ganitong plano nila... Subalit ang di nila inaasahan ay ganito pala katalino si blythe,ang pagkakaalam lang nila makitid ang utak nito kaya maging sunodsunaran ito sa lahat ng plano nila.. Ngunit ngayon ay di nila inaasahan na mas mautak pala ito.. Ang di alam nila Mr. Roberts at Mrs. Roberts na mas mataas ang IQ ni Faith kasya kay Blythe .. Minanipula lang ni Faith ang lahat simula bata pa sila,ipinagpalit nito ang mga testpapers nila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD