Dahil sa sinabi ni Faith ay nagulat si Mrs.Roberts na nasa kabilang linya,nagdadalawang isipa pa siya sa gustong mangyari ni Faith.'Bakit kailangan pa mangyari ang ganito,bakit parang mas lalong pinalala na ni Faith ang lahat anak ko pa rin si Blythe kahit ganun.'
"Faith kailangan pa ba talaga nating gawin ang ganito?Pinalayas na si Blythe sa mansiyon,matagal na siyang wala sa puder narin noon pa at higit sa lahat..."bago paman makatapos ng pagsasalita si Mr, Roberts ng marinig niya ang malalim na buntong hininga ni Faith sa kabilang linya.
'Alam kong may pagkaawa parin at pagmamahal ang Mommy ko kay Blythe pero hindi pwede na hindi masunod ang gusto ko?'sinagot ko naman ang pagdadalawang isip niya."Mom,alam ko po na may malambot pa kayong puso para kay blythe di ko naman ikaila na kapatid ko parin siya at anak mo parin siya pero may 'pero'mom.'Dapat na isipin niyo na kapag nalaman o nabuking tayo at kumalat ito sa buong siyudad,katapusanna nang buong Roberts Group!'Lahat nang anong meron tayo ay mawawala ito,mom..."
Nang marinig ni Mrs. Roberts ang sinabi ni Faith,ay biglang napahinto siya.'Tama si Faith,simula palang ay hindi nila alam na si Paul ang lalaking naka One Night Stand ni Blythe ng gabing iyon!Dahil sa napalayas na si Blythe ng mansiyon noong buntis pa ito,ang pagpalit ni Faith sa dapar ay si Blythe ay ang huli nalang naming pag asa,para mas lalong gumanda ang takbo ng Roberts Group.'Kung lahat nang ito ay mailantad ,ang matinding galit ni Paul Drake Bluemel ay kayang mapagbagsak ang kanilang negosyo at hindi namin kayang labanan iyon.'
Nabuo na ang desisyon ko kailangan kong tulungan si Faith."Wag kang mag alala,ako na ang bahala sa mga iyon."
Dahil sa pangako ng Ina si Faith ay nakahinga na ng maayos.
"Mom hindi kopo pingarap na umabot sa ganito ang lahat,si Blythe at ako ay kambal,kaya naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman niya dahil konektado parin kami.Pero ang lahat ng itong ginawa ko ay para din sa lahat ng Roberts Empire ang pinag uusapan ,hindi naman ako papayag na ganun-ganun nalang babagsak at masisira ang buong pinahihirapan natin."pero sa loob ni Faith ay nagdiwang siya dahil lahat ay nakuha niya kay Blythe.
Napabuntong hininga si Mrs. Roberts at nagsisisi sa pagdadalawang isip niya kay Faith."Alam ko kung anong nararamdaman mo Faith,dahil anak kita..."
Pagkatapos nila mag-usap at naibaba na ang tawag,napabungisngis ang mukha ni Faith dahil lahat ng plano niya ay sinusunod ng ina niya.Panlong panalo lahat.'Blythe,wag mo akong sisisihin sa pagiging ganito ko,pagkaganid magngyari ang ganito,dahil palagi mo akong pinagmumultuhan sa buong mundo ko.Pati pagtulog ko at nandoon ka,kahit maipikit ko lang ang mata ko ay nadoon ka,kailangan monang mawala sa lugar na nadoon ako.'
Sina Blythe naman ay nagkasayahan dahil kay peterson,maya maya lang ay tumunog ang cellphone niya nag tingnan niya kong sino ang tumawag,ay di niya mapigilang tingnan si Blythe na masaya sa pagtitig sa anak.
Tapos,tumayo siya at nilayo agad ang celpon niya at sinagot ito."Hello,bakit po tita,napatawag po kayo?"sumagot naman ang nasa kabilang linya."Hello jandie maari ko bang makausap si Blythe at gusto ko siyang makita pakisabi may importante lang akong sasabihin.",saka niya sinabi kay Blythe kong sino ang tumawag mahinahon naman siyang nagsalita kay Blythe na si mawari ang saya sa mukha nito."Blythe,ang mommy mo,sabi niya gusto ka raw makausap at makita."
''Ang kaninang magandang ngiti ni Blythe ay napalitan ng simangot at nagdadalawang isip pa siya sagutin ang celpon.'Ano na naman ba ang gusto nila at bakit pinipeste na naman nila ako.'kalaunan ay kinuha niya ito sa kamay ni jandie ang celpon ar sinagot din niya."Hello!"
'Bakit hindi pa rin sinagot ni Blythe ang tawag,gusto ko nang marinig ang boses niya namiss ko na siya.'Nang marinig ni Mrs. Roberts ang boses ni Blythe sa kabilang linya,di niya mapigilan ang damdamin na magsaya ngunit kinontrol niya ito at nagsalita nang may mapakaibigan na boses sa pakikipag usap."Blythe,narinig kong nanganak kana raw?"
Sumagot naman si Blythe nang walang ka emosyon."Mm,at ano?"
"Blythe kumusta ka naman,gusto kitang makita,may marami akong gustong sabihin sayo.Pwede ba tayong magkita."
"Ayos lang,Mrs. Roberts dito niyo nalang sa akin sa celpon isabi kong ano mang sasabihin niyong importante na yan."
"Blythe,Wag mo naman akong sisisihin?Wag mong kalimutang ipinagbuntis kita ng halos sampung buwan,hanggang sa nababahala ako sayo,parte kapa rin sa akin!at basta nasa maayos ka at nang anak mo na ligtas kayo,masaya na ako."Kahit saglit lang,ilang segundo lang Blythe,Sana lumabas ka at makipagkita sa akin,marami talaga akong gustong sasabihin sayo please."
"Okay."
Pagkatapos mag usap at naibaba na ang tawag,nagtanong agad si Jandie."Makipagkita kaba talaga sa kanya Blythe?"
Hinihili naman ni Blythe ang anak na sa braso at tinatapik tapik ito upang makatulog at sumagot sa tanong ni Jandie."Oo,kahit gaano pa man siya ka biased,ina ko parin siya diko iyon maipagkaila."
Napabuntong hininga nalang si jandie at nagsalita."Ayos ka din ano,sige sasamahan na kita."
Ngumiti lang si Blythe at umiling iling ng mahina bago niya inilapag sa bisig ni jandie ang sanggol na mahimbing,nang nakatulog bago paman siya sumagot ng pabulong baka magising si Peterson."Hindi na kailangan,bantayan mo nalang si Peterson para sa akin,babalik din naman ako kaagad."
Binuhat naman ni jandie ang sanggol di maitago sa mukha niya ang pag alala kay Blythe nagsalita parin siya.Baka sakaling magbago ang isip nito at isama sila."Pero alam mo naman ang kalagayan mo diba,baka mabinat ka kakalabas lang natin kahapon sa ospital."
Umiling lang sa kanya si Blythe at sumagot din ito na sigurado na siya na hindi nito pababayaan ang sarili."Wag kang mag alala sa akin kaya kobang sarili ko at tsaka diyan lang ako sa malapit na grocery store."Wala naang nagawa si jandie kundi hayaana ang kaibigan,pumasok siya sa kwarto at nagpalit ng damit paglabas niya ay humalik muna kay peterson at nagbiso kay jandie.
Pagkaalis ni Blythe ay buhat buhat naman ni jandie ang sanggol at dahan dahan siyang gumagalaw,hindi maitago kay jandie ang sobrang pag alala kay Blythe baka kong ano na naman ang gawin ni Mrs. Roberts.Kakasara lang ng pintuan isang minuto lang ay ang kaninang mahimbing ang tulog na si Peterson ay biglang nagising at iyak ng iyak.Ang mga maliliit kamay nito ay nakaangat sa ere na para bang may kong anong gusto gawin at may parang hinahanap o inaabot.
Si Jandie naman ay di na magkaugaga sa kakahanap ng paraan upang patahanin ito,lahat na ng paraan ay nagawa na niya hawak hawak ang ibat ibang klase nang laruan.Ngunit lahat ng mga ito ay hindi nagugustuhan ng sanggol ang mga lahat ng mga iyon,at patuloy parin sa pag iyak ng iyak.
Dahil sa walang kaalam alam si jandie sa pagpapatahan sa sanggol,inilapag niya ang sanggol at kinuha ang celpon,magsearch siya sa google para alamin kong paano ito maresolba.Nang bubuksan na sana niya ang celpon para magsearch ngunit ang dalawang maliliit na kamay ng sanggol ay kinuha ang celpon at inilayo ito sa kanya.
Dahil sa nakita niyang ginawa ni Peterson binuhat niya ito ulit at tumahimik naman ito,dahil naagaw ng celpon ang atensyon nito.Napabubtong hininga si jandie sa pagod at stress nagpanggap naman itong nagpunas ng pawis nang tumingin sa kanya si Peterson."Hmm..salamat naman at natahimik na ito at tumigil na sa kakaiyak iyak."bigkas ni jandie.
Sa malapit na Grocery store ay mag katabi itong cafe shop,may mga upuan naman ito sa labas na nakahilera at pati nadin sa loob,may mga bakanteng upuan naman sa loob ng medyo may kaliitan na pwesto ng cafe shop na ito.Parang maduwal si Blythe pero na touch din naman siya kunti sa kabaitan ni Mrs. Roberts,dahil nauna pa talaga ito dumating kesa sa kanya na malapit lang siya.'Talagang nagmamadali siyang makita ako at nauna pa talaga sa akin,ano na naman kaya ang pakulo nito.'
Umupo naman si Blythe sa harapan nito at humingi pa siya ng paumanhin dito."Pasensya na po Mrs. Roberts na nahuli ako ng dating."
Pagkatapos lang ni Blythe magsalita ay hinawakan agad ni Mrs. Roberts ang dalawang kamay ni Blythe.Nagulat pa si Blythe sa ginawa ni Mrs. Roberts at inagaw ang kamay,ngunit hinila ito ulit ni Mrs. Roberts kaya hinayaan nalang ni Blythe.
"Blythe, Kumusta ang pakiramdam mo,ang katawan mo?Naalala ko nung ipinanganak ko kayo ni Faith,hindi ako halos makagalaw."May pag alalang sabi ni Mrs Roberts ngunit ang binubulong ng isip ay sabihin na agad ang pakay niya kay Blythe.
'Himala ata ngayon si Mrs. Roberts ngayon,kong makapag alala sa kalagayan ko parang wala siyang kasalan kaya ako nagkaganito ngayo.'Umiling nalang ako sakyan natin kong ano man ang palabas na ito,ang mata ko naman ay napako sa kamay ko na nakapatong ang kamay ng ina ko.Na ni kahit kailan ay di naman nagpakaina sa akin.Ang Init na dala ng palad nito ay nagpaparamdam sa akin na hindi ako nananaginip .Ang kamay ko ay talagang hinawakan niya at ikinulong ito sa mga palad niya,samamtalang ang mga kamay na ito ay walang ibang hinahawakan kundi ang kambal kong si Faith.'
"Mom, ayos lang po ako wag na po kayong mag alala,' dahil sa na touch si Blythe sa kabaitan nito at nag alala pa sa kanya.Dahil sa ilang taon ngayon lang siya hinawakan ng ina at sobrang sarap sa pakiramdam ay natawag pa niya ito ng "Mom".
'Gusto ko man sabihin agad kay Blythe ang kailangan ko sa kanya,ay di ko muna ito sinabi sa kanya gusto ko muna siya mahawakan,Dahil alam ko simula ng masabi ko sa kanya mamaya ang totoong dahilan ng pakikipagkita ko sa kanya ay hindi na niya ako mapatawad pa.kaya pinayuhan ko siya nang may malasakit parin ako sa kanya."Sa mga darating na araw ,kailangan mong alagaan ng maayos ang sarili mo,wag mong pabayaan ang kalusugan mo,okay!!"
Tumango naman si Blythe at sumagot din kau Mrs. Roberts."Opo mom,Alam ko na po,kayo ni Daddy kumusta naman po kayo?"
Tinapik tapik naman ni Mrs. Roberts ang likuran ng kamay ni Blythe ng bahagya nagpipigil pa siya kong sasabihin na ba niya ng kanyang pakay.At sinagot nalang niya ang tanong ni Blythe."Wag kang mag alala sa amin,maayos naman kami."
'Sabi ko na nga ehh,may ibang pakay itong Mrs. Roberts na ito,dipa sinabi agad.Napansin kong may gusto talaga siyang sabihin,kaya naman ako na ang nagtanong sa kanya."Mom,kung may iba panpo kayong sasabihin sa akin sabihin niyo napo sa akin ngayon na,kailangan kong umuwi ng maaga dahil baka umiiyak na ang anak ko."
Inangat ni Blythe ang mga braso at ipinatong sa mesa at tinanggal ang kamay at hinila ang pulsuhan ng Ina at ang tono nung nagsalita siya ay sinadya niyang lambotan upang magsabi na agad si Mrs. Roberts.
Napangiwi pa si Mrs. Roberts,dahil sa nagdadalawang isip siya kaya natahimik muna siya ng ilang minuto,bago paman siya nagsalita. 'Blythe,ikinasal na si Faith kay Paul Drake Beckets kahapon at isa na siyang Mrs. Beckets ngayon."
Nagulat si Blythe sa balita ,kahit papaano ay nakaramdam siya ng konting sama ng loob,pangarap niyang makita na ikasal ang bawat isa sa kanila magkambal,ngunit dahil sa nangyari ay wala siya sa espesyal na araw ng kambal.Kahit pa may galit siya hindi parin magbabago kahit baliktarin pa ang mundo na magkapatid parin sila.Wala naman siyang problema kong sino man ang pakasalan ni Faith,basta masaya ito.
'Pero bakit ako nakaramdam ng sama ng loob,eh tinanggal na nila ako bilang parte ng Roberts.'
"Napakagandang balita naman nito,kong siya ay naging Mrs. Beckets na,ibig sabihin kaya na niyang pamahalaan ang Roberts Group sa mataas na level.
Nagbigay naman ng pahiwatig si Mrs. Roberts at nagpakawala ng pagmamalaki sa paraan ng pagngiti nito."Tama ka,magandang pangyayari nga ito.Pero..."
Nang huminto sa pagsasalita si Mrs. Roberts ang kilay ni Blythe ay napaangat sa kanya at nagtataka kong bakit may "Pero".Samantalang isa itong napakagandang balita,bakit di parin ba sila kuntento dito."
Samantala,may masama siyang pakiramdam sa paghinto nito.'Ang pakiramdam na iyon ay kapareho nung ipanaako sa kanya ni Faith ang nagawa nitong kasalan at siya ang napagbintangan noong bata palang sila.'
Nagsalita naman ulit si Mrs. Roberts."Pero Blythe,ang premarital pregnancy mo ay napakalaking hadlang sa reputasyon ni Faith.Iniisipan siya ni Paul na baka kagaya mo din siya sayo ng ugali kaya siya...."
'Bakit ba ganito lagi ang mga magulang ko,lalong lalo na si Faith.Wala naman akong kasalanan kong nabuntisan ako,biktima ako pero bakit sa akin nila sinisisi lahat,wala naman sana akong kasalanan sa pamilyang it,ang sakit.Kahit pamilya ko ay ipinagtutulakan ako,lord bakit po,,,'
Bago paman makatapos sa sasabihin si Mrs. Roberts,ay agad na binawi ni Blythe ang kamay niya,sa pagkahigpit na pagkahawak niya sa kamay ni ina kanina.
Ang puso niyang uminit kanina ay bumalik sa pagkalamig na prang yelo at sumagot sa sinabi ni Mrs. Roberts."Anong ibig sabihin ng iniisip niyo na kagaya ko ng kaugalian si Faith,Mrs. Roberts."