Episode 14:WEDDING FOR THE SAKE OF MY SON

1971 Words
Sa tensiyon na namamagitan,saglit siyang natigilan.'Bakit di nalang agad ako alukin ni Paul na pakasal kami,Bakit kailangan pa niya akong tanungin sa gusto ko?' 'Ibig sabihin sa tanong ni Paul kong bakit ngayon ko lang ibinalik ang jacket,bakit gusto niya talaga agad agad ibalik sa kanya ang jacket na kinuha ni Blythe.Ibig sabihin ba nito may nararamdaman siya kay Blythe?" 'Ngayong napanggap siyang si Blythe,bakit parang ayaw sa kanya ni paul,ibig sabihin din ba nito na may mas malalim pa silang naramdam silang koneksyon sa isat isa.' 'Nang makita ni paul na nagdadalawang isip magsalita ang babaeng kaharap na si Faith.Nagpatuloy ito sa pagsasalita si paul,pero ang titig niya sa babae ay puno ng walang tiwala at nagdududa.' 'Bakit diko maramdaman ang spark tuwing tingnan ko ang babaeng ito,bakit ako nakakaramdam ng pandidiri sa kanya hindi katulad nung gabi na kasama ko itong si Little kitty. "Matanong kita nito,noong umalis ka sa kwartong ng araw na iyon may iniwan kabang kahit ano doon pagkaalis mo? Sa itinanong sa akin ni paul ang utak ko ay nagkalkula at nagpoproseso ang mga ito na dapat ko isagot. Siguro may iniwan si Blythe pero ang tanong ano?hindi ko alam anong isagot ko kay paul..bahala na. "Tama may iniwan akong gamit nung umalis ako?"kabadong sagot ko sa kanya. Ang tingin ni Paul kay Faith ay kakaiba at nagtanong uli dahil hindi siya kumbinsido sa sagot ng babae."Ano ang iniwan mo?" Dahil sa tanong ni Paul ay nahuli niya ang reaksyon ni Faith na gulat na gulat. 'Papaano ito ngayon ang nag iisang nakasex niya ay si Blythe at hindi ako,kaya papaano ko malalaman kong anong iniwan ni Blythe.Hindi kopa natanong tanong si Blythe sa pangyayari kaya ano ang maisagot ko,,bahala na.' "Sampung buwan na ang nakalipas,kaya di ko na gaano matandaan kong ano ang iniwan ko.Basta ang naalala ko ay may iniwan ako bago ako umalis,pero nagmamadali kasi ako kaya diko na nabigyan ng atensiyon kong ano ang naiwan ko." Nang marinig ni paul ang sinabi ng babaeng nasa kanyang harapan ay di siya kuntento sa sagor nito kaya,dahan dahan niyang dinukot sa bulsa ng pantalon ang handmade bracelet at ipinakita niya ito tska nagtanong. "Tingnan mo ito,ito ba yon?" Nang makita ko ang bracelet sa kamay ni Paul ay nagulat ako. 'Bakit parang pamilyar ang bracelet na yan?'Saan koba nakita ang bracelet na ito..Saan ba?para nang sasabog ang utak ko sa kakaisip sa mga tanong ni Paul.Hindi ako pwedeng mabuking ito na ang pangarap ko matutupad na.' 'Nawalan na ako ng pasensya sa ginagawa ni Faith nakailang tanong na si Paul pero wala siyang masagot ng maayos,kaya naman nilapitan ko nalang ito.Tinanggal ko ang bracelet na iniregalo sa akin ni Blythe nung birthday ko ngumiti ako at tinapik tapik ang likod ni faith bago nagsalita isinuot ko sa kamay ni faith ang bracelet."Lokong ka talagang babae ka'itong pagbubuntis mo ay nagawang ikalat ang laman ng utak mo,masyado kanang makalimutin.Itong handmade na bracelet ay ginawa mo!Ginawa mo pa nga itong iregalo sa akin nung birthday ko." Si Faith namang hindi na alam kanina ang isagot kay natahimik siya ay nakahinga ng maluwag ng lumapit ang ina at pinaalala sa kanya ng ina ang tungkol sa bracelet. 'Mabuti nalang at mautak itong ina ko,kung hindi baka nabuking na kami.Itong handmade bracelet na ito ay gawa ni Blythe!Regalo niya kay mommy nung birthday niya,apat na piraso ito may kay daddy,kay mommy at syempre sa akin at kay Blythe.' "Ahh!Ehe! oo nga pala mom,napakalimutin ko na talaga magmula nung magbuntis ako hanggang ngayon." Si Paul naman na nakapukos sa kay clark peter ay umangat ang mata nang matapos magsalita si Faith,ang mata niya ay nakatitig sa mukha ni Faith bago siya nagsalita."Anong kondisyon mo?" 'Kahit sampung buwan na ang nakalipas,ay inaamin kong nararamdaman ko parin ang pagnanasa na lumukob sa katawan ko.Simula nang gabing iyon hanggang ngayon,hindi mawala wala sa isipan ko si little kitty nang gabing iyon. 'Ngunit bakit ngayon ang little kitty ko na iyon ay naging little bunny ngayon?' Sinadya talaga ni Faith na tingnan ng may pang aakit si Paul bago siya nagsalita."Ayoko sa mga iba,o materyal na bagay maliban lang para sa akin ay mabigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko at masayang pamilya.Iyon lang naman ang isang pangarap ko para sa anak ko ang may kalakihan siyang kompletong pamilya." Ang madeterminasyon niyang salita ay naging malambot ng tumingin sa kay paul at sa sanggol,hindi niya sigurado ang sarili paano mapapilit na paksalan siya ni paul ang di niya deritsahang sabihin. "Kung hindi mo kayang bigyan ng kumpleto at masayang pamilya ang anak ko,ang masasabi ko nalang sayo ngayon ay ibalik mo nalang ang anak ko sa akin!" 'Alam kong napamahal kana sa sanggol kaya sigurado akong papayag ka kapag gamitin konang sanggol sayo. Pumulandit ng malamig si Paul tsaka nagsalita."Sige papayag akong maging isang mrs Beckets ka,pero wag kang umasa na bibigyan kita ng kasal o anumang romantikong kagustuhan niyong mga babae.Nagkakaintindihan ba tayo?" 'Ang galing din nitong babaeng ito gagamitin pa ang anak ko para lang magkaroon ng kapit sa apelyido ko.Bakit nangdidiri ako sa babaeng ito,ang little kitty ko ay tingin palang ay gusto ko na agad siyang angkinin.' Tumayo si Faith sa tabi kong saan nakalapag si Clark peter at kinarga ito di niya pinasin ang pag iiyak ng sanggol tanda nang ayaw nito magpahawak kay Faith nagawa pa niyang magsalita kahit humihiyaw na ang sanggol. "Wala akong pakialam sa mga iyon,ang gusto ko lang ang anak ko.Ang may maayos na pamumuhay ang anak ko at masaya,yun lang at wala nang iba." 'Pero sa kaibuturan ni Faith ay dismayado siya.'Ano naman ba yan ito na sana ang tsansa ko para tingalain ako at kakainggitan ng mga kababaihan, pero di man lang niya ako pakasalan na nakasuot ng magarang trahe de boda.tssk!: Nilambutan naman ni Paul ang titig niya sa babae."Kung yan ang lagay,ako na ang mag aayos ng lahat para kumuha ng Certificate at tapusin na ito bukas." 'Mabuti naman at pumayag itong babaeng ito sa mga kondisyon ko,kailangan kong magpaimbistega at bakit ganito na ang naramdaman ko sa little kitty ko.' Kinagabihan sa Mansiyon Roberts,pagkatapos makabalik nila sa mansiyon mag ina hinanap agad ni Faith ang Ama nang makita niya ito sa library room s***h office room na nakaharap sa libro ay nagsalita agad siya."Dad,kailangan kong matapos ang certificate bukas,aasahan kong ang mga reporter ay makahanap ng paraan upang mapubliko ang kasal namin.Ayaw ni paul ipubliko ang kasal namin kaya please." 'Nang marinig ko ang sinabi ng anak kong si Faith ay diko maiwasang tumawa ng buong puso.' tsaka nagsalita,"Bakit faith,talaga bang napapaniwala mo sa lahat si paul." Si Mrs. Roberts naman ay nakangisi habang hawak hawak ang kamay nibl Faith at mapagmalaking nagsalita."Oo nga ganun na nga ang nangyari,si paul mismo ang nagsabi kanina na ng Faith natin ay magiging mrs.Beckets na simula bukas hanggang sa habang buhay niya." Napapalakpak si Mr. Roberts sa sobrang saya habang nakangiti ito ng malawak."Mabuti,mabuti kong ganun,wag kang mag alala maghanap ako ng mga reporter upang maipubliko ang kasal niyo,upang malalaman ng buong siyudad na ikaw Faith ang nag iisang luckystar ng Roberts Family." Ang tatlong sobrang saya ay agad na nakalimutan na si Faith ay maging isang mrs.Beckets dahil ipinatapon nila si Blythe sa pagkalugmok ng kahirapan ito. Kinabukasan ay laking gulat ni paul sa pangyayari,lahat ng paraan ay nagawa na niya upang maitago niya ang tunay na totoong pagkatao niya,ay dinumog parin siya ng mga reporter's at paparazzi sa harap ng Civil Registry office. "Mr.Beckets!Totoo po bang kaya kayo nandito sa Civil Registry Office para magparehistro sa kasal niyo ng isa sa anak ng Roberts Group?" "Mr. Beckets ,pwede niyo pa bang sabihin sa amin kong kelan pa nagsimula ang relasyon niyo ng Faith Roberts?Papaano pa kayo umabot sa ganito ng ganoon kabilis?" "Mr. Beckets, pwede niyo po bang sabihin sa amin ang ilang naiisip niyo sa shotgun wedding na ito?" "Mr. Beckets,ano po ba ang ibig sabihin ng kasal na ito sa Roberts family at Becket's Inc?" Habang kinukuyog siya ng reporter's,ay tinapunan nang masamang tingin si Faith na naitutulak na din ng mga reporters at paparazzi,pero hindi siya inalalayan ni Paul pinabayaan lang siya nito at nauna na si paul Isang sulyap lang ni Paul sa mga bodyguards ay agad agad din naman ang mga ito nagkukumahog sa paghaharang sa mga papalapit na mga reporters na gustong makalapit kay Paul. Nang mahangaran na ng mga bodyguards ang mga ito ay tumalikod na si Paul,papasok sa loob ng Civil Registry Office at nang makapasok na siya tsaka si Faith na nakasunod sa kanya .Nang Masiguro niyang wala nang reporters na makakita sa kanila,ay itinulak niya sa may pader sa Faith at hinawakan ng mahigpit ang braso nito sa sobra niyang galit. "Faith,ito ay unang babala ko sayo,wag ako ang subukan jan sa mga pinaplano mong palabas dahil kong akala mo matalino ka kaysa sa akin nagkamali ka,wala kapa sa kalahati ng katalinuhan ko." Si Faith naman ay matapang niyang sinalubong ang titig ni Paul na galit na galit.'Hindi ako pwedeng magpahalata na ako ang may plano sa lahat ng ito,baka mabubulilyaso lahat ng plano ko kailangang di ako mahalata sa sagot ko.' "Iniisip mo ba na ako ang tumawag sa mga reporters?Mukha ba akong katulad ng iba ng gumagawa ng ganun?Kung ayaw mong maniwala sa akin,ikaw pa mismo ang mag alam sa lahat para malaman mo!" Pagkatapos ng tensiyon ay bumaba,binitawan ni Paul ang braso no Faith. "Wag ako Faith!Tayo lang ang nakakaalam kong anong meron sa araw na ito ngayon,kaya sana dapat hindi ikaw ang may pakana sa mga ito.Dahil mananagot ka sa akin." Nagmamadali silang nagpirma bago pa man si Faith lumipat sa Beckets Mansiyon. Sa isang kwarto na malawak at may mga nakahilirang stante ng mga mamahaling libro,alak at sa mesa ang mga nagabundok na mga papeles, 'Tinawagan ni Paul ang isa sa mga imbestigador niya. "Hello..Master Paul." "Detictive Andrew,may ipapagawa ako sayo..ipapasa ko sayo ang pangalan at kong ano ang gagawin mo." 'May hindi ako magandang pakiramdam sa pangyayari ngayon,may isa pang anak si Mr.Roberts at pinalayas niya sa mansiyon dahil sa nabuntisan ito ng di kilala na matanda..hmmmm nakakainteresado ito at bakit walang kahit isang litrato na ipinalabas sa mga balita ng babaeng ito.' 'Naghahanda ako ng isasabi kay paul bitbit ko ang tray ng bagong gawa na tea,papunta sa study room ni Paul dito sa mansiyon.Ngunit nagbago ang isip at napadesiyonan kong wag nang tumulo,dahil nakita ko lang na si paul na titig na titig sa bracelet na nasa kamay niya nakasuot.Sobrang napakatagal niya itong tinitigan,kahit ang espirito niya ay humiwalay na sa katawan niya sa kaseryoso.' Ang kamao ni Faith ay bilog na bilog sa inis at dahan dahan siyang umalis sa may pinto nito at pumunta sa kwarto niya. Siya ang ikinasal kay paul sa lugar na dapat ay si Blythe,pero si Paul ay palaging tinititigan ang bracelet kaya galit na galit siya ngayon.Iniisip ang ibang babae-ang babaeng walang iba kundi ang kinaiinisan niya? Nang makapasok siya sa kwarto niya ay ang nabi ni Faith ay napatikom sa inis niya sa pagseselos ar tinawagan ang numero sa celpon niya. Sa pangalawang pagring ay sinagot na ito,sumigaw si Rue at nagsalita na nawalan na ng pasensya sa sobrang sama ng loob niya. "Mom!Gusto kong mawala si Blythe sa paningin ko habang buhay!" Nagulat naman si Mrs.Roberts at natahimik saglit bago makasagot kay Faith."Faith ano bang pinagsasabi mo?Kumalma ka nga muna." Kinalma naman ni Faith ang sarili at sumagot sa ina."Mom,gusto kong paalisin niyo si Blythe sa bansa ,sa lugar kong saan di namin siya makikita ni Paul!" Hi mga readers ko sa mga gigil na diyan ksi naapi ang ating bida?wag na kayo mag alala may parating na tayong tagapagtanggol niya??salamat sa pag support niyo sa story ko?baka makag update ako 1 or 2 times a week pagkinaya sa pag edit,??enjoy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD