Seniorita 11

1453 Words
Seniorita 11 Sinaya: Nandyan kaya si Lukas sa loob? Yakap ko ang sarili ko habang palinga-linga sa paligid. Madilim at maulan. Tumakas rin lang ako sa mansyon—gusto kong makasiguradong okay lang si Lukas. Desvergonzado, Alfredo! Shameless, Aflredo! Gusto ko siyang ipapulis kanina. Bakit hindi? Walang ginawang masama si Lukas sa’kin. Sabi pa niya kina mama’t papa—nakita niyang hinipuan ako ni Lukas. Sinungaling! Sinira niya ang kasayahan sa mismong kaarawan ko—hindi na siya nahiya! Pero halatang kaagad naniwala sina mama’t papa sa sinabi ni Alfredo kahit anong paliwanag ko. Sa bandang huli—bibigyan nila ng isang pagkakataon si Lukas para magtrabaho sa sakahan. Pero sobra naman ang ginawa ni Alfredo!  Alam ko sa mga mata niya ang binabalak niya. At kahit anong gawin niya—hindi ko siya magugustohan lalo na sa ipinakitang kalupitan niya sa taong walang ginawang masama sa kaniya! Sa pangatlong katok ko sa labas ng kawayan na pintoan ay may bumukas na rin sa wakas. Napatuwid ako ng tayo sabay hawak sa dala-dala kong mga sisidlan ng mga gamot. Bilang isang doctor—nababalisa ako sa isiping baka kung napano ang kamay ni Lukas. “S-Seniorita Sinaya?” Bakas sa mukha niya ang gulat. Ngumiti ako kahit nilalamig na ako dito sa labas. Dumiretso ang tingin ko sa kamay nitong may benda at mukhang may dahon na nakalagay. “Magandang gabi, Lukas—maaari bang pumasok?” Maluwag nitong binuksan ang pintoan sa maliit na kubo nito. Mukhang nag-iisa rin ito sa loob at balita ko rin ay patay na ang mga magulang nito at tanging ito lang ang nag-iisang anak. “A, h-halik, pasok, seniorita.. Pasensya na sa—ang kalat sa loob ng kubo ko. Pasensya na sa—“ Pagkapasok ko sa loob ay hinarap ko siya. Sobrang amo ng mukha ni Lukas—hindi ko man lang nakitaan ng galit o ano sa nangyari at ginawa ni Alfredo sa kaniya. “Ako ang humihinga ng pansensya sa nangyari kanina, Lukas. Lubos kong ikinagagalit ang ginawa ni Alfredo sa’yo. Nandito ako dahil gusto kong magamot ang sugat mo—maski bayad ko man lang sa ginawa ni Alfredo sa’yo.” Hindi ko kailanman ikatutuwa ang ginawa ni Alfredo—lalo ko lamang siyang kinasusuklaman sa mga pinanggagawa niya. “Titingnan ko ang sugat mo, Lukas. Akin na yung kamay mo..” Inilagay ko sa papag ang mga gamit ko. Hindi ko na alintana na basa pala ang damit ko dahil sa ulan sa labas. Pero tumalikod si Lukas at may kinuha pero kaagad din naman itong bumalik para iabot sakin ang isang t-shirt. “Pasensya ka na, seniorita—lumang damit lang yan.. Isuot niyo po’t baka siponin kayo.” Tumango ako saka nagtungo sa maliit na papag nito para magbihis. Mabuti nalang at Malaki at maluwag ang tshirt na ibinigay ni Lukas dahil basang-basa ang damit na suot ko. Paglabas ko ay nakaupo sa isang sulok si Lukas na parang kay lalim ng iniisip. Nang mapansin niya ako—tumayo ito mula sa papag. “Salamat sa kamiseta mo, Lukas. Akin na yang kamay mo’t gagamutin ko.” Nilapitan ko siya saka kinuha ang kanang kamay niya kung saan may sugat ito. Mukhang nag-aatubili itong sumunod—kinakabahan ba siya? O natatakot na ba siya sa’kin? “S-Seniorita, tapos ko ng magamot ang sugat ko—ah!” Kahit dahan-dahan kong tinanggal ang benda na gawa lang pala sa lumang kamiseta—rumihestro ‘agad ang kirot sa mukha niya. Malalim ang kaniyang sugat at patuloy pa rin itong nagdurugo. Bumuntong-hininga ako sa kung anong dahon ang inilagay niya dito. Baka ito pa ang dahilan ng paglala at impeksyon. “Maupo ka, Lukas at gagamutin ko ng tama ang sugat mo.” Tumalima naman ‘agad siya saka naupo ulit sa papag. Wala rin akong nakitang upuan man lang sa loob. Lumuhod ako paharap dito at kinuha ang mga gamit ko sa panggagamot. “S-Seniorita, hindi..hindi ka na sana nag-abala pa—“ Tiningnan ko siya sa mga mata. “Lukas, pwede bang tawagin mo nalang akong Sinaya? Hindi rin naman siguro naglalayo ang edad na’tin.” Sabi ko saka sinimulang linisin ang sugat nito. Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik. Alam kong may galit ito sa’kin o sa pamilya ko at lalo na siguro kay Alfredo. Tinatanggap ko kahit ‘di man niya sabihin sa’kin.. Gusto ko lang makabawi sa kaniya. Hindi ako kasing sama ng ugali ng mga magulang ko lalo na sa pagtrato nila sa mga trabahador. Lalong-lalo na hindi ako katulad ni Alfredo! Nilagyan ko rin ito ng karampatang gamot at kinailangan kong tahiin pagkatapos. Mukhang mahihirapan siyang makabalik ‘agad sa sakahan sa kalagayan ng kamay niya. Tahimik kong nilagyan ng benda ang kamay nito nang matapos ko na siyang magamot. “Huwag mo munang pilitin ang kamay mo sa pagtatrabaho, Lukas.” Sabi ko saka ako tumayo. Abot hanggang tuhod ang kamesita na ipinahiram ni Lukas sa’kin ngayon at hihiramin ko na rin ito pauwi. Lalabhan ko bago ko isasauli sa kaniya. “Pasensya ka na sa nangyari, Lukas.. Uuwi na ako.” Yumuko ako bago ko tinungo ang pintoan niya. Pero pinigilan niya ang kamay ko at dumantay ang mainit niyang palad sa’kin.. Napatingin ulit ako sa kaniya. May sasabihin ba siya? Hindi ko alam pero—sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Bumitaw siya. Bakas sa mukha na hindi sinasadya ang pagkakadantay. “M-Maraming salamat, senior—Sinaya.. Ihahatid kita pauwi sa inyo—“ “Naku, huwag, Lukas. Tumakas lang ako ngayon gabi papunta rito—wala silang alam. Ayokong madamay ka ulit. Magpahinga ka, Lukas..” Sa lapit naming sa isa’t isa—sana ay hindi niya narinig ang lakas ng pintig ng puso ko. Sobrang kalabog! Hindi ko maunawaan.. Lumabas na ako sa kubo ni Lukas at saka dali-daling umuwi. Gustohin ko mang ihatid niya ako sa mansyon pero alam kong mas ikakagalit ito ng mga magulang ko.. Dahil hindi naman maulan nang lumabas ako ng mansyon—hindi na ako nagdala ng paying. Ngunit mukhang mababasa ako ngayon dahil malakas ang ulan habang tahak ko ang daan pauwi. “Sinaya!” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lukas sa tabi ko. Nakangiting-nahihiya ito at may hawak na dahon ng saging na sakto lang sa’ming dal’wa. “O, L-Lukas? Huwag mo na akong ihatid..” Sabi ko rito pero..mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang nagkibit-balikat lang ito saka ngumiti sabay turo sa dahon ng saging. “Pasensya ka na sa payong ko, Sinaya. Tsaka, ihahatid na kita.. Pasasalamat ko sa paggamot mo sa sugat ko.” Tumango na rin ako. Saka nagsimulang  maglakad ulit. Nandun naman si Pasita nagbabantay sa lagusan sa likod—hindi siguro kami makikita. Na magkasama.. Ba’t parang iba na ang t***k ng puso ko ngayon? ‘Wag naman sana! Lutther: 3:00 AM. The rain outside was still pouring heavy. I heaved my deep breath after I was bugged by that weird dream. What the f**k was that? I stared at the white ceiling hardly visioning about the woman who closely resembled to..Selina! Why am I dreaming Selina? I was not even thinking about her right before I closed my eyes! Si Aurora ang inaalala ko at kung ano ang sasabihin niya. Napahilamos ako sa mukha. I stood up and walked towards the window. I opened it to inhale fresh air. It was dark and cold. I got my phone and checked stuffs like messages. Pero wala. Ang hina ng signal dito. Maybe I need to go somewhere kung saan malakas ang signal. Or I should just wait for the sun to shine—and go home. I was about to close the window when visibly two people—wait, a man and a woman. Selina? Was she talking to somebody out there sa gitna pa ng ulan? Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalakeng kausap niya—but hell, sa ganitong oras at panahon? What was she thinking!? The man seemed carrying this huge leaf and used it as an umbrella. Oh, damn! Kaagad na bumalik sa isip ko ang panaginip ko kanina! This was so..f***ing similar! Nang inalis ng lalake ang dahon I was even more shocked to see who the guy was—standing and talking to Selina. It’s me! There’s no f***ing way—but..it is me! “What the hell---!” Palinga-linga ako sa paligid as I woke up again. “F**k.” I hissed. I was dreaming in a dream—so f***ing bizarre! Kaagad na akong tumayo at binuksan ang bintana. I was greeted with crowing roosters. Thank God, it’s morning already!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD