Seniorita 12

1547 Words
Seniorita 12 Selina: “Where is it?” I was talking to myself here. Kanina ko pa kasi hinahanap yung painting, e—hindi ko makita. Sa dami ba naman ng mga paintings na nandito sa gallery ni lola! Mama Fe.. Mama Fe.. Saan ba?  I was done checking the upper deck where piles of landscape paintings were there—wala naming mukha ni mama Fe, e! Was papa hallucinating? Tss.. I got up early today. Maayos na rin ang panahon—like there was no stain of that abrupt bad weather happened last night. Maaga ring naglinis ang mga tauhan naming sa farm. I pushed the ladder on the next shelf. This gallery could be useful if lola only wanted to sell all her paintings—but nah. Papa Fred tole me that mama Fe once relayed him na hindi gusto ni lola na ibenta ang mga paintings niya. If public wished to see on of these—hanggang tingin nalang talaga sila. Pero hanggang ngayon all these classic paintings still closed to the public. Wala ring akong plano. Ang dami kaya! It was a good thing that I wore high-waist shorts and crop shirt today. Mag-aala spider woman pala ako nito! I climbed the steel ladder saka inabot ang naunang painting. I believe, this is it! “Finally! Nakita rin kita.” Pilit kong inabot ang malaking painting na may mukha ni mama Fe. Okay, I can do this! I just need to extend my arms like an elastic woman! “Selina, are you here?” His baritone voice startled the hell of me kaya nalingon ko siyang bigla sabay hawak sa paintings na naabot ko na. But damn it! Parang ma-a-out of balance ang ladder dahil sa biglang galaw ko. “Oh my G---!” Jesus! Mariin ko nalang ipinikit ang mga mata ko sabay kapit sa mga paintings na nahawakan ko at sabay na bumagsak sa sahig. Ang mga paintings lang.. My heart thrashed so loud! Nasalo ako ni..Lutther—nang ganun kabilis? When I was trying hard here to be the spider woman—he then came like a superman? Damn.. Great.. Slowly, I opened my eyes. My senses seemed jammed and too numb to feel that I was being carried like a f***ing bride. Circling my arms around his neck like I got no strength at all! Habang mahigpit rin pala niya akong nayapos at nagkatitigan kami. I was so shocked! “Why so careless, Selina?” Gumuhit kaagad ang inis sa mukha nito sabay lapag sa’kin. Kaagad ko ring inayos ang sarili ko—but I was still stucked on what would happen if he was not that quick to..catch me.. “Eerr, I.. T-Thank you, by the way.” Tanging nasabi ko. Kahit halatang naiinis siya dahil careless daw ako—I presumed, he was a bit concern? At ba’t naman siya concern!? Dumb brain! Pero bigla akong natigilan. This..this scene happened already—it seemed so! Sobrang familiar—hindi ko lang gaanong matandaan.. My mind was searching when did I fall.. *** Selina: “Seniorita!” “L-Lukas?” Abot-abot ang hininga ko. Bumagsak sa lupa ang mga manggang pinitas ko. Ayst! Pati ako—nahulog at muntikan na ring bumagsak. Kung hindi ako maagap na nasalo ni Lukas. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya sa sakahan. Nagkatitigan kami. Pabilis ng pabilis lalo ang t***k ng puso ko—hindi ko tuloy maisip kung sa nerbyos o ano.. “M-Maraming salamat, Lukas. Hindi kasi ako nag-ingat sa..inapakan ko.” Mabuti nasalo mo ako.. Napakagat-labi ako dahil sa katangahan ko. Hindi ko man lang inisip na patay na sanga na pala ng manga ang inapakan ko. Maingat niya akong binaba.. Bakas sa mukha ni Lukas na nag-aalala siya sa’kin. Pansin ko ang..mga tangkay ng puting rosas na tumilapon sa lupa. “Mag-ingat ka sa susunod, Seniorita. Muntikan ka na talagang bumagsak—buti’t napadaan ako.” Ilang beses ko bang sinabi na—Sinaya nalang ang itawag niya sa’kin? Nahihiya ba siya? Yumuko rin ito para pulotin ang mga manga saka ibinalik sa basket. “Mga manga niyo po..” Sabay abot niya sa’kin. Sinunod naman nitong pulotin ang mga tangkat ng puting rosas. Para sa’kin ba? “Para kanino ang mga iyan, Lukas?” Syempre, hindi sa’kin! Napakamot ito sa ulo at nahihiyang ngumiti. Parang may mga paru-paro na nagsiliparan sa kaibuturan ko. Ganito ba ang pakiramdam ng kinikilig? Hindi ko pa naranasan sa..lahat ng mga nanliligaw sa’kin! “A, seniorita..” Nahihiya talaga ito. Kaya ba postorang-postora ang suot niya ngayon? Manliligaw ba siya? Ayst! Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa isipan ko.. Masyado kong pinapangunahan si Lukas at ang hibang kong damdamin.. “..g-gusto ko sanang ibigay ‘to kay..Isabella. Hindi kasi niya ako kinikibo ng..ilaw araw. Nandyan po ba siya sa mansyon?” Yung pakiramdam na bumagsak ulit ako? Yun yung pakiramdam ko ngayon.. Bumagsak ako—pero hindi na ako nasalo ni Lukas. Hindi ko maipaliwanag pero may kirot akong naramdaman sa dibdib ko.. Napalunok ako at hindi pilit kong ngumiti ulit. Oo nga pala—may nobya na siya! Ba’t ko ba nakalimutan yun? Gusto kong batukan ang sarili ko—pero mas gusto kong gawin yun sa puso ko.. “A, g-ganun ba? Sige, ako na ang magbibigay niyan, Lukas! Pumasok siya sa mansyon at mukhang ilang araw ng matamlay.. Nag-away pala kayo.” Kinuha ko ang mga rosas sa kamay niya. Marami ng mga bulaklak ang dumaan sa kamay ko—na para sa’kin pero hindi ko naman nagustohan. Itong mga puting rosas na hindi naman para sa’kin—na gusto ko sana.. M-May gusto ba si Lukas? Hindi ko na maikakaila—k-kasi ba’t ganito ang reaksyon ng damdamin ko? Pero gaya ng mga rosas na hawak ko ngayon—hindi naman para sa’kin ‘to.. Kahit gustohin ko man.. “Maraming salamat po, seniorita! Napakabait niyo po.. Balik na ako sa trabaho—mag-ingat kayo..” Masayang namutawi sa bibig niya bago siya tuloyang tumalikod sa’kin. Mahal ko si Lukas. Pero hindi naman tama! Napatingin ako sa mga puting rosas at humakbang pabalik sa mansyon. Bumuntong-hininga ako. Bakit kay Lukas pa? *** Selina: “L-Lukas.” I hissed that word. I was not sure if it was a thing or a person’s name or what! Bigla akong may naalala pero hindi masyadong vivid—damn, what’s wrong with me? “Selina, can you repeat what you just said?” Dumiretso ang tingin ko kay Lutther. It was obvious that he was startled. Kilala niya? Alam niya? Oh f**k! This is crazy! I clung my head. Pinilit kong ikibit-balikat. Those scenes I visioned—suddenly flashed inside my head. It was vague. Pero this time, I was not dreaming. I am wide awake! What’s happening to me? Stress na ba ako sa buhay ko at gan’to na ang tumatakbo sa isipan ko? Sh*t! Ayoko ko na! “Nevermind what I said, Lutther!” Tinalikuran ko na siya para pulotin ang mga bumagsak na paintings. Thank God hindi nasira ang painting ni mama! I need to bring this back to papa Fred today.. May isa pang painting portrait na bumagsak. Guess, I need to climbed again and be spidy! Tss.. “T-The hell!” Lutther suddenly blurted like he had seen a ghost or something—straightly looking the other painting that I was about to put back. “What’s with your face?” Inis kong sabi. I was about to climbed when he snatched the painting out of my hand. Rude! “Hoy, Lutther! Ano bang problema mo?” He was eyeing on the portrait like something was there. Saka lumipat ang tingin niya sa’kin—gulat na gulat. “This is weird! Alam mo kung sino ‘tong nasa painting?” Knew who!? Kaagad ko ring tiningnan ang nasa painting. It was a portrait of a woman—straightly looking at the painter kung sino man ang nagpipinta sa kaniya. She looked so..alive and real. Nakasuot siya ng isang putting filipiniana while her long and wavy hair fell down until her waist. May hawak itong pamaypay. The woman got no emotions—a total blank. So, what now? “Ikaw ang weird, Lutther! How could I have known her when that painting existes in 1900s? Tsk!” Crazy question! Pero ganun pa rin ang tingin niya sa painting—natutulala pa rin. Pabigla kong hinablot ang painting mula rito. “Akin na nga yan! Ibabalik ko na. I have to drive early today.” Saka ko ibinalik sa itaas ang painting. I though he was gone dahil hindi na ito kumibo pero nandun pa rin pala ito at mahigpit na inalalayan ang ladder. Maingat na akong bumaba. Nakatingin pa rin ito sa painting. “You know what? I think, kulang ka sa tulog—namamahay ka siguro.” Inirapan ko siya saka tinalikuran. I didn’t bother to extend my thanks kasi naman baka kung ano na naming pabalang ang sabihin niya. Nilagpasan ko siya saka umalis bitbit ang painting ni mama Fe. Pero hindi ko rin ma-explain ang kung anong nangyari kanina na parang bigla akong may naalala. Lukas? Sino si Lukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD