Chapter 2: Who Are They?

1582 Words
Lorraine's POV. "Buti nalang at pinapasok tayo."Mahinang bulong ni Jamie ng papasukin kami nung Matandang Adviser daw kuno namin this school year. "Oo nga hays, ayaw ko pa naman agad magka record lalo pa't may iniingatan akong grades."Bukod kasi sa Transferee ako ay may Scholarship din ako.Kaya nga nakapasok ako dito ehh dahil dun, kung wala naku siguradong wala din ako dito ngayon."Sabagay ako nga din ehh baka madisappoint sila Mom at Dad sa akin once na malaman nilang first day of school may records agad ako."Nasabi rin kasi niya sa akin kanina na nag-iisa lang siyang anak at siya lang daw ang inaasahan ng mga magulang niya lalo na't siya ang susunod sa yapak ng mga ito. "Okay Class listen!"Natigil naman kami sa pag-uusap ng biglang nagsalita si Ma'am Cordillas sa harap habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay na nakatingin sa aming lahat."Since today is your first day, at alam ko namang sawa na kayo sa ganito ay gusto kong magpakilala kayo isa-isa dito sa harap including your age and your future ambition in life but before that ay magpakilala muna ako ulit since may nalate sa klase kanina."Sabay taas ng kilay at nagbaling ng tingin sa amin dahilan para magbulongan yung mga kaklase kong parang bubuyog, napayuko naman ako dahil sa kahihiyan. "Okay, my name is Elizabeth O.Cordillas, 51 years old and from now on i will be your Filipino Teacher this whole year, understood?"Mahabang sabi ni Mrs.Cordillas sa amin."Yes ma'am."Sagot naming lahat sa sinabi niya."Good, now magsisimula tayo sa harap."Agaran namang tumayo ang babaeng parang espasol sa puti ng mukha at ang nakakaloka pa po ay ang sexy rin ng damit niya na halos kita na ang kanyang kalukuwa since wala pa kaming uniform today dahil first day pa nga. "Hi everyone, Stacey Manzano here--."Di paman siya tapos sa pagsasalita ng pinatigil siya ni Ma'am bago tumikhim at tumingin sa aming lahat."Nakalimutan kong sabihin na dapat sa tuwing klase ko ay mag tagalog kayo lalo na pag nagpakilala at ikaw Ms.?"Sabay baling niya sa babaeng nakatingin ngayon sa kanyang bagong nail polish na kuko. "Stacey Manzano Ma'am."Maarte niyang wika sabay flip hair na ikinatawa ng mga kaklase ko."Brat."Dinig kong bulong ni Jamie dahilan para mapalingon ako sa kanya."May sinabi ka?"Tanong ko sa kanya.Diko kasi masyadong narinig sa lakas ba naman ng tawa ng iba."Wala naman, bakit?"Di nalang ako sumagot at ibinaling ulit sa harap ang atensyon. "Okay Ms.Manzano and please next time..."Sabay tingin sa suot ni Ms.Espasol mula ulo mukhang paa-este hanggang paa."Magsuot ka ng maayos na damit lalo na pag sa klase ko okay?"Tumango naman ang isa bago umirap ng palihim.Tsk mukhang masama ang ugali ng isang to panigurado."Okay ituloy muna yung sinasabi mo kanina."Tumikhim naman ang isa bago nagpatuloy at umayos ng tayo. "Ako nga po pala si Stacey Manzano, 17 taong gulang at ang aking ambisyon sa hinaharap ay maging magaling na Modelo."Sabay pose na ikinatawa naming lahat.Umiling naman si ma'am habang nagpipigil ng tawa habang yung iba naman ay nagsasapakan sa sobrang ingay. "Okay na pwede ka nang umopo Ms.Manzano at class tahimik!"Parang maamong tupa naman na tumigil ang ilan habang ang iba at nitong katabi ko ay nagpipigil ng tawa."I really can't believe na magagawa niya yun my gosh!"Maarteng komento ni Jamie na ikinatigil ko sa pagtawa at kunot noo siyang binalingan sa ikalawang pagkakataon."Sino?"Tanong ko sa kanya."My cousin."Cousin?Teka-huwag niyang sabihin na mag pinsan sila nung babaeng espasol?Nanlaki naman ang mata kong tumingin sa kanya at magsasalita na sana ng unahan niya ako. "Alam kong mahirap pamiwalaan, but sad to say ay mag pinsan kami ng brat na yan dahil magkapatid ang mama ko at mama niya, Jamie Manzano Francisco kong di mo naitatanong."Sa haba ng sinabi niya feeling ko ayaw ko ng mag tanong dahil nasagot naman niya ang mga katanungan sa isip ko. Nabaling naman ang atensyon ko sa pinsan niyang si espasol na kausap na ngayon ang mga kaibigan niya yata habang tumatawa.Seryoso hindi parin ako makapaniwala dahil bukod sa may pagka happy go lucky si Jamie ay friendly din siya at approachable tsaka isa pa kingkoy rin pero ang isang to ay parang may pagka brat at slut?Don't get me wrong hindi naman sa judger ako pero parang yun kasi ang nakita ko at isa pa ay may pagka observant akong tao-minsan. "Magandang umaga sa lahat, ako nga po pala si Marie Joy Escandaloso, 16 taong gulang at ang ambisyon ko po sa hinaharap ay maging Artista."Di na ako magtataka kong bakit yun ang gusto niya.Sa apilyedo niya palang kasi halata na at tsaka isa pa may aura kasi siyang kakaiba-ewan ko ba ang hirap eexplain.Ang weird lang. "Okay para mas madali tayo total 20 minuto nalang bago tayo matapos ay huwag nalang kayong pumunta dito sa harap at diyan nalang kayo tatayo sa upoan niyo, naiintindihan niyo ba?"Sumagot naman agad kaming lahat.Tumingin naman ako sa taas ng mapansin kong may orasan palang andun at tama nga si ma'am dahil 20 minutes nalang bago mag second subject. 1 hour and 45 minutes kasi ang klase namin sa kanya at isa pa 7:15 to 9:15 kasi yung klase niya.Wala pa kasing final na announcement para dun since yung iba ay absent pa dahil nga first day.Boring din naman kasi lalo na pag ganito sa unang klase palang ang magpakilala. "Ang tagal ng oras gutom na ako huhu."Himutok ng katabi ko at hinimas ang tiyan niyang flat."Hindi ka ba kumain?"Taka kong tanong sa kanya habang nakahalumbabang nakatingin sa harap habang nagsasalita si ma'am."Tsk mawawalan ka ng gana kumain pag wala kang kasabay."She said at mahihimigan mo ang boses niyang may lungkot.Di nalang ako sumagot pa kasi mukhang family matters yata yang problema niya.Ayaw ko namang masabihan ng chismosa noh lalo na't kakikilala lang naming dalawa. RINGGGGGG ! Tunog ng bell hudyat na tapos na ang unang subject.Naghiyawan naman agad ang mga kaklase kong parang takas sa mintal habang yung iba naman ay tahimik lang na nagliligpit sa kanilang gamit kagaya ko."So saan tayo Raine?Canteen o Labas?"Tanong ni Jamie habang naglalakad kami palabas ng room.Actually 15 minutes break lang naman so."Canteen nalang total 15 minutes break lang."Saad ko na agad niya namang sinang-ayonan kaya di na ako nagtaka pa ng hinila niya na ako na mannerism niya yata.Ilang sandali pa ay agad naman naming natanaw ang canteen since malayo ka palang ay rinig muna ang ingay ng mga tao sa loob. Humanap naman agad kami ng mauupoan since malapit ng mapuno at ang rami ding tao sa loob na halos lahat ay wala ng bakante."Ayon, tara!"Biglang kaladkad sa akin ng kasama ko at agad ko namang nakita ang bakanteng upoan na sinasabi niya na inupoan ng tatlong babae na kaaalis lang."Wait me here ako nalang oorder sa atin."Magsasalita pa sana ako ng umalis na siya agad papuntang counter.Napakamot nalang ako sa ulo ko ng wala sa oras. Ang babaeng yun talaga hays. Habang naghihintay ako sa kasama ko ay nagtaka naman ako ng may ilang nakatingin sa akin matapos mag bulongan at magtawanan na ikinakunot ng noo ko. Ano kaya ang problema ng mga taong to?May nakakatawa ba sa itsura ko?Dahil ako ay isang dakilang curious ko ay napatingin naman ako sa sarili ko at kinapa ang mukha ko kong sakaling may dumi ba. Wala naman. Bakit kaya sila tumatawa kanina?Weird! "Ohh anyare sa'yo?"Diko man lang napansin na nandito na pala sa harap ko si Jamie na may dala-dalang tray ng pagkain habang nakakunot noong nakatingin sa akin."May dumi ba sa mukha ko Jamie?Pakitignan nga."I conciously ask her imbes na sagutin ang tanong niya kanina.Weird niya naman akong tinignan matapos ilapag ang mga pagkain sa mesa. "Wala naman, bakit?"Wala naman pala pero bakit ganun sila makatingin?Napasulyap naman ako sa kabilang table na may pitong estudyante na nagtatawanan."Anong tinitignan mo?"Kunot noong tanong ng kasama ko at sinundan ang tinignan ko.Napansin ko naman na kumunot ang noo niya bago nagbaling ng tingin sa akin. "I guess sila ang dahilan kung bakit ka nacurious sa itsura mo tama ba?"Natigil naman ako sa pagtitig sa kanila at binalingan ng tingin ang kasama kong salubong na ang kilay at seryoso ang tingin na ipinukol sa akin.Diko namang maiwasang mapalunok sa klase ng aura niya."Hmm-oo kanina nung wala ka pa."Kamot ulo kong saad sabay yuko.Nahihiya kasi ako and at the sametime ay natatakot ako sa aura niyang parang may usok na itim hays. "Ehem-just don't mind them, mga papansin lang ang mga yan at isa pa huwag mo subukang lumapit sa kanila cause they are the number one bullies here."Napaangat naman ang tingin ko sa sinabi niya.Magsasalita na sana ako ng mapansin ko ang ingay ng mga tao dito sa loob sabay bulongan at tilian. May napansin naman akong apat na matatangkad na babaeng naglalakad na parang reyna papasok dito sa loob na lalong ikinaingay nila.Napanganga naman ako sa ganda nilang lahat at napabulong bigla sa hangin ng.... "Sino sila?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD