Chapter 1: New School/New Friend
Lorraine's POV.
"Ate Raineeeeee gising na po nagugutom na ako huhu."Napadaing ako ng may mabigat na bagay na nakapatong sa likod ko."Argh Lennie umalis ka nga diyan sa ibabaw ko argh ang bigat mo!"Reklamo ko sa kanya at tumihaya ng higa.
Naaninag ko naman ang maliit na pigura sa harap ko habang may dala-dalang kutsara at nakanguso ngayong nakaharap sa akin.
"Bakit may dala kang kutsara?"Kusot mata kong sabi sa kanya at napalingon sa gilid ng mesa para tignan kong anong oras na."Nagugutom na ako ate pout."Pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya pagkatapos niyang ngumuso."Araaay ate ang shakiitt huhu."Itinigil ko naman ang ginagawa ko ng mapansin kong namula ang pisngi niya.
"Sorry, ikaw kasi ang aga-aga nakabusangot na yang mukha mo."Saad ko sa kanya at agad iniligpit ang higaan ko."Tara na at nang makakain ka na."Kinarga ko naman siya agad habang papunta kaming kusina.
Siya nga po pala magpakilala muna ako sa inyo.Lorraine Dela Cruz 17 years old at yung batang paslit naman ay kapatid ko na si Lennie Dela Cruz 3 years old at kami nalang pong dalawa ang magkasama sa buhay dahil ang mga magulang namin ay patay na este ang mama ko lang pala matapos maluwal si Lennie habang ang papa ko naman ay hindi ko alam kong saan lupalop ng mundo ngayon.
Nakwento kasi sa akin ni mama nung buhay pa siya na ang papa daw namin ay half pilipino at half american kaya huwag na daw kami magtaka kong bakit parang iba ang kulay ng mata namin ng kapatid ko.Oh well laking pasalamat ko narin sa kanya na binigyan niya kami ng ganitong kulay ng mata pero huwag muna natin pag-usapan yung taong wala dito at tsaka isa pa ayaw ko siyang pag-usapan lalo na't diko makalimutan yung pag-iwan niya sa amin.
"Ate yung niluluto mo amoy sunog na."Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip nang maamoy ko ang sunog na itlog kaya dali-dali ko naman itong tinignan at parang nanlumo naman ako sa nakita kong itim na itlog na nakahain ngayon sa plato."Ate asa'n na?Gutom na ako ate bilisan mo."Kamot ulo ko namang ibinigay sa kapatid ko ang sunog na itlog.
"Sorry nasunog ni ate, palitan ko nalang?"Umiling naman siya sa sinabi ko at ngumiti sa akin ng malaki.Kita tuloy yung dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi."Huwag na ate tsaka okay na'to at isa pa sanay na kaya ako na laging sunog tong niluluto mo hehe."Mahaba niyang sabi at nag peace sign sa akin ng mapansin niyang nalukot ang mukha ko.
Well totoo rin naman kasi ang sinabi niya na madalas sunog yung luto ko lalo na pag umaga at bagong gising lang ako.Madalas kasi akong lutang at parang natutulog pa ang kalahati ng katawan ko.Sabi nga nila minsan ay magpa check-up ako para matignan ako sa doktor baka daw may sakit ako.Ang oa nila mag-isip sa totoo lang tsaka isa pa wala naman kaming pera pangpa check up noh.Yung igagastos ko sa doktor ay ibibili ko nalang ng hotdog at itlog para naman may ulam kami lagi ng kapatid ko.
"Bilisan mo diyan at papasok pa ako, dun ka muna kina Aleng Doray habang wala pa ako okay?"Sabi ko sa kanya matapos ko siya timplahan ng gatas."Opo ate, uwi ka po ng maaga huh?Magdala ka din po ng masarap na ulam hehe."She cutely giggled after she said that habang ako naman ay nakangiti lang na tumango sa kanya at nagsimula naring kumain.
Matapos namin kumain ay agad ko namang niligpit ang pinagkainan namin."Lennie maligo ka na at papasok na ako pagkatapos ko magbihis."Hinanap ko naman ang salamin ko at agad itong sinuot ng makita kong nasa kama lang pala."Tapos na ako maligo ateeee."Lumabas naman ako agad sa kwarto habang bitbit ang bag ko at pamalit niyang damit na nakalagay sa maliit niyang bag."Tara na."Naglakad naman kami papunta sa kapit bahay naming si Aleng Doray.
"Ate Doraaaaaaaa!"Tawag pansin ni Lennie sa may katabaang babae na nagwawalis sa may gilid ng tindahan.Nagsalubong naman ang kilay nito matapos marinig ang itinawag sa kanya ng kapatid ko."Anong Dora?Doray ako Doray aba't ikaw na bata ka talaga nako."Nag peace sign namam ang paslit at agad na nagpaalam na maglalaro lang daw sila sa anak ni Aleng Doray na kaedad niya."Huwag kang magpapawis huh?Yung pamalit mo na kay Aleng Doray na okay?Behave."Paalala ko sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi pagkatapos agad ding tumakbo papunta kay Khiann.
"Aleng Doray kayo na po muna ang bahala kay Lennie ha hehe."Tinapik niya naman ang balikat ko matapos tignan yung dalawang batang naglalaro."Walang problema Raine tsaka isa pa huwag ka nang mahiya sa akin ano ka ba para namang iba ka sa akin."Bukod sa may kabataan na si Aleng Doray ay mabait rin siya at Morena beauty pero di maitatangging may kagandahan rin ito bukod sa isa lang ang anak niya habang ang asawa naman niya ay construction worker na si Mang Alfred na mabait rin at mapagbiro.
Ngumiti naman ako ng payat sa kanya at agad ring nagpaalam."Sige po mauna na po ako."Naglakad naman ako agad at naghintay ng dadaan na tricycle.Ilang sandali pa ay nakasakay naman ako agad at sinabi sa Driver ang address.
"Dito lang po kuya, salamat po."Mukhang nagtaka naman siya kong bakit dito ako huminto kaya pagkatapos kong magbayad ay umalis naman siya agad habang ako ay kamot ulo lang na lumingon sa harap.Nakita ko naman ang kapwa estudyante ko na papasok na habang yung iba ay tumatambay pa sa gilid ng daan.Bago maglakad papasok ay lumingon naman ako sa taas ng makita ko ang nakalagay na Welcome to Brixton University in a bold way.
Napalingon naman ako ng may biglang kumalabit sa akin."Hi."Tumingin naman ako sa paligid at nagbabasakaling may katabi ba ako o wala.Mukhang napansin naman nitong babae ang pagtataka ko dahilan para matawa siya ng mahina na ikinakunot ng noo ko."Miss ikaw ang kausap ko."Sabi niya nang may ngiti sa labi."Ako?"Sabi ko at tinuro ang aking sarili habang siya ay parang aliw na aliw na nakatingin sa akin."Yeah it's you, transferee?"Kamot ulo naman akong tumango sa kanya.
"Same by the way I'm Jamie Francisco and you are?"Sabay lahad ng kamay at tinanggap ko naman ito ng may ngiti sa labi."Lorraine Dela Cruz."Sabi ko at agad binitawan ang kamay niya.Di kasi ako sanay makipag kamay lalo na sa hindi ko pa kakilala masyado."Ohh pwede ba kitang tawaging Raine?But you can call me Mie naman if you want or ikaw na ang bahala."Payat ko naman siyang nginitian bago nagsalita."Sige ikaw bahala."Saad ko sa kanya.Napalundag naman siya sa saya na ikinagulat ko at agad na lumingkis sa aking braso.Okay Clingy pala siya kaloka.
"Yeheeey may new friend na ako!"She happily said at ilang sandali pa."s**t late na tayo tara na bilis!"Agad niya naman akong hinila at naglakad takbo ang ginawa namin na parang isang runner.Nasabi niya kasi sa akin na classmates kami at di lang yun dahil gusto niya raw na magkatabi kami na agad kong sinang-ayunan.
Ilang sandali pa ay nakarating naman kami agad sa saradong pintuan na may nakalagay na Section-B.Ito na yata yun.Kahit hinihingal at kinakabahan ay agad namang kumatok si Jamie na parang wala lang.
Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa dito ang babaeng parang nasa 50's na yata at nakataas ang kilay na nakatingin sa amin.
"First day of school but you both are late!"She angrily said dahilan para mapayuko ako sa hiya.
Shit! We're doomed.