Enjoy reading! 5 years later..... Allianah PoV, "Bessy, ma-mimiss kita sobra." Malungkot na sabi ni Kyla. Nakilala ko siya rito sa France. Naging kaklase ko siya. At hanggang sa maka graduate kami ng college ay magkaibigan pa rin kami. At kasama ko rin siya sa restaurant ko. Yes. May restaurant na ako. Ako ang nagma-manage at tinutulungan ako ni Kyla. "Ako rin, bessy. Mamimiss kita." Sabi ko at niyakap siya. Uuwi na kasi ako ng Pilipinas. May ibibigay raw sa 'kin si daddy na isa pang restaurant doon. Kaya ang resraurant ko rito ay si Kyla na ang magma-manage. 'Tsaka may ime-meet daw kami na kasama ko na mag-manage ng restaurant. Hindi sinabi ni daddy kung babae ba o lalaki. Kaya ko namang i-manage ang restaurant mag-isa bakit kailangan ko pa ng katulong? "Basta tawag ka sa 'kin k

