Enjoy reading! Allianah's PoV, "Anak, sigurado ka na ba talaga?" Tanong ni mommy. Tumango lang ako bilang sagot. Siguradong-sigurado na ako na aalis. Gusto kong makalimutan lahat ng nangyari sa 'kin dito. Gusto ko na ring kalimutan siya. Sinabi ko lahat lahat kina mommy at daddy. At akalain niyo hindi man lang sila nagalit kay Zeke. Kasi raw alam naman nila na hindi raw ginusto ni Zeke ang nangyari. Tss. Mas kakampi pa sila kay Zeke kay sa akin. Ano bang pinakain ni Zeke sa mga magulang ko at kumampi pa ito sa kanya. "Mommy, please ikaw na po ang bahala sa divorce paper. Papirmahan mo na lang 'yan kay Zeke." Sabi ko kay Mommy. Ayaw ko na kasing makipag kita pa sa kanya. Hindi ko kayang makita siya. "Okay, anak. Ako ng bahala roon. Kailan mo balak pumunta sa France?" Tanong ni Mommy

