Lumaki ako sa paniniwalang hindi para sa akin ang pag-ibig. Na kahit pa hindi naman ganoon ka kumplikado ang relasyon ng magulang ko ay talagang hindi ako binigyan ng tadhana ng maayos na relasyon.
“Let's break up.” Diretsong sabi niya at walang pakundangan.
Malamig ang panahon ngayon kaya napag desisyonan naming sa isang coffee shop magkita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngunit automatikong napakuyom ang kamao ko.
“Why?”
He sighed. “You deserve better—”
“Stop.” I said, annoyed.
That shitty line again. I deserve better? We all are. Pero kung alam naman nilang sila ang kailangan natin bakit pa nila tayo kailangang ipagtulakan palayo?
That line explains two sides. It's either… “Nagkulang ba ako?”
Pinagmasdan ko siya. Sa ilang taon kong namumuhay sa mundo at umibig, ilang beses ko na ring naranasan ang ganiyang mga linyahan kaya naman alam ko kung ano ang ibig sabihin ng linyang mas may deserve ba akong iba.
Tahimik ang buong cafe. Just like the ordinary coffee shops that I'd encountered. Nakaka-relax ang ambiance ng lugar ngunit sa tensyong namamayani sa aming dalawa ay hindi ko magawang mag-relax.
Sa huli ay umiling lang siya. Of course, hindi ako magkukulang dahil ibinigay ko naman sa kaniya ang lahat. Binigay ko to the point na naubos ang sarili ko para lang maibigay ko sa kaniya. Binigay ko, lahat lahat. At ngayong wala na akong maibigay ay iiwan na niya ako? Shitty.
“So, may iba ka?” tanong ko sa kaniya nang diretsahan at walang pagaalinlangan.
Doon na siya umiwas ng tingin. Napansin ko na rin ang ilang butil ng pawis na tumutulo sa kaniyang mukha kahit pa malakas naman ang aircon ng lugar. Wala naman na akong pakialam kahit pa mabisto ko siya. Total, nagka hulihan na kami'y susulitin ko na.
Seryoso ko siyang tinignan at maingat na kinuha ang baso ng kape na naka lapag sa aking tapat. Nakita kong tumingin siya roon. Kinakabahan sa maaaring gawin ko. Oh, boy. Kilalang kilala niya naman pala ako. Bakit pa siya nagloko?
Ilang minuto siyang hindi umimik kaya naman pinagmasdan ko ang kaniyang kabuuan. Halata mong nanginginig siya at natatakot.
I smiled sarcastically. “What? Why aren't you answering me, Kelvin? May masama ba akong nasabi? Perhaps, nag kamali ako ng hinala? Explain it to me.”
Inatras ko ang upuan sa lamesa at idinikwatro ko ang aking binti. Alam kong nakuha na namin ang atensyon ng ibang tao dahil napapatingin na rin sila sa amin. I don't care tho. Mas maganda nga iyon. Mas maraming makakaalam kung gaano kababaero ang lalaking nasa harapan ko.
“Y-yes. May iba, Ayumie…”
Gotcha.
Tahimik akong tumayo at inubos ng diretso ang kapeng inorder ko. Sayang ang pera kaya kailangan kahit isang butil ay walang matitira.
Nagtaka naman siya sa inasal ko ngunit wala akong pakialam. Ginawa niya iyon kaya panindigan niya.
Pagka lapag ko ng baso ay ngumiti lang ako ng matamis sa kaniya. Inilapag ko na rin ang perang pambayad para sa inorder naming dalawa. Alam ko namang ako pa rin ang magbabayad niyan dahil walang date kami na hindi ako ang nagbayad. Siguro, mabuti na rin ang maghiwalay kami para wala na akong gagastusan pa.
Inayos ko ang sarili ko at isinuot ang aking LV shoulder bag. I still need to do my works. Kailangan ko pang bumalik ng Amsterdam dahil sa utos ni Mommy. That old woman.
Anyways, kailangan ko na rin pa lang mag madali dahil may usapan kami ng mga kaibigan ko. It's our tradition na bago ang isa sa amin maging focus sa trabaho ay may isang gabi para sa amin na kung saan ay magkakasama kami.
Tumalikod na ako sa kaniya at handa na sana siyang iwanan ng marinig ko ang boses niya.
“Ayu, wala ka bang sasabihin?” naguguluhang tanong niya.
I smiled. Sabi ko na. Boys will be boys. Gustong gusto nila iyong hinahabol at iyong nag mamakaawa sa kanila at para saan? Para may maipagmalaki sa kaibigan?
Well, kung ganiyan man lang ang mindset ng mga kalalakihan ay handa akong baguhin iyon. Afterall, a woman like me really don't deserves asshole like him.
Naka ngiti ko siyang binalingan at nagsalita. “Anong gusto mong marinig sa akin, Kelvin? Na pagkakamali lang kita?”
Nalaglag ang panga niya kaya nagpatuloy ako. “Well, yes. Inaamin ko, ikaw lang din iyong isa sa mga taong naging mali sa buhay ko. At ayoko ng magkamali pa ulit kaya sige. Ibibigay ko ang kalayaang gusto mo. Let's break up.”
Tumalikod na ako ngunit muli siyang hinarap. Dire - diretso akong lumakad palapit sa kaniya at sinampal siya.
Ramdam ko ang pag kirot sa palad ko at dinig ko ang pag tunog ng sampal na ginawa ko sa kaniya ngunit doon ay nakaramdam ako ng satisfaction.
Narinig ko ang pagsinghap ng ilang mga tao sa loob ng coffee shop ngunit nawalan na ako ng pakialam pa.
What a show, isn't it?
Tumingin muna ako sa palad kong namumula bago tumingin sa kaniya na halos hindi na nakapagsalita sa gulat.
“Ops, nagkamali ulit ako. Sorry.” Nagkibit balikat lang ako bago naglakad palabas.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag at agad na dumiretso sa aking chevrolet. Aaminin kong masakit ang nangyari sa aming dalawa pero anong magagawa ko kung handa na ako sa mangyayari bago pa man ito mangyari?
Well, ganoon talaga. Expect the unexpected quote works on me. At saktuhang siya ang nasampulan ng 'naka-move on na habang kayo pa' saying.
Nailing lang ako bago binuksan ang aking kotse at sumakay. Inilapag ko ang bag ko sa shot gun seat at agad na binuksan ang stereo. Hindi ko alam kung sign na ba ang kantang bumungad sa akin upang tawagan sila Adaline o dumiretso muna sa aking trabaho?
Float in the air, puff puff what we have here, just love
Mga matang mapungay
Malalambing na ingay yeah
Tayo'y sabay naglalakbay
Magkahawak ang kamay
On our way to Nirvana we be high
Sa huli ay kinuha ko na rin ang telepono ko at ikinonnect ito sa bluetooth speaker bago kinabig ang kotse palabas ng highway.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ng kaibigan na mukhang kagigising lang. Wala bang trabaho ang isang 'to?
“Hello, meng? Napatawag ka?” tanong niya sa inaantok na boses.
Bumaling muna ako sa telepono bago itinuon ang tingin sa highway.
“I'm on my way to your condo. Get your ass ready, we'll go party.”
Nakarinig ako ng pagka bagsak ng kung ano bago ko muling narinig ang boses niya.
“Wait? Don't tell me break na kayo ng Kelvin na iyon at naghahanap ka na naman ng bago? Kasasabi ko lang sayo, Ayumie, ha. Walang magandang dulot yang pagibig na yan.”
Umirap ako na para bang nakikita niya bago muling nagsalita. “Then, I won't tell you. Dalian mo na. Nasa BGC na ako.”
Dinig ko ang tawa ni Adaline sa kabila kaya kahit gusto ko siyang sabunutan ay hindi ko magawa. I'll do that later.
“Fine, fine. I'll call Artemis and Dazen.”
Tatawagan din pala, nag pabebe muna. Binaba ko ang tawag bago ipinark ang kotse sa parking lot ng condo ni Adaline.
Inoff ko ang bluetooth ng cellphone ko at kinontak sina Alessia.
“Ales, dadaanan ka namin ni Ada mamaya.” panimula ko.
“Who is it this time, Ayumie?”
Halos matawa ako dahil parehas sila ng hula ni Adaline. Girls.
“I'll tell you later. Mag-ayos ka na at mamaya mo na ako sermunan.”
I heard her blew a loud breath. “Fine fine. Ingat.”
Binaba ko ang tawag at dumiretso na sa elevator.
Mukhang mahaba habang gabi na naman ito para sa amin.