Chapter 2

1947 Words
Chapter 2 "Meng," bati sa akin ni Ada nang makarating ako sa floor niya. Agad naman niya akong pinapasok at sumunod lang sa akin mula sa likod. Kumunot ang noo ko sa kabuuan ng paligid. "Nagpalit ka na naman ba ng interior?" Last week ay red, gray at black ang combination ng colors ng condo ni Ada. At ngayo'y pastel naman. Talagang hindi mapakali ang isang 'to kung hindi nakakapagpalit, ano? Pati rin ang mga appliances niya'y puro bago. Adaline is not the OC type of a woman pero talagang sobrang organized niya sa mga gamit. Isama mo pa ron na parang linggo linggo ay mapapalitan lahat ng gamit pati design ng condo niya. Nagkibit balikat siya. "Oo, ganda kasi ng kulay, e." Pinasadaha ko muna ang lahat ng gamit sa loob ng condo niya. Sabi nila, swerte raw ako. Try ko namang magpakamalas. Sinandal ko ang likod ko sa island counter habang hinihintay si Adaline na matapos sa ginagawa niya. "San ba tayo ngayong gabi?" tanong niya sa akin habang binoblow dry ang kaniyang buhok. Bukas kasi ang pinto ng kwarto niya kaya kaht magsigawan kami'y maririnig niya ang boses ko. "Rue Bourbon." sagot ko. Pumasok na rin ako sa kwarto ni Adaline at nagsimulang ayusin ang sarili. Si Adaline ang nagmake up sa akin at pati na rin sa kaniyang sarili. Masiyadong malaki ang kwarto ni Adaline na kahit pa magsplit ka ay wala kang matatamaang kung ano. Pagtapos niya akong make upan at ang sarili niya ay lumabas muna ako saglit bago kinuha ang duffle bag ko sa isang cabinet niya rito na naglalaman ng mga gamit ko kung sakaling may lakad man kami. Pinili ko na lang ang black see through cuffed shirt sleeve dress at kinuha ito. Pumasok na ako sa banyo sa living room ni Ada at nagbihis. Pagtapos ay tinignan ko ang sarili ko. I decided to let my hair and wear a loop earring. Heels na lang din ang pinartner ko sa aking damit at lumabas na. Nakarinig na ako ng ingay at nakitang kumpleto na kaming magbabarkada. Lahat sila ay naka-puwesto sa sofa at may kani-kaniyang hawak na mga shot glass. Nagkakatuwaan sila at may pinag-uusapang kung ano kaya naman nakisali na ako. "Hoy, tara na." Lumingon silang lahat sa akin at nakita ko na ang excitement sa mga mata nila. "Si Ada, talagang 'di mapakali sa unit niya 'no? Parang si Ales lang. Tangina, ilang taon ng ganito routine niyo wala pa ring bago?" tanong ni Echo. Pababa na kami ngayon ng condo. Marami rami ng tao sa lobby pagdating namin at parang handa na ring rumakrak sa gabi. Well, this is our life. Routine na para sa amin ang magkaron ng kahit isang gabing pagtitipon tipon dahil mga busy kaming tao. Hindi naman kasi kami katulad ng ibang sinasabuhay ang mundong matagal na naming iniwanan. Pagdating namin sa parking lot at dumiretso sila sa kani-kanilang kotse. Artemis is with her boyfriend Lucas, Dazen is with himself, ofcourse. While, me, Ada, and Alessia will be with Echo. "Asan na ba si Chin? Kinontak mo ba, Ad?" tanong ko pagpasok ng kotse. Dumiretso na rin si Echo sa driver's seat kasi siyempre siya ang magmamaneho. Si Alessia ang nasa shot gun. Samantalang, kami ni Adaline ay nasa likod. Binuksan ko pa ang bintana na agad sinuway ni Echo. "Ano ba 'yan, Meng. Kaya nga nagkotse para 'di makita 'yong loob tapos bubuksan mo naman?" Nagtawanan kaming tatlo. "Ayos lang naman daw kahit nakasarado ang bintana, Cho. Basta ba, payag kang langhap mo lahat ng usok." ani Alessia. Sa huli'y hindi na lang ako pinansin kaya naman kinuha ko na sa purse ko ang isang pack ko ng marlboro pula. Ah, it's been awhile... Inabot ko ang isang stick kay Alessia na agad naman niyang tinanggap. Busangot na ang mukha ni Echo pero hinayaan lang namin siya. "No, magriretouch pa 'ko." sambit naman ni Ada. Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik sa pack ang isang stick at sumandal sa pagkaka-upo. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng binuksan ni Echo ang stereo. Nagulantang ako sa kantang bumungad sa akin. She said, "What if I dive deep? Will you come in after me? Would you share your flaws with me? Let me know" I told her, "Thinking is all wrong Love will happen when it wants I know it hurts sometimes, but don't let it go" Tinanggal ko ang sigarilyo sa bibig ko at inupos ito sabay tapon sa labas ng bintana. Sinarado ko na rin ang bintana at isinandal ko na ang sarili ko sa head rest at nag-relax. Tahimik lang kaming lahat sa loob ng kotse nang basagin ni Alessia ang katahimikan. 'Cause I want you I want you I want- I want you 'Cause I want you I want you I want- I want you "'Yong totoo, Ayumie? What's with sudden call?" tanong ni Alessia. Naka-dungaw na siya sa akin ngayon. Mukhang katatapos lang niya dahil may usok pa. Gusto kong matawa. Hindi pa rin yata niya nakalimutan. Mahirap kapag nakaramdam ng galit 'tong si Alessia, matagal tagal niyang makakalimutan. I only smiled. "Where's the fun in that, Ales kung malalaman mo agad?" Umiling na lang siya na nagpatawa sa dalawa. "Ang sabihin mo, pinagtatakpan mo na naman iyang ex mo." Inirapan ko lang si Echo. Ilang saglit lang ay nakarating na kami ng Rue Bourbon. Mula pa lang sa labas ay maingay na. Nakikita na namin ang mga taong nagsisipasukan na. Mukhang wild party na naman ang magaganap. "Alessia!" Napalingon kami at nakita naming nasa harap na ng Rue Bourbon si Chin kasama si Robber. Sabay sabay kaming lumapit sa kanila. Chin is wearing a ripped jeans partnered with tank top and bomber jacket. While, Robber is just wearing a cargo shorts, top sider and polo shirt. Casual naman masiyado ng isang ito. Robber, Echo and Dazen bumped their fist at nagkaroon na ng sariling usapan. Samantalang, ganoon din kaming mga babae. Sabay sabay na kaming pumasok na magkakaibigan sa loob ng Rue Bourbon. At sumalubong sa amin ang malakas na tugtugan. Maraming sumalubong sa aming magkakaibigan. Of course, lahat kami ay sinasabi sa lipunan at hindi mema katulad ng mga taong mahilig kaming kontrahin. May isang nakakasama kami sa Aqua ang nakipag-beso sa akin. Grabe, talaga basta social climber ka lang, hilig dumikit sayo kahit hindi mo naman kakilala. Ilang mga kakilala pa ang naka-salubong namin bago kami nakalapit sa aming lamesa. Maraming pumalibot na mga model at artista sa kila Dazen kaya naman nagkaroon kami ng time para sa aming mga babae. Umorder na kanina pa sina Adaline kaya wala kaming naging problema. "Anong drama niyo at talagang hindi na kayo sumabay sa amin?" tanong ni Adaline kila Chin. Umirap si Chin at umiwas ng tingin. Mukhang may monkey business na namang ginawa 'to. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil nagsidatingan na ang mga inumin namin. Nawala na rin ang mga kausap namin kaya nagsimula na kami. Paikot na nilapag ko ang mga baso nila habang patuloy silang nag-uusap usap. Ako ang tanggera para sa gabing ito. "Oh, Dazen. Shot." Nilapag ko sa harap niya ang baso at diretso niya itong ininom. Hahanga na sana ako ng umasim ang mukha niyang inilapag ang baso pabalik sa akin. "Tangina, meng. Ano 'yan?" Itinaas ko sa kaniya ang bote at ngumiti. "It's a bacardi, babe." Umiling lang siya at sinimulan ko nang paikutin ang baso. Natatawa ako kapag nakikita kong umaasim ang mukha nila. Wala kasing chaser chaser 'yon para masaya. Oh-hoo-hoo We open with the vultures, kissing the cannibals Sure I get lonely, when I'm the only Only human in the heaving heat of the animals Mas lalo nang lumakas ang tugtugan at mas lalo na ring dumadami ang mga tao kaya naman hinila na namin ang isa't isa sa gitna ng dance floor. Bitter brown salt, stinging on my tongue and I I will not waiver, heart will not wait its turn It will beat, it will burn, burn, burn your love into the ground With the lips of another Do you get lonely? Sure, I get lonely, sometimes Todo bigay sa pag-giling si Alessia na agad na agad namang sinipulan ng mga karamihan ngunit hindi pa man kami nakakapag-react ng may humila sa kaniya palayo sa dance floor. Wait, isn't that Alistair? All my friends are wasted (all my friends are wasted) And I hate this club Man, I drink too much (I drink too much) Another Friday night I've wasted Si Lucas at si Artemis ang magkasayawan. Nagtatawanan pa ang dalawa na akala mo'y may mga sariling mundo. Kailan pa naging love song ang All My Friends? Pharmacy addict hit the Wall Street traffic, took the car We reinvent the wheel just to fall asleep at it, skrrr Crash on the floor, catch the zzz's (uh) Poppin' the polar opposite to the NZT (uh) "Meng, kalimutan mo na si Kelvin coz tonight is another guy!" sigaw ni Ada sabay bangga sa aking baso ng kaniya. Hip-hop and the propaganda say they name brand (name brand) But I done seen how the, did my main man (main man) The nights we won't remember Are the nights we won't remember Nagtawanan lang kami at umiling. Ilang sandali pa'y hindi ko na maaninag ang mga kaibigan ko kaya naman nakisabay na lang ako sa indayog ng mga tao sa gitna. Pinasadahan ako ng kamay ko ang aking buhok habang pababang hinaplos ito sa aking leeg. Unti unti akong gumiling at nagpadala sa agos ng alak na nanininuot sa aking kalamnan. Hindi naman marami ang nainom ko dahil nang maramdaman kong may pumulupot na braso sa aking baywang ay agad akong lumayo ron. Paglingon ko ay ganoon na lang ang gulat ko sa nakita. "Greg?" He grinned. "It's been a while, meng..." Hindi pa man ako nakakapagreact ng may humawak naman sa balikat ko. Nawala bigla ang pagkalasing ko. Tangina. Anong ginagawa nilang dalawa rito? Standing infront of me is Kelvin. Nagulat naalng ako nang suntukin ni Kelvin si Greg na naging dahilan upang tumumba ito sa sahig. Dumugo ang labi ni Greg at maangas na tumayo. Hindi na siya pinansin ni Kelvin at hinawakan ako. Umatras naman ako. Ano to? Break na kami ah? Nakita ko namang dumaan ang sakit sa mga mata ni Kelvin ngunit hindi ko iyon pinansin. "Ayos ka lang?" Mayro'ng humawak sa siko ko at nakitang si Echo ito. Nakita ko na rin ang iba pa naming mga kaibigan. Nakakunot ang noo nina Alessia lalo na nong bumanat si Dazen. "Ano to, Meng? Samahan ng mga maling pinatulan mo?" Hinila naman siya ni Robber sa isang tabi. Pinatatahimik. Talagang hindi maganda ang tabas ng mga dila ko pagdating sa mga ganitong tao, e. Nakita ko pa kung paano kami tignan ng mga tao kaya naman agad itong pinandilatan nila Chin. "Pumapatol ka na pala sa tarantado, Meng?" "Pumatol nga ako sayo, e. Tarantado ka rin." "Tangina. Magsitahimik kayo. Pare-parehas kayong tarantado." si Ada. Bumaling sa kaniya si Greg at nakitaan ko ang insulto ang kaniyang mukha. "Shut up, Adaline." "No, you shut up!" Akmang lalapitan ni Greg si Adaline ng tumumba na naman siya.This time si Josiah na ito. Saan naman ito nanggaling? "Shut up your filthy mouth if you have nothing good to say," he said, dangerously. Tangina. Nalilito na ako. My phone rang. "Hello?" panimula ko kay Andra. "Te, si Eleny..." Nanlaki ang mata ko at agad na ibinaba ang tawag. "Aalis na 'ko," sambit ko at umalis sa dagat ng mga tao. Ano na naman ba ang nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD