Mabilis akong nakarating sa Pacific Global. Nangangatal ang katawan ko. Mula nang tumawag si Andra ay hindi na kami nakapag-usap pa ulit.
Tinext niya lang ako at sinabing nasa hospital sila kaya dito na ako kaagad dumiretso. Marami pa akong nakakasalubong na nurses at doctors bago tuluyang makarating sa nurse station.
Mabilis akong lumapit sa nurse station at sa nanginginig na katawan ay nagtanong ako. "Miss, saan ang room ni Eleny Credo rito?"
"Saglit lang po, Ma'am," sagot niya at agad na kinalkal ang form. Pagtapos ay agad niyang sinabi sa akin kung nasaan si Eleny.
"Emergency room po, Ma'am."
Agad akong tumalima at tinakbo ang daan papuntang ER ngunit bago pa man ako makarating don ay may nakabunggo na sa akin. Muntik pa akong matumba kung hindi niya lang ako sinalo.
Unang pumasok sa isip ko ay ang bango ng taong nasa harapan ko. Umangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang tsokolateng mata ng isang lalaki. Seryoso niya akong tinignan at inayos ng tayo.
"Are you okay?" tanong niya pa.
Alanganin pa akong tumango. He's manly. Mas matangkad siya sa akin kaya kinailangan ko pa siyang tingalain. He has a heart shape face at matangos ang ilong. Maputi siya at talagang lalaking lalaki ang tindig. Nadedepina rin ang kaniyang panga na mas nakadagdag sa kaniyang p*********i.
"Hey, miss."
Natauhan ako ng magsalita siya. I squinted my eyes and looked at him. Masiyado na pa lang malayo ang nilakbay ng utak ko.
Muntik pa akong mawala sa sarili ko dahil sa paraan nang pagtingin niya. Simple at seryoso ngunit talagang nakakasalo ng atensyon.
"Ano 'yon?"
"Sabi ko, kung ayos ka na ba? Uh, aalis pa kasi ako." Humawak siya sa batok niya. Nilingon niya ang mga tao sa tabi niya na mukhang enjoy na enjoy sa panonood sa amin.
"What, Zuho? Just enjoy your conversation. Okay lang kami." One of the guy said.
Nakita kong pinandilatan pa sila ng mata nong Zuho bago tumingin sa akin. Bumalik na naman ang kaseryosohan niya.
Naalala kong pupuntahan ko pa si Eleny kaya naman tumabi muna ako sa gilid. "Ah, yeah. Okay na. Salamat."
Tumango kami sa isa't isa at nauna akong tumalikod. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa at agad na dumiretso ng emergency room.
Zuho.
I will remember that name.
Tinakbo ko na muli ang pagitan ng hallway sa emergency room at namataan ang mga kapatid kong pabalik balik sa kanilang kinatatayuan.
Unang nakakita sa akin ay si Alicia na agad tumakbo palapit. "Ate..."
Nakita na rin ako ng mga iba ko pang kapatid kaya naman lumapit na ako sa kanila. Kitang kita ko ang pagod sa kanilang mga mata at ni walang isang mababakas na kalokohan. They're not in their usual self.
"What happened, Cyre?" tanong ko kay Cyre na nginangatngat ang kaniyang kuko.
Kaunti lamang silang andito. Baka tinawagan pa ang iba. Hindi ko rin kasi talaga palaging nahahagilap ang mga kapatid ko sa kadahilanang iba't ibang condo ang tinitirhan namin. At isang buwan lang ang ibinibigay sa amin ng aming mga magulang para magsama sama.
Yeah, cruel, right? Pero ginusto naman namin iyon dahil ayaw naming makarinig ng kung anong sinasabi niya. Hindi naman kami galit sa aming mga magulang pero talagang hindi mo maiwasang mairita na lang minsan.
"Car crash, ate..."
Nahigit ang paghinga ko dahil sa narinig. Paanong car crash e hindi naman ganoon kagala itong si Eleny? Napatampal na lang ako sa noo ko na ganoon lang pala siya kapag wala ako sa bahay.
Na-upo na lang din ako sa bench at naghintay. Kinuha ko muna ang telepono ko upang magchat sa gc naming magkakaibigan.
Me: Hospital ako. Na-car crash si Eleny.
Artemis: Hoy, gago??? Di nga? Anyare?
Adaline: We're still in RB. Baka bumisita kami mamaya. What happened?
Dazen: Nagpatayan na mga exes mo. Ano? Isugod na rin namin diyan?
Echo: Punta kami maya, Meng.
Pagtapos mabasa lahat ng chat nila ay ibinalik ko na ang telepono ko sa aking bulsa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y drain na drain ako sa lahat ng pangyayaring ito.
I mean, pwede pa lang makaramdam ng ganoon? 'Yong galit, 'yong lungkot, 'yong saya. Sa iisang pangyayari lang tapos mauubos ka...
Hindi na rin kami nag-imikan ng mga kapatid ko hanggang sa may lumabas na doctor. Ako muna ang unang tumayo at nilapitan ang mga ito.
"Doc, what happened?" tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "We have a bad news and a good news. Anong unang gusto niyong malaman?"
Nakaramdam ako ng irita. Nagaalala na kaming lahat dito tapos tatanungin niya pa ako niyan.
"Dok, kahit good news ang unahin niyo sasama pa rin ang loob namin dahil may bad news ka paring dala kaya kahit alin na diyan, pwede?"
Mukha yatang naoffend pa ang doktor pero wala na akong pakialam. Kailangan ko na iyong malaman.
"The good news is... naligtas ang babae..."
Nakahinga naman kami ng maluwag don. It means, ligtas si Eleny pero anong ibig sabihin niya? Dalawa sila? Sino ang isa pa?
"But, pero ang bad news don ay namatay ang kasama niyang lalaki. Malaking pinsala ang natamo niya at malaki rin ang naging damage ng kanilang sasakyan na naging dahilan para mas mapuruhan ang lalaki."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Wait, what?!"
Tangina. Sino namang lalaki iyon?
Hindi ko na yata kailangan manghula pa dahil agad na nasagot ang tanong ko. Lumingon ako sa taong nagsalita mula sa aking likod.
"Dok, how's Zuriel? He's my brother." The Zuho guy is here again. Nanlaki na lang ang mata ko dahil sa nangyari.
"Unfortunately, Mr. Laurent. Your brother is dead..."
My hand flew to my mouth. I can't believe this. Tinignan ko si Zuho at nakitang sumeryoso ang kaniyang mukha at napayuko ang ulo.
Wala nang umimik sa hallway na iyon at tanging pagbilis na lang ng heartbeat ko ang nararamdaman ko. What the f**k is happening?! Sino ang Zuriel na iyon?!
"And, Miss Credo..."
Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita muli ang doctor. His face is serious na para bang ang bombang bibitiwan niya ay ang tatapos sa buong pagkatao ko.
"I'm afraid that Eleny Credo will have an amnesia..."
Tuluyan na akong nanlambot.