Ilang oras na simula nong sinabi ng doctor na pwede nang puntahan si Eleny sa private room. Tahimik kaming lahat na magkakapatid. Maski sina Olivia na malakas mang-asar ay walang imik.
"Ano 'to, El? Ready ka na pala talagang palitan si San Pedro 'di ka man lang nagsabi. Sana sinama mo na rin si Cyre sa 'yo."
Napa-angat ang tingin ko at nakitang si Yndica ang nag-salita.
"Gago!" mura ni Cyre sa kaniya.
Napa-iling na lang ako at itinuon ang atensyon sa telepono. Dagsa ang chats ng TFK sa groupchat ko. At lahat sila'y nagpaplanong pumunta rito.
Echo: Sa'n ba 'yang hospital, Meng? @Ayumie Credo
Dazen: Bakit, Cho? May balak ka na bang sundan si Eleny? Sabihin mo lang at sponsor si @Alessia diyan.
Adaline: Parang tanga, bal. Sa'n na nga pala 'yon?
Artemis: Kamusta na si Eleny, Meng?
Robber: I can't make it. I still have to run some errands. Keep me updated.
Chin: Ang workaholic mo. May bata ka na bang pinakakain??? @Robber
Hindi na nag-reply si Robber kaya naman nag-tipa na ako.
Me: Pacific Global.
Pinatay ko ang telepono ko nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Nilipat ko ang tingin ko sa mga kapatid ko na parang walang naririnig kaya naman napa-kunot ang noo ko.
"Buksan niyo." kalmanteng sambit ko.
Agad namang tumayo si Coreen at lumapit. Sus, susunod din naman pala. Kailangan pa talagang inuutusan. Parang mga bata, e.
Hindi ko binigyang pansin ang taong dumating nang magsalita ito.
"Good evening, ladies..."
Napatayo kaming lahat nang marinig ang boses ng lalaking matanda. Oo, kasi malapit na siyang mapanot kaya matanda na agad ang tawag ko.
Tumaas ang kilay ko nang makilala ko kung sino ito. What the hell is he doing here?
"Mr. Laurent," seryoso at mababang boses kong tawag.
Braxton Laurent stood with elegance infront of me. Nag-mukha kaming mahihinang magkakapatid dahil sa sitwasyon namin. But of course, Credo lang ang nanggagago. Kaya kahit anong posisyon mo pa sa mundo, wala kang kwenta kung hindi ka Credo.
Pinapantayan ng kaniyang tingin ang aking titig. Napabaling ito sa akin at nakitaan ko rin ang kaniyang mga mata ng kuryosidad hanggang sa makilala na ako nito at napangiti siya.
"Ah, Ms. Credo! Look what we have here, hindi mo naman sinabing kapatid mo pala ang babaeng ito." sambit niya at tinuro si Eleny na mahimbing na natutulog.
Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung para saan. Kasunod niya ay ang lalaking na-meet ko lang kanina accidentally. Wait, ano bang nangyayari?
"Yes, Mr. Laurent. So, what's going on? What do you want from us?"
Sumeryoso naman ang kaniyang mukha. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
"Your sister killed my son." he said without restraint.
"I'm sorry? Pero ano hong sinasabi niyo? Who killed who?" naguguluhang tanong ko.
Hindi ko maintindihan ngunit alam kong ang susunod niyang sasabihin ay ang makakapag-pabigat ng loob ko.
"You heard me, Ayumie. Eleny Credo killed my son." This time, mas matigas na niyang sinabi.
"Anong sinasabi mo? Walang pinatay ang kapatid ko. Nakikita niyo naman ang kalagayan niya kaya paano niyo nasabing pumatay siya?" pigil kong tanong.
Nag-iinit na ang katawan ko sa galit ngunit pinipigilan ko. Naramdaman kong hinawakan na rin ako nina Sin sa braso dahil alam nilang kapag nagsimula na ako ay hindi na ako titigil.
He smirked. He f*****g smirked. Tangina, hindi ang pangit niyang pag-ngisi ang kailangan ko kundi sagot.
"Eleny Credo is in a relationship with my son Zuriel Laurent for 4 years and he caught her cheating. Dahil din sa nangyaring 'yon ay nag-wala ang kapatid mo at nag-drive siya ng kotseng sinasakyan nila at ibinangga purposely."
What the hell is this man saying? Hindi niya ba nakikita ang sitwasyon ng kapatid ko? Mukha bang makakapatay pa si Eleny gayong mukhang siya na nga napuruhan at desidido nang sumama kay Kamatayan?
"Mawalang galang na Mr. Laurent but it is not right to accuse someone if you don't have an evidence..." sabat ni Sin.
Nanatili lang ang ngisi ni Mr. Laurent na para bang mayroon siyang alas na hawak laban sa amin. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Hindi ngayong ganiyan ang sitwasyon ni Eleny. Ako lang ang may karapatang gumawa niyan diyan pero inunahan nila ako.
"Oh, really? But that's not what the doctor said to me." he said, innocently.
The f**k? What Doctor?
As if on cue, pumasok ang Doctor na kanina lang ay nagsabi sa amin ng sitwasyon. Lumipat ang tingin namin sa lalaking doktor na ngayon ay naka-duko na ang kaniyang ulo.
"I'm sorry for the inconvenience, Ms. Credo. But it's Eleny Credo who was on the driver's seat." he said, lowly.
Napaawang ang aking labi dahil sa narinig. Paanong nabaliktad na si Eleny sa sitwasyong ito? Hindi na rin kami naka-imik na mga magkakapatid.
Napakuyom na ang kamao ko at hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko. Walang may gusto sa nangyari at pare-pareho kaming alam kaya paanong may alam na siya ngayon? Tangina. Masiyado siyang pabida.
"Hoy, tanda. Wala kang karapatang pag-bintangan ang kapatid ko kung pare-parehas tayong walang alam sa nangyari. Anong karapatan mong sabihin 'yan?" I asked with full of disgust.
His mouth went ajar. Niluwagan niya pa ang kaniyang necktie na sana ay sumakmal na lang sa kaniya.
"Nakikita mo ba 'yong itsura ng kapatid ko ngayon? Mukha bang naka-patay ang itsura niyan?" dugtong ko pa habang nakaturo kay Eleny na punong puno ng pasa ang katawan.
"Ate..." bulong ni Alexandra. Hindi ko siya pinansin at tinuon lang ang pansin ko kay tanda. Kanina pa ako nagtitimpi rito, e.
Sa sitwasyon nga nang lalaking ka-relasyon niyang namatay ay mukha pang si Eleny ang sinadyang gawan ng masama, e.
"How disrepectful, Ms. Credo."
I smirked. "Disrespectful? O sige, recap. Tangina mo, Braxton Laurent with respect. Nakakagigil ka."
Lumapit sa kaniya ang lalaking kanina pa nakamasid lang. Wala ba siyang gagawin para pigilan ang tatay niya? I admired that guy pero kung ganiyang hinahayaan niya lang ang kaniyang ama na mamintang ng taong wala namang kamuwang-muwang ay talagang nakaka-walang gana.
Hindi ko kailangan ng mga taong walang paninindigan sa buhay ko.
"We need to go." He said, seriously.
Mabilis pa rin ang pag-hinga ko dahil sa nangyari. Hindi na rin naka-sagot pa si Mr. Laurent magmula nang sabihin ko iyon na nakapag-pagaan ng loob ko. Hindi naman ako natatakot sa kaniya, e. Mas matatakot pa ako kung haharap siya sa lipunan na ubos na ang kaniyang buhok.
Tumikhim si Mr. Laurent bago bumalik ang kanina'y nakaka-intimidang tingin niya. But a Credo won't shake just because of a man's eyes. Lalo na kung alam ko na ang mga nasa likod ng mga tinging 'yan.
"We'll see each other in the court, Ms. Credo." 'Yon lang ang sinabi niya at tumalikod na sakin.
Humarap naman sa amin si Zuho at yumuko nang kaunti. Kaunti lang? Dapat lumuhod na rin siya.
"I'm sorry for what happened. We'll fix this." aniya atsaka tumalikod.
Kahit ano pang sabihin mo, ekis ka na sa akin.
Sumarado na ang pinto kaya naman napa-upo na ako. Agad kong kinuha ang telepono ko sa aking bulsa.
Me: Puntahan niyo ako.