Chapter 5

1728 Words
Kinabukasan, maaga akong nagising para sa trabaho. Wala na ang mga kapatid ko at tanging ako at ang magbabantay na lamang kay Eleny ang natitira. "Ma'am Ayumie, bilin ho ni Ma'am Indira na tawagan niyo raw siya," magalang na sambit ng katulong. Dito na ako natulog at naligo. Kagabi rin kasi matapos ang nangyari ay agad akong pinuntahan ng mga kaibigan ko. Bumalik nga rin si Robber dahil aniya'y tutulong siya sa pagi-imbestiga. Nagpasalamat naman ako kahit hindi na kailangan. I can handle the situation as well as the bald man. As I've said, a Credo won't shake just because of a man's stare. Nagpaalam na ako sa katulong at agad tinampal ang noo ni Eleny, hindi naman siya magigising. "Sleep tight, Saint Eleny." Mabilis akong naglakad palabas ng hospital at agad na sumakay sa aking ford ranger. Pinadala ko iyon sa driver namin upang hindi na ako mag-commute. Hassle ngayon dahil rush hour at kung makikipag-siksikan pa ako sa LRT ay talagang mahuhuli ako. Pagkasakay ay agad akong nag-drive paalis. Binuksan ko ang bluetooth speaker ko at ikinonnect ko ron ang telepono ko. Narinig ko naman agad ang boses ni Mommy mula sa kabilang linya. "Ayumie, dios mio! Mabuti naman at tumawag ka na." Agad naman akong napailing at ifinocus ang tingin sa daan. Alam kong mahaba habang byahe at sermon ang aabutin ko kay Mommy kaya naman nagri-ready na ako. "Ano 'yon, My? Sabi ni Kriska, tawagan daw kita." "Yes, I've heard what happened to Eleny. That's why, we decided to come home and you should go back here in Amsterdam." Napairap naman ako at ipinasok ang kotse sa drive thru ng jollibee. Naalala kong wala pa pala akong kain dahil agad akong dumiretsong umalis. Nakikinig pa rin naman ako kay Mommy habang umuusad ang kotse ng mga customer. "The Laurent's been pulling their shares on us, Ayu. Why is that? Hindi mo ba nakakausap si Mr. Laurent or hindi ka man lang ba pumupunta sa mga meeting ng Laurent Corp?" dinig kong sambit niya. Mahaba haba pa naman ang pila kaya naman sinagot ko na. "It's a long story, My. Hindi naman kawalan si Laurent. Ngayon ka pa ba matitinag? Pwede pa rin tayong maghanap ng ibang stockholders, at 'yong mas kayang humawak na ng responsibilidad." Kinuha ko ang Louie Vuitton bag ko sa shot gun seat at kinuha ang wallet ko. Tinignan ko muna ang menu ng drive thru at agad na um-order. "Good morning, Ma'am. How may I help you?" naka-ngiting bati ng service crew. "1 piece fried chicken, 1 rice and coke, please." Mabilis namang nag-tipa ang crew kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pakinggan ulit si Mommy. "Honey, alam mo namang ilang taon na nating ka-sosyo si Mr. Laurent. Ngayon pa ba tayo sasablay? Atsaka, baka magkaroon tayo ng bad records sa iba nating business partners." Hindi ko muna pinansin ang rant na iyon ni Mommy at agad na tinugunan ang service crew na sumisenyas. "That would be one hundred and forty pesos, Ma'am." ngiti niya. Really? 140 pesos for breakfast? Ganun na ba talaga ako nagda-diet? Umiling na lang ako at agad na inabot sa kaniya ang bayad. Pagtapos ay agad na akong dumiretso sa kabila upang kuhanin ang order. Mabilis namang ibinigay sa akin iyon at agad ko nang kinuha. "Thank you," sambit ko. Sinarado ko na ang bintana ko at nag-drive paalis. "Ako na ngang bahala, My. Kung talagang nababahala ka. I will tell Mr. Montefierro to accept our offer." may bahid na ng inis ang aking boses. Matagal na kasing nago-offer sa amin ang papa ni Robber upang makipag-sosyo ngunit talagang tinatanggihan ni Mommy sa hindi malamang dahilan. "No, Ayu. It's fine. Sige. Kung anong balak mo, ikaw na bahala. After all, you're the one who'll inherit all of our businesses. Since, may mga sariling gusto ang mga kapatid mo. May tiwala naman ako sayo kaya sige. Pagbibigyan kita." Nakahinga naman ako ng maluwag don. Akala ko ay ipipilit niya pa iyong gagawin namin e. Madali lang naman kausap ang nanay ko or siguro, ako lang? Dahil halos pareha kami ng ugali. Parehas naming hindi tinitigilan ang isang bagay hangga't hindi namin nakukuha. Binaba na rin ni Mommy ang tawag na iyon dahil may meeting pa siya at isiningit lamang ako sa kaniyang schedule. Pinaalalahanan lang din ako sa mga gagawin ko pagbalik ko ng Amsterdam. Dahil nabusog ako sa mga paalala ni Mommy ay napagdesisyunan kong sa opisina na lang kumain. Mabilis lamang akong nakarating ng boni at agad na bumaba sa aking kotse. Kunot noo kong sinalubong lahat ng reporters na dagsa sa labas ng aming kompanya. What the f**k is going on? Napabaling sa akin ang lahat at agad silang nagtakbuhan sa aking pwesto. "Ms. Ayumie, is it true about the murder of Zuriel Laurent?" "Ang kapatid niyo po ba talagang si Eleny Credo ang may gawa ng lahat ng iyon?" "Nakita po sa isang bangin malapit sa Antipolo ang nasabing sinakyan ng magkasintahan, ano hong masasabi niyo ron?" Napakuyom ang kamao ko dahil sa mga tanong nila. May pakpak talaga ang balita, 'no? At kahit na hindi mo gugustuhing makaabot pa sa iba ay talagang makakarating. Marami ng mga body guard namin ang nagsi-sulputan upang protektahan ako ngunit gusto ko pa ring sagutin ang kanilang mga pamimintang na hindi kailanman naging totoo. "I'm not going to answer your questions until the investigations were done. As of now, the only thing I could say to you is to stop spreading fake news." and with that, I strut my way inside the company. Agad sumalubong sa akin ang mga employee ng kompanya. Lahat sila ay halos dalhin na ang mga gamit ko sa kagustuhang tumulong sa pagdala ng gamit ko. Luhod, mga alipin. But in the end, pinili ko na lang na dumiretso sa aking opisina na walang kahit sinong inuutusan mula sa kanila. Alam ko naman ang gusto ng mga 'yan, ang sumipsip. Para ano? Para kapag alam nilang nakuha na nila ang tiwala ko'y sa sunod ay hihilingin nila ang pagtaas ng posisyon. No way. No one can fool Ayumie Credo. Agad akong nakarating sa opisina at nakita si Alyssa, ang sekretarya ko. "Good morning, Ms. Ayu. You have an appointment with Mr. Laurent today. Aside from that, you're all free." Mabilis akong naka-pasok ng opisina at agad na inilapag ang bag sa aking lamesa. Umupo sa aking swivel chair at hinarap si Alyssa. "Come again?" tanong ko habang binubuksan ang laptop ko. Andami ko pang naiwang gawain kahapon dahil hindi ako sumipot at ngayo'y may panibago na naman kaming plano. I just hope that they'll agree to my terms. Gusto ko lang naman mag-relax dahil masiyadong nakaka-stress ang mga pinagagawa sa akin ni Mommy. Lahat ay salo ko at talaga nga namang nakaka-stress 'yon. Kung pwede ko lang iwanan lahat ng trabaho at agad na pumarty. Why not, diba? Nga lang, hindi na ito ang dating buhay ko. "You have no other appointments than to meet Mr. Laurent, Ms. Ayu," ulit niya. Napa-buga akong hangin dahil talagang hindi ako titigilan ng matandang iyon. Agad ko namang pinalabas si Alyssa at kumain. Lately, ni lumabas upang magliwaliw para sa sarili ay hindi ko na magawa. Minsan na lang talaga kapag nagkakaayan kaming magkakaibigan. While eating, I was scrolling and reading the whole proposal of the board. Masasabi kong maraming benepisyo kaming matatanggap mula sa kanilang mga pinopropose. But then, I do know that this is a fraud. Sino ba namang makakabenefit agad pagbukas pa lang ng business? Napailing ako at nagbasa pa. Matapos kong magbasa ng proposal ng mga board members patungkol sa kanilang mga wine business na bubuksan ay nag-f*******: na muna ako. I visited our groupchat at lahat sila'y nagsasabing nakita na ang balita. Adaline: Tangina, Meng. Kahit may dalang pagkain ng jollibee kailangan maganda pa rin, 'no? Dazen: Si Ayumie lang 'yong malakas loob na maglakad with elegance kahit may hawak na plastic ng jollibee. Echo: Coz with Ayumie raw, bida ang saya. Alessia: How's the investigation going? @Robber Robber: Inaasikaso ko na. I made my brother, Zed. Handle the company for awhile. So, they're really going to help me, huh? Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair at agad na nag-tipa. Me: That Laurent wants to have a meeting with me. Tangina. Kailangan pa talagang alisin lahat ng shares niya sa kompanya dahil sa nangyari? Dazen: Maybe, he's hitting on you, Ayu. At ng hindi makuha'y sapilitan. HAHAHAHAHA. Tarantadong Furukawa. Me: Gago. 'Wag mo ngang ipasa sa akin ang dati mong gawain, Daze. Alessia: Okay, kids. Stop na. Pinatay ko ang telepono ko at inilapag ito sa gilid ng laptop. Hindi ko alam kung anong una kong dapat isipin. Ang trabaho o ang kaso ni Eleny? Pero siyempre, family always comes first. Kaya naman agad akong nag-ayos ng makitang 12pm na ng tanghali. Konting retouch lang ang ginawa ko bago ako umalis ng opisina. I have a lots of things to do. Kaya kailangan ko itong madaliin. Pagbaba ko ng kompanya ay agad akong sumakay ng aking ford ranger at pinasibad ito papunta sa aming pagmi-meetingan. Mayroong malapit na fast food chain dito sa Ortigas at doon ko na lang napagdesisyunan na makipag-meet. I'm really craving for jollibee kaya naman doon na lang ako kakain. Pagpasok ko ng jollibee ay hindi naman ganoon karami ang mga taong kumakain kaya agad akong nakahanap ng seat kung saan pwedeng pang-apatan ang uupo. Agad akong nilapitan ng isang waiter at agad ko namang ibinigay ang aking o-orderin. Andami ko pang kailangan asikasuhin pagtapos nito. Tanginang buhay 'to. Ilang sandali lang ay agad na dumating ang pagkain ko kasabay nang pagdating ng dalawang lalaking pamilyar at hindi pamilyar sa akin. "Zuho?" takang tanong ko. He smiled at me and took the seat infront of me. Ganun din ang kasama niya habang ako'y punong puno pa rin ng katanungan sa isip. First is, bakit si Zuho ang narito at hindi si Braxton? I mean, wala naman akong reklamo dahil ayoko namang makaharap ang matandang iyon talaga. Pero bakit? Anong agenda ng isang ito? "Hello, Ms. Credo-" Cringe. "Ayumie na lang." Tumango siya at sumeryoso ang mukha. "Okay, Ayumie. Let's get straight to the point. I'm here to help."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD