"Mommy!" Takbo ni Adam, papunta kay mommy ngunit hinila ko ang braso nito. "Huwag kang tumuloy." Galit namang tinanggal ni Adam ang kamay ko. "Ang huwag? Ate si mommy 'yan o! Nahihibang ka na ba?" "Basta huwag kang tumuloy!" Iba kasi ang pakiramdam ko sa nakikita namin ngayon. Parang ginamitan ng mahika ni Archaelis ang katawan ni Mommy, o gumawa lamang siya ng katulad niya panlinlang sa amin. Naalala ko pa kasi na ang damit na suot ni Mommy ngayon, ito rin kasi ang damit na suot nito ng mga araw na sinaksak siya ni Nathan. May bahid rin ng dugo sa kanyang pang ibabang damit. "Mukhang tumatalas na ang pag-iisip mo ngayon, Silva?" sigaw ni Nathan. Hinawakan naman niya ang bewang ni Mommy, ngunit kapansin-pansin na wala man lang itong karea-reaksiyon. "Ano ba talaga ang gusto mo?!"

