Silva's POV Pinorma ni lolo Moss ang mga guwardiya, nimpa pati na ang mga bantay sa pahabang linya. Isinentro naman niya kaming dalawa ni Adam sa gitna nila, habang taimtim silang nakatingin sa amin. "Handa na ba kayo Silva?" tanong ni Lolo, habang kinukumpas ang kanyang tungkod. Tumingin naman siya sa lahat ng nakapaikot sa amin at saka tumawa ng kakaiba. Mukhang alam ko na ang tumatakbo sa isipan ni lolo. "Kung sino man ang makatalo sa prinsesa, gagantimpalaan ko ng isang linggong pahinga at tatlong pirasong perlas para sa kanyang pamilya," wika niya. Rinig naman namin ang mga bulung-bulungan ng mga guwardiya at tila nasisiyahan sila sa kapalit. Kami naman ni Adam ay kinakabahan sa sunod nitong sasabihin. "Paano naman kung kami ang makatalo sa kanila, sino ang mag babantay ng

