Moss POV Habang abala ako sa pag hahanda ng pangalawang pagsasanay, bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba. Halos hindi ko rin maintindihan kung bakit kinikilabutan ako ng ganito katindi. Pinagsawalang bahala ko lamang ito, habang inaayos ang gagamitin nina Silva at Adam na gintong pana---nang biglang nagsigawan ang mga tao sa labas. "Adonis, maaari mo bang tingnan kung anong nangyayari sa labas?" Utos ko kay Adonis na ngayon ay nakatayo sa likuran ko at binabantayan ako. Naglakad naman ito palabas ng palasyo, at habang hininhintay ko siyang bumalik, tila may nagtutulak sa paa ko upang sumunod rin sa kanya. "Nandito na si Archaelis!" sigaw ng mamamayan, habang ang iba ay nag aangklas na ng kanilang paninda at tila nagkakagulo sila at nag uunahan pauwi ng bahay. Dahan-dahan ko

