Pagkatapos ng aming ensayo, pinag pahinga naman kami ni lolo Moss bago umuwi sa bahay. Nakwento kasi namin sa kanya na pupunta kami ng perya. "Kaarawan po bukas ni Ate lolo, pwede po bang magpahinga muna kami bukas?" tanong ni Adam, kaya napalingon ako rito na nakatingin din kay lolo Moss. Lumingon naman sa akin si lolo Moss kaya ginawaran ko ito ng nakakaawang mukha, at baka sakaling payagan ako kami nito ni Adam. "Hindi," tipid na sagot niya, kasabay nang pagbagsak ng mukha ko. "Bukas ay hindi tayo rito magsasanay," wika ni lolo, kaya umangat ang ulo ko at takang-taka namin itong tinignan ni Adam. "Saan po? Hindi ba't ang sabi ninyo ay ito lang ang lugar na ligtas para sa ating pagsasanay?" tanong ko rito na may tono ng pagtatampo. Hindi nanga ako pinayagan para bukas, tapos lili

