Dumiretso naman ako sa ihawan at saktong bumungad sa akin ang isang matanda na nag iihaw ng mga ulo ng manok. "Lo, eto po akin," pag-abot ko ng pinili kong taba ng baboy. Kinuha lang niya ito na hindi manlang bumabaling ang tingin sa akin. Habang hinihintay na maluto ang mga pinamili ko, sinubukan ko namang kausapin ang matanda. "Lo, may nakita po ba kayong pulubi kanina doon?" mahinang tanong ko sa kanya. Ilang minuto rin akong naghintay dito bago niya sinagot. "Siya si Aurora, isang magaling na manghuhula." Sabay abot nito ng mga pinamili ko. "Salamat p-" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong tumalikod sa akin, kaya dumiretso na lang ako sa pabalik sa aming upuan. Habang sarap na sarap akong kumakain ay naramdaman ko na lamang na may umupo sa kanang bahagi ng upuan. "Maari

