KABANATA 25

3067 Words

"Sensasyon?" sabay-sabay naming tanong nila Adam at Marcus, tsaka naman ako lumapit sa kanila. Tumango naman si lolo Moss."Unang sensasyon, o mas kilala sa tawag na unang pandama."Lumingon naman si lolo sa akin. "Naalala mo ba Silva nang una nating pagsasanay? Hindi ba't pinag-aralan mo ng mabilis ang bawat galaw ko para makasunod?" "Opo lolo. Pero, kaya ko lang po nagawa 'yon dahil may kaalaman na'ko sa pag gamit ng arnis." "Alam kong sapat na ang kaalaman mo ngunit kasabay nito, gumana na rin ang bilis ng iyong mata para makipag sabayan. Isa 'yon sa pitongsensasyon na sinasabi ko, kapag ganap na ninyong kilala ang inyong sarili," paliwanag ni lolo. "Pangalawa, hindi ba't narinig mo ang usapan namin ng matanda na nagpunta rito, kaya andaming katanungan sa isip mo ngayon?" Tumango la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD