"Matagal tagal ko na rin hinihintay ang bagong biktima ni Amari.Naamoy ko ang malinamnam mong dugo,kaya wala ka ng magagawa," aniya,tsaka nito nilagay sa likuran ang dalawa kong kamay at tinali. "Amari, sabihin mo sa nanay mo kaibigan mo ako," garalgal na boses ko, habang umiiyak na nakikiusap kay Amari. Wala naman siyang magawa kundi ang umiyak lang din, habang tinititigan akong ginagapos ng kanyang nanay. Umalis naman ito saglit, at sa kanyang pagbalik may dala na itong matalim na kutsilyo,isang sangkalan at isang malaking palanggana.Habang kinakalagan ako nito, nagpupumigilas naman ako kaya sa hindi inaasahang pangyayari, nadaplisan ng matalim na kutsilyo ang braso ko.Sinilip ko naman ito mula sa aking likuran, nang bigla nitong dinilaan ang dugong tumatagas mula sa braso ko. "Ang sa

