KABANATA 10

1772 Words

Magkahalong lungkot at takot ang nararamdaman ko ngayon habang ako'y pabalik sa bahay ni lolo Moss. Nalulungkot dahil, isa sa mga naapektuhan ng kademonyohan ni Archaleis ang pamilya ni Amaya. Natatakot dahil, takot ako sa dilim at kailangan ko ng magmadali. Naalala ko naman ang sinabi ng diwata sa akin. Nakakaawa ang sinapit ng asawa niya, lalo na ang anak nito na walang kamuwang-muwang na ginawang drekavac ni Archaleis. Pero ang nakakapagtaka dito ay tuwing umaga, ang mga sanggol o mga bata rito ay umaaktong mga normal.Ngunit pagdating ng gabi, ang mga kalamnan nila ay naghahanap ng sariwang dugo at laman ng tao. Nang nasa tapat na ako ng bahay, napatigil naman ako dahil bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ni Marcus. "Saan ka galing?" tanong nito ng may nakakatakot na mukhang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD