Magtatanong pa sana ako kay Marcus, nang biglang sumulpot sa gitna ang isang lalaki na namamaga ang nguso. Mukhang eto ata ang tagahatol nila sa laban kaya may hawak itong mikropono. "Handa naba kayong manalo muli sa laban na ito si Griffin?" tanong niya sa mga tao kaya nabalot nanaman ng ingay ang buong paligid. "Marcus?" pag tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin habang ngumingiting tinitignan si Griffin na nagkukundisyon ng kanyang katawan. "Sino naman 'yang kalaban niya?" bulong ko sa kanya, sabay tingin sa lalaking nasa kaliwa na nakasuot ng puting polo na siyang humahati sa kulay tsokolate nitong balat. Nakuha pa niyang ngumiti kahit na wala pa sa kalahati ng braso nito ang braso ng kalaban niyang si Griffin. "Siya si Heroin." Una nang sumugod ang nasa kaliwa, habang si

