Maaga kaming ginising ni lolo Moss, bago ito umalis. Sakto naman at gising na rin si Marcus na nagluluto ngayon ng aming dadalhin na pagkain. "Mag ingat kayo," bilin ni Lolo Moss habang papalabas ito ng bahay dala ang mahal nitong tungkod. Kami naman ni Adam ay hinanda na ang aming dadalhing kagamitan na nakapatong sa mahabang mesa. "Dalawang arnis?" tanong namin ni Adam kay Marcus. "Saglit lamang tayong mag eensayo ngayon," wika niya. Napalingon naman kami ni Adam dito habang nilalagay sa lumang tupperware ang aming kakainin. "Ha? Eh,anong gagawin natin?" takang tanong ni Adam habang ako naman ay nakatingin lamang dito at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Basta. Magiging masaya 'to," aniya sabay ngisi. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang ngumiti, hindi dahil sag

