Naabutan ko naman siyang nakaupo sa kanyang higaan habang lugmok ang kanyang mukha. "Ano ba kasing nangyari Adam?" tanong ko habang pinapalitan ang kanyang damit na basang-basa. Umiiyak naman ito at hindi makaharap sa akin kaya tinaas ko ang ulo niya. "Kasi s-sila e. P-pinag-tripan lang ako kanina, ate." Hagulgol nitong sabi sa akin. Umupo naman ako sa tabi niya pagkatapos kong palitan ang pantaas nito. "Anong trip? Paano ka pinag-tripan?" tanong ko. "K-kasi sabi n-nila may powers daw ako. Kaya ko raw buhatin y-yung malaking bato na nandoon," tuloy pa rin sa pag iyak nito. Pinipigilan ko naman ang sarili kong matawa, kaya inipit ko nalang ang bibig ko para hindi makalikha ng kahit anong ingay. "Anong ginawa mo?" pigil na tawa ko habang tinatanong siya. "S-sinubukan kong buhatin

