KABANATA 92

3623 Words

Hinawi ni Ciarra ang kurtinang tumatabing sa bintanang salamin ng inookupang silid sa isa sa mga motel at tinanaw ang labas mula roon. Nababalutan nang hamog ang salamin kaya halos hindi rin niya makita ang labas. Mag-a-alas seis na rin nang umaga nang mga sandaling iyon ayon na rin sa wall clock na nakasabit sa dingding. Inabot na siya nang dilim sa byahe at gayon din ng traffic kagabi kaya mas pinili niyang magpalipas nang gabi sa Olongapo. Bukod pa roo’y bigla ring umulan nang malakas pagpasok na pagpasok niya ng naturang syudad kaya wala siyang nagawa kundi magpatila roon at magpalipas na rin nang magdamag sa isang motel. Isa pa'y wala na rin naman siyang tutuluyan sa sarili niyang bayan at wala rin siyang alam na inn sa kanilang lugar. Hindi mapigilang magtagis ang mga ngipin ni Cia

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD