bc

After All

book_age16+
1.9K
FOLLOW
8.9K
READ
sex
second chance
drama
bxg
campus
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Mahina at duwag.

Hindi ni Carmela akalain na magagawang ipamukha ni Jiro sa kanya ang dalawang salitang iyon. Na sa kabila ng tapang at lakas na ipinamalas niya sa ROTC upang maging isang ganap na opisyales nito ay isa pala siyang duwag at mahina—na pag-ibig at isang lalaki lang ang magpapatunay na hindi siya ang inaakala niya.

Makalipas ang sampung taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas. At muli, ipamamalas nito sa kanya ang kaya nitong gawin—na pag-ibig at ito pa rin ang magpapatunay sa dalawang salitang pinangingilagan niya.

x x x ❣️ x x x

Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kuwentong nakalathala rito ay pawang mga kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay rito. Ang anumang pagkakatulad sa mga tao, buhay man o patay, o sa mga tunay na pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda.

Ang anumang bahagi o kabuuan ng kuwento na ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1

"May date?"

Saglit kong sinulyapan ang kanyang repleksyon sa salamin bago ko muling ipinagpatuloy ang pag-re-retouch.

"May client lang na imi-meet."

Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang bahagya niyang pagsimangot na mabilis din namang nawala at napalitan ng aliwalas ang mukha. Isinara niya ang hawak na compact powder at hinarap ako.

"Alam mo Carmina puro ka work, kung gusto mo may irereto ako sa 'yo, successful engineer na 'to! At ready na ring magpamilya anytime!" masayang sabi niya. "Ano sa palagay mo?"

Itinaas-baba pa niya ang mga kilay habang may ngiting nakasilay sa kanyang labi.

Napangiti lang naman ako mula sa mga sinabi niya sa akin.

"No thanks, Joy."

Inirapan ako ni Joy at muli niyang ipinagpatuloy ang pag-re-retouch.

Matagal na kaming officemate ni Joy at isa siya sa mga ka-close ko sa trabaho. Alam din niya na single pa rin ako at malapit na ring itakwil ng kalendaryo kaya siguro isa na rin siya sa mga gusto sumubok na retohan ako.

At sa tagal na rin naming magkakilala ay wala pa rin akong naipakikilala sa kanya at sa aming mga kaibigan. Kaya naman madalas akong tampulan ng tukso kapag sumasama ako sa kanilang mag-night out dahil ako na lang ang walang kapares.

Alam ko rin naman na concerned lang sila sa akin dahil nga nagkakaedad na rin ako at dapat ay may sarili ng pamilya sa ganitong gulang. Ang sabi pa nila'y kung hindi raw ako maghahanap at tatanggap ng mga reto ngayon pa lang ay baka hindi na ako makapag-asawa. O hindi kaya ay sobrang late na ako makapag-asawa at mahihirapan lang ako manganak kapag tumuntong na ako sa edad na thirty. Subalit heto ako at masaya pa ring ine-enjoy ang buhay-dalaga sa edad na twenty-eight.

Wala akong interes at hindi rin pabor sa reto. Ayaw kong minamanduhan din ako pagdating sa pakikipagrelasyon at kung sino ang dapat kong makarelasyon. Hindi ko rin gusto ang ideya ng reto kaya hindi na rin kataka-taka na marami na akong natanggihang pakiusap.

Isa pa iyon sa ayaw ko, ang mga taong nakikiusap at parang nagmamakaawa sa akin para lang sa kanilang inerereto. Para sa taong gusto ng pumasok sa relasyon habang ako'y walang interes.

Ayaw kong napipilitan sa isang bagay na hindi ko naman nais.

"Ikaw, may date?" balik-tanong ko habang ibinabalik sa loob ng shoulder bag ang compact powder. Sinuklay ko ang aking umaalon na buhok pagkatapos.

Hindi ko na inabala pa ang sarili na umuwi at magpalit ng damit dahil alam kong mauubusan lang ako ng oras kung gagawin ko pa iyon.

Presentable pa rin naman ako tignan matapos ang aking buong maghapon sa trabaho. Nawala na rin naman ang medyo haggard kong mukha kanina matapos kong mag-retouch. Bukod pa roon ay napakahalagang tao ang katatagpuin ko para din mahuli sa oras.

"Uh-huh," nakangiti at tumatangong tugon nito sa akin na siyang ikinangiti ko rin.

Sinulyapan ko ang oras sa suot kong relo.

"Mauna na ako, Joy." paalam ko. "Bago pa ako abutan nang matinding traffic."

"Okay, ingat!"

"You too, enjoy your date!"

Hindi ni Carmela maiwasang mapabuntong-hininga habang ine-edit ang t-in-ype niyang iyon noong isang gabi.

Patamad na isinandal niya ang likod sa backrest ng sofa at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin nang malinaw sa balintataw niya ang mga kaganapan ng gabing iyon sa restaurant ng Manila Hotel.

Hindi niya maiwasan na kahit ang mga damdaming naramdaman ng sandaling iyon ay dinadalaw siya kapag mga ganitong sumasagi iyon sa isipan niya.

Ibinangon niya ang sarili at muling binalikan ang ine-edit. At kahit nagsisimula na siyang mag-ayos ng mga pangugusap ay walang pasubaling dumadaloy sa balintataw niya ang gabing iyon sa Manila Hotel.

Napabuntong-hininga ako matapos ang ginawa kong pagparada ng aking sasakyan sa parking space ng hotel. Nasulyapan ko ang rearview mirror at hindi ko maiwasang titigan doon ang aking sarili.

Kinakabahan ako. At hindi ko malaman kung bakit kailangan kong maramdaman ang damdaming iyon. Ibang uri din iyon ng kaba na para bang nais kong umatras.

Sanay naman na akong humarap sa mga malalaki o kilalang tao mula sa mga kabilang at hindi kabilang sa business industry, pero hindi ko talaga maunawaan ang aking sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.

Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ko sa manubela bago muling nagpakawala nang isang malalim na paghinga upang pakalmahin ang sarili. Nagpasya na rin akong lumabas ng sasakyan.

Agad naman akong pinagbuksan ng pintuan ng nakangiting security guard at hindi ko maiwasang ngitian din siya pabalik.

“Good evening, Ma’am.”

“Good evening,” at nagtuloy-tuloy na ako papasok ng resto. Agad naman akong sinalubong ng maitre d’.

“Table reservation, Ma’am?”

“Yes,”

Sinabi ko ang buo kong pangalan at maging ng aking kasama.

Alam kong nagpa-reserve ng table roon si Mrs. Lopez dahil iyon ang sinabi niya sa akin noong nakaraang gabi bago matapos ang aming pag-uusap.

Alas siete rin ang ibinigay niyang oras sa akin pero maaga pa ako ng beinte minutos. Bagay na nakaugalian ko nang gawin sa tuwing may imi-meet akong client at kahit sa ibang hindi gaano kaimportanteng bagay.

Tumango sa akin ang headwaiter at kinuha niya ang logbook. Pinasulat niya sa akin ang pangalan ko roon at maging ni Mrs. Lopez. At habang ginagawa ko ang iniutos niya ay mas higit pang tumindi ang nararamdaman kong kaba.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen. Nagsisimula na rin akong mabalisa at hindi ko maitago iyon sa paraan lang nang malalim na pagbuntong-hininga.

Nagkatinginan kaming dalawa ng headwaiter at tipid ko siyang nginitian para lang pagtakpan ang awkwardness.

Tumawag pa ng isang waiter ang maitre d’ upang i-assist ako patungo sa pinareserbang mesa ni Mrs. Lopez.

“This way, Ma’am.” ani nito at inakay na ako sa isang panig ng resto.

Agad naman akong sumunod sa lalaki.

In-offer-an ako ng maiinom ng waiter nang tuluyan akong makaupo. Tinanggihan ko siya at sinabing mamaya na lang pagdating ng kasama ko. Pero hindi pa man siya nakalalayo nang tawagin ko siya kaya napatikhim ako.

“Water please,” pakiramdam ko’y nanunuyo ang aking lalamunan dala ng pinaghalong kaba at nerbyos.

Hindi ko talaga mapigilang hindi mabalisa kahit pilitin kong i-relax ang sarili.

Wala pa man ding sandali ay bumalik na ang waiter dala ang isang baso ng tubig. Maingat nitong inilapag ang baso sa aking harapan.

Nakangiti ko siyang tiningala.

“Thank you.”

Bahagyang yumukod lang ang lalaki bago naglakad paalis.

Inabot ko ang baso at kaagad sumimsim doon. Subalit kalalapat pa lang halos ng bibig ko sa rim ng baso nang matanawan ko ang paparating. Mabilis kong ibinaba iyon at agad na tumayo upang salubungin ang ginang.

Simple lang ang kanyang suot at wala ring gaanong alahas sa katawan pero sopistikada at kagalang-galang pa rin itong tignan. Nakangiti rin siya habang naglalakad patungo sa aking puwesto. Nakahahawa rin ang kanyang mga ngiti kaya hindi ko mapigilang mapangiti rin.

Maaliwalas din ang bukas na mukha ng ginang na kung saan ay kapansin-pansin ang pagiging masayahin at mabait nito. Ang kanyang edad din ay hindi kapuna-puna. Pupusta rin ako na isa lamang siya sa madalang na mayamang hindi matapobre.

Ito pa lang din ang unang pagkakataon na makahaharap ko ang ginang. Bukod sa asawa rin ito ng isa sa kilalang business tycoon sa bansa ay aktibo rin ito sa mga kawanggawa. Palagi na’y naririnig ko ang kanyang pangalan sa tuwing may mga kalamidad.

Hindi agad ako nakahuma nang tumawag siya sa akin kagabi matapos ipakilala ang sarili. Naumid ang dila ko. Isang karangalan para sa akin ang matawagan nito bagama’t nagtataka noong una kung para saan at bakit. Kalaunan ay napag-alaman ko na nais niya akong kuhanin bilang interior designer para sa kanyang mansyon.

Napag-alaman ko rin buhat sa ginang na nakuha niya ang aking calling card sa kaibigang si Mrs. Alcazar. Na siya namang ibinigay ng huli ng walang pag-aalinlangan.

Nasabi ni Mrs. Lopez sa akin na namangha at nagustuhan niya ang aking desenyo sa mansyon ng mga Alcazar nang minsang madalaw ito sa amiga.

Hindi ko inaasahan ang papuri at appreciation na iyon na aaminin kong ikinaligaya ko dahil isang achievement para sa akin ang mapuri ang aking trabaho.

Anim na taon na akong nagtatrabaho bilang isang interior designer mula sa isang tanyag at matagumpay na real state sa bansa. Kailan man din ay hindi ko naisipang umalis sa unang kompanyang napasukan ko after college dahil masaya at friendly ang environment.

Good vibes din ang kapwa mga katrabaho ko at maging ang mga nakatataas. Iyon din naman kasi ang gusto ng presidente ng kompanya dahilan upang magtagal pa ako at hindi na maghanap pa ng iba. Idagdag pa ang maayos at magandang pasahod at benefits.

Subalit gayon pa man ay nangongontrata pa rin ako paminsan-minsan na labas sa kompanya gaya ng lang nitong kay Mrs. Alcazar at ngayon naman ay kay Mrs. Lopez. Gusto ko ring makapag-ipon pa.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan bilang pagsalubong sa ginang at pasimple ko ring inayos ang aking sarili.

“Carmina de Gracia, right.” nakangiting wika niya sa akin matapos siyang maihatid ng waiter patungo sa puwesto ko. Nasa kanyang tinig din ang kasiguraduhan na ako nga ang may-ari ng pangalang binanggit niya.

Ginawaran ko siya ng ngiti at tinanguan din. Ang mga ngiti ko ay hindi rin naaalis sa aking mga labi.

“Good evening, Madame.” bati ko at naglahad sa kanya ng kamay.

Agaran namang tinanggap ni Mrs. Lopez ang kamay ko kasabay rin ng pagdaop ng isa pa niyang palad sa likod ng aking palad.

Kaya lang agad ding napawi ang matamis kong ngiti nang mahagip ko ng tingin ang isang lalaki mula sa isang panig ng resto. Ang mga mata namin ay nagkasalubong.

Natigagal ako. Pakiramdam ko’y tumigil din sa pagpintig ang puso ko. Awang din ang mga labi na animo’y binuhusan ako ng isang timba nang malamig na tubig nang makilala ko ang pamilyar nitong mukha!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
702.4K
bc

Unloved by the billionaire

read
322.6K
bc

Pretty Man Series 1: Clayd Erl Villaraza

read
164.2K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
769.0K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
230.0K