Story By ERROL
author-avatar

ERROL

ABOUTquote
Hindi ako mahusay sa introduction at saka wala naman kainte-interesanteng bagay sa akin kaya bahala na si Batman. ? MGA GAWA: Caught in the Middle — COMPLETED After All — COMPLETED Nag-iisa Pa Rin — COMPLETED Secretly — ONGOING PARANORMAL HIWAGA (Kalipulan nang maiikling kuwento ng katatakutan) — ONGOING TWITTER: @anbuerrol INSTA: anbu_errol TIKTOK: erroldesu WATTPAD: @AnbuErrol YOUTUBE: https://youtube.com/@erroldesu_ (Kung tinatamad na po kayo magbasa ????????)
bc
Nag-iisa Pa Rin
Updated at Nov 22, 2022, 12:32
May kuwentong first love ka rin ba? Natatandaan mo pa ba kung ano ang pakiramdam ng una kang magmahal? Ang tamis ng unang halik, ang kilig sa tuwing hahawakan niya ang mga kamay mo at ang unang yakap na natanggap mo, malinaw pa ba sa puso't isip mo? Para kay Reyshan ibang-iba ang damdamin na naramdaman niya nang makilala niya si Hayden. Kahit bata pa sila noon, kahit wala pa silang muwang sa ganoong mundo'y sumugal sila. Nagmahal sila. Nakipagsapalaran sila sa pag-ibig. Subalit may tunay na pag-ibig nga ba sa murang edad? x x ❣️ x x Magaan lang po ito. Kung naghahanap po kayo nang kuwentong ganoon, heto po iyon. :) Kuwentong highschool crush po tayo. Hehe. Maraming salamat po agad sa mga magbabasa at mag-a-add nito sa kanilang library. Sana po ay maibigan n’yo. :)
like
bc
After All
Updated at Nov 13, 2022, 08:11
Mahina at duwag. Hindi ni Carmela akalain na magagawang ipamukha ni Jiro sa kanya ang dalawang salitang iyon. Na sa kabila ng tapang at lakas na ipinamalas niya sa ROTC upang maging isang ganap na opisyales nito ay isa pala siyang duwag at mahina—na pag-ibig at isang lalaki lang ang magpapatunay na hindi siya ang inaakala niya. Makalipas ang sampung taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas. At muli, ipamamalas nito sa kanya ang kaya nitong gawin—na pag-ibig at ito pa rin ang magpapatunay sa dalawang salitang pinangingilagan niya. x x x ❣️ x x x Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kuwentong nakalathala rito ay pawang mga kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay rito. Ang anumang pagkakatulad sa mga tao, buhay man o patay, o sa mga tunay na pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda. Ang anumang bahagi o kabuuan ng kuwento na ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda. Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari.
like
bc
Caught in the Middle
Updated at Jan 21, 2022, 08:48
STORY STATUS: COMPLETED Lahat na yata ng babaeng kasama nila Kiefer na nag-a-apply bilang future ROTC officer ay nakasundo at nakausap na ng binata-maliban lang kay Noreen. Palagi na lang siyang urong-sulong pagdating sa dalaga at maging ang kanyang pakikitungo rito. Lumipas pa ang mga buwan bago sila nagkapalagayan ng loob. Pero may malaking problema ang dalawa, nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa kahit hindi puwede. Bukod sa ipinagbabawal sa ROTC ang ma-in love sa ka-buddy ay may girlfriend si Kiefer. Kahit hindi rin alam ng binata kung ano na ba ang estado nila ni Pauline dahil halos dalawang taon na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Walang text, call o kahit sulat siyang natatanggap mula rito. Subalit hindi niya ginamit ang dahilan na iyon upang pagtaksilan ito. At batid din naman ni Noreen ang nangyayari sa relasyon ng dalawa pero hinayaan niyang itago na lang ang feelings para sa binata. Ayaw niyang makagulo at ayaw rin niyang makihati. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagpakita si Pauline na parang wala itong malaking kasalanan kay Kiefer. At ito na rin ang panahon na hinihintay ng binata upang pormal itong hiwalayan. Pero may malaking pasabog ang dalaga sa pagbabalik nito.
like