KABANATA 2

1307 Words
“Miss de Gracia?” may himig ng pagtataka sa boses ng ginang ng bigkasin niya ang apilyedo ko. “Are you alright?” Naramdaman kong umangat ang palad ng ginang sa aking bisig na kanina lang ay nakadaop sa likod ng aking kanang kamay. “Namumutla ka.” Maang, higit ang aking hininga at malakas ang pintig ng puso ko na muling napabaling ako sa kanya. Ang kanyang mukha ay kababakasan ko nang labis na pag-aalala habang nakatitig sa akin. Napalunok ako ng laway at pasimple ko ring binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng ginang. Nahihiya ako sa isiping naramdaman niya ang panginginig at pamamawis niyon. Huminga ako nang malalim at muling ngumiti sa kanya pagkatapos. Pinagtatakpan ang pagkabigla ko mula sa presensyang iyon ng lalaki. Ngayon ay nasagot na ang dahilan kung bakit kanina pa ako kinakabahan at ninenerbyos. Na kung bakit hindi rin ako mapakali at mapanatag. Iyon naman pala ay may taong hindi ko akalain na makikita ko roon matapos ang maraming taon. “Y-y-yes Madame, I’m fine.” tila kinakapos ako ng hangin nang tumugon habang kumakalabog din nang malakas ang puso ko. Pasimple ko muling sinulyapan ang lalaking wala yatang balak ihiwalay ang paningin sa akin, bagay na higit ko pang ikinanerbyos. Niyayanig na rin ng puso kong nagwawala ang buo kong sistema ngayon. Mabilis na muli kong ibinaling ang aking tingin sa kaharap nang mapansin kong nilingon ng ginang ang aking tinitignan. Napatikhim ako. “Have a seat, Madame.” inilahad ko ang kamay sa upuang katapat. Hindi ako inimik ng ginang bagkus ay ipinilig nito ang ulo at mataman akong tinitigan na tila ba sinusuri niya ako. Pasimple tuloy akong napalunok ng laway dahil doon. “Are you sure that you are okay?” Nahihimigan ko sa tinig niya ang pag-aalala at pagiging concerned sa kasalukuyan kong nararamdaman na parang isang ina sa kanyang anak. Dahil doon ay hindi ko tuloy mapigilang ma-miss bigla ang mama ko. Nginitian ko ang ginang, isang totoong ngiti sa kabila ng tinatambol na dibdib. “Yes Madame, I’m very much okay.” ani ko at inanyayahan na siyang maupo. Noon ko pa lang ulit nakitang sumungaw ang ngiti sa labi ni Mrs. Lopez bago siya napatango-tango. Lihim akong napahinga at nagpasalamat nang maupo ito at hindi na muli pang nag-usisa tungkol sa aking tinitignan, at batid ko ang pagtataka sa kanyang mukha kanina. “Shall we order first?” suhestiyon sa akin ni doña Consolacion Lopez. Tumango ako sa kanya bilang tugon. “Sure ma'am.” Tinawag ko ang waiter na naghatid sa akin kanina rito sa pinareserbang mesa ng ginang. Kaagad naman kaming inabutan nito ng tig-isang menu. Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong-hininga. At mas lalo kong nararamdaman ang kaba at nerbyos sa pagkakataong ito. Hindi ko rin alam kung madaraan ko pa ang lahat ng iyon sa buntong-hininga—pero mukhang hindi na yata. Nakikita ko na rin ang unti-unting panginginig ng aking mga kamay na siyang ikinakagat ko sa aking ibabang labi. Marahan akong huminga at tiningala ang waiter. Naramdaman ko pa ang pangangatal ng aking bibig nang magsalita ako kaya saglit akong tumigil sa pag-igting ng aking bagang. Sh*t! Kung hindi titigil ang lalaking iyon sa katititig sa akin ay baka kung ano na ang mangyari sa akin dito sa loob ng resto! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ipinagpatuloy ang naudlot kong pagsasabi ng aking order. Umayos ako sa aking pagkakaupo mula sa kanina ko pang pagpihit doon matapos kong maibalik ang menu sa waiter. Magmula nang mahuli kong nakatitig sa akin ang lalaki kanina ay mas higit pa akong hindi mapakali sa aking kinauupuan. Mas naging aware rin ako na may nakatingin at nanonood sa akin—lalo na sa isiping si Gino ang lalaking iyon! Idagdag pa na para bang inaagaw nito ang buong pansin ko na wari ba’y hinihingian niya ako ng isa pang sulyap. Hanggang sa kusa kong naibigay ang kanyang hinihingi. Nagtagpong muli ang aming mga mata sa gulat ko, nakatitig pa rin pala sa akin ang lalaki. Ngunit napansin kong may kasama na itong babae ngayon sa mesa hindi gaya kanina na mag-isa lang nito sa puwesto. Hindi ko mabatid kung bakit may dumaang kahugkagan sa dibdib ko sa kaalamang iyon. Maging ang kirot ay muling nagparamdam sa akin matapos ang napakaraming taon. Napatingin ako sa babae subalit hindi ko makita ng buo ang mukha nito dahil nakapuwesto itong patagilid sa aking gawi. At kahit hindi ko alam kung ano ba ang kabuuang hitsura nito ay batid ko namang hindi ito iyong tipo ng babae na basta-basta. Mukha itong mamahalin at may sinabi sa buhay. Wala sa hinagap na muli kong naibaling ang pansin sa lalaki na kahit may ibang kasama sa mesa ay nasa akin ang mga mata. Kahit kinakausap na rin ito mismo ng ka-date at sinasagot man ang kung ano mang mga sinasabi ng babae ay sa akin pa rin nakatuon ang buong pansin nito. Hindi ko lubos mawari kung bakit hindi ko maalis ang paningin kay Gino. Gaya pa rin ng noon, nananatili pa ring nakahihipnotismo ang mga mata nito na tila nawawala ako sa mga iyon. Inabot ng lalaki ang kopitang may lamang wine at sumimsim doon. Ang kanyang mga mata ay hindi pa rin inihihiwalay sa akin. Ramdam ko rin ang kanyang pagngisi sa rim ng kopita. Mabilis kong iniwas sa kanya ang tingin dahil tumitindi lang ang kabang bumubundol sa dibdib ko. Pilit na itinuon ko rin ang buong pansin sa kasama ko sa mesa nang magsimula na itong magsalita matapos sabihin sa waiter ang sariling order. Kahit hindi ko pa man nakukumpirma na si Gino nga ang lalaki ay ganito na ako kung sugurin nang matinding kaba. Na natatakot na rin ako. Napa-paranoid. Paano pa kaya kung siya na nga iyon? Na ito na nga ang araw na kinatatakutan kong dumating? Mas lalo akong kinabahan dahil sa sariling mga tanong. Ang totoo’y hindi ko kayang isipin na hahabulin at haharangin niya ako mamaya paglabas ko ng Manila Hotel. Aminado rin naman ako na matapos ang sampong taon ay hindi pa rin ako handa sa kanyang mga hinaing. Sa mga komprontahang mangyayari at gayon din sa mga sumbat na ibabato niya sa akin. Ano rin kaya ang kasalukuyan niyang iniisip? Balak? Napasinghap ako sa isiping iyon. Mariing ipinikit ni Carmela ang mga mata kasabay nang marahang paghinga nang malalim sa muling pag-alala sa gabing iyon. Hanggang sa mga sandaling ito ay iniisip niya kung tama bang si Jiro iyon? Kung si Jiro nga ang lalaking iyon ay pupurihin niya ang kakisigang taglay nito matapos ang maraming taon. Bumagay rin sa mukha at katawan ng lalaki ang mga nadagdag na edad. Mas naging lalaking-lalaki ang dating nito. Nakahinga siya nang maluwag nang unang umalis sa restaurant ang lalaki kasama ang ka-date nito. Pero aaminin niya sa sarili na may panghihinayang na bumangon sa kanyang dibdib at tila nabigo siyang muli. Ngunit may umusbong din na galit sa kanya sa kaalamang may iba itong kasama pero ang mga mata ay sa kanya nakatuon kahit pa kinakausap ito ng babae. Umigting ang kanyang panga. Hindi niya matalos na sa paraang iyon ay nagagawa nitong harap-harapang lokohin ang babae. Na pinili pa nitong paupuin ang ka-date sa kaliwang gawi nito at hindi sa mismong harapan nito. Napahinga siyang muli nang malalim matapos i-type ang huling kataga para sa kanyang update sa gabing iyon. H-in-ighlight niya ang buong isang kabanata na natapos at pinindot ang copy bago lumabas sa MS Word. Hindi niya mapigilan ang sarili na manggigil nang muli niyang ginalaw ang arrow at itinutok iyon sa chrome icon habang ang isip ay nananatili pa ring lumilipad kay Jiro at ng gabing iyon sa resto. Sa mga ngisi at mata nitong nakapukol sa kanya na hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa kanyang alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD