KABANATA 3

1744 Words
Sumalida ng tahip ang dibdib ni Carmela kasabay ng kanyang pagkagulat sa pagtunog ng notification sound galing sa nakabukas niyang account. Hindi rin niya alam kung gaano na ba siya katagal na nakatunganga roon matapos niyang i-publish ang isinulat sa isang kilalang writing platform. Nasapo niya ang dibdib at maang na nagbaba nang tingin sa chatbox na lumitaw. Kasalukuyang umaangat ngayon ang mga previous messages sa kanilang group chat ng mga dating ka-buddy sa ROTC dahil sa pagpasok ng chat ng noo'y kanilang assistant S4 na si Sembrano. MGA IBONG MANDARAGIT February 14, 2013 Jonah Mae Sembrano: Aniaman mga bok? Tuloy pa ba tayo sa Tapulao? Nanatiling nakatitig lang si Carmela sa message ng ka-buddy. Hindi niya alam kung sila lang bang dalawa ang kasalukuyang online sa kanilang GC dahil ilang araw nang naka-set na offline ang kanyang account. At hindi rin niya alam kung ano ang itutugon sa tanong ni Sembrano. Walang maisasagot sa tanong ni Joma, hinayaan niyang mabinbin ito roon sa kanilang chat room. Ngunit wala pang sandali'y pinasundan din ni Manapat ang chat nito. Rebecca Manapat: Oo nga, ano na ba ang balita? May bagong date na ba? Para naman ma-cancel ko na ang dapat kong i-cancel. Muli'y nagpasok nang panibagong chat si Sembrano sa GC matapos ang ilang sandali pa lang na pananahimik niyon. Jonah Mae Sembrano: Ang mabuti pa, sabihin na ninyo ngayon din na hindi na talaga tayo matutuloy para hindi na ako umaasa! Jonah Mae Sembrano: Masakit umasa! Tangina! Ramdam ni Carmela ang gigil at frustration nito ng mga sandaling iyon at sa mga nakalipas na araw dahil sa nangyayaring atrasadong-lakad. Iyong tipong handa ka ng lumarga pero bigla na lang mauudlot. Ang masama pa roon ay tila wala nang katiyakan kung matutuloy pa ba kayo o hindi na. Alam din niya na sa kanilang magkaka-buddy ay si Jonah ang pinakamahilig magliwaliw. Halos nalibot na nga yata nito ang Pilipinas dala ng kagalaan na mas lalo pang lumala noong nakatapos ito ng kolehiyo at nagkaroon ng stable job. Well, hangga't malaya ka nga raw at kumikita na ng salapi kasabay ng pag-iipon din ay maiging sulitin mo na raw ang bawat sandali hanggang sa mag-asawa ka. Kaya naman naiintindihan niya ngayon ang nararamdaman nito. Jonah Mae Sembrano: Alam n'yo ba na ang dami ng nag-aya sa akin na umakyat ng Tapulao pero tinatanggihan ko! Dahil kayo ang una kong gustong makasamang umakyat doon bago ang kung sino man! Ganoon ko kayo kamahal! Ganoon kayo kahalaga sa akin! Tapos… tapos ganito lang! :( Dagdag nitong drama sa kanilang group chat. Disyembre ng nakaraang taon pa pinag-uusapan sa kanilang GC ang tungkol sa pag-akyat ng bundok. Alala rin niya kung gaano kasabik ang bawat isa sa mga ito na maakyat ng sama-sama ang pinakamatayog na bundok sa kanilang lalawigan. Kaya naman bago pa sumapit ang bagong taon ay tuluyan ng nagkasundo ang lahat na ituloy na ang pinag-uusapan lang sa group chat sa unang buwan ng susunod na taon. Ngunit Pebrero na ay wala pa ring nangyayari sa napag-usapan. At duda siyang nasa kanilang batch ang problema kaya hindi matuloy-tuloy ang lakad. Dahil kung sila lang, Enero pa lang at sa tamang petsang napagkasunduan ay nakalarga na sila. Pero hindi. Jonah Mae Sembrano: Parang awa n'yo na. Nangongonsensya na ako ngayon, makonsensya naman kayo! :'( Randolph Vasquez: Mga hoy! Galang-gala na itong si S4! Nangangati na ang talampakan, galaw-galaw naman d'yan! President?! Luigi Arkanghel: Kami nga rin ni misis galang-gala na eh! Ano na?! Rebecca Manapat: Hintayin na lang natin ang reunion! Mukhang wala na talagang pag-asa 'tong letseng hiking na 'to! Rebecca Manapat: Pausog nang pausog ang buwan! Ano'ng petsa na! Serina Alajar: Relax lang mga gunggong! Tuloy na tuloy pa rin tayo! Dahil hindi uso sa atin ang salitang drawing! Kailan ba tayo nagkaroon ng lakad na hindi natuloy? Wala naman 'di ba?! Kung mayro'n man, lapag mo nga, Sembrano! Jonah Mae Sembrano: Bakit, may sinabi ba ako na naging drawing ang isang lakad natin noon?! Makapagsalita ka riyan ah, parang may sinabi ako! Nagtatanong lang naman ako dahil noong December pa tayo nagplano pero second week of February na wala pa ring usad! Paanong hindi magrereklamo! Jonah Mae Sembrano: ITO! Kung ito hindi matutuloy, ito na ang drawing! Ngayon, alam mo na?! Ang init na naman kasi ng ulo mo eh! Kaya pati ulo ko nag-iinit na rin tuloy! Randolph Vasquez: Ops! Damian Corales: Tama na nga 'yan! Para kayong mga bata! At saka huwag kayong mag-alala, tuloy na tuloy pa rin tayo. Sadyang may mga hinihintay lang talaga kaya naaatrasado! Serina Alajar: See! Si EX-O na ang nagsabi. Letse naman kasing mga paimportante! Randolph Vasquez: Uh-huh! Ipabasa ko nga kina sir 'yang sinabi mo. Maletse mo pa kaya? Hmm... Serina Alajar: Sige! Subukan mo nang masupalpal kita! Ang kanilang mga dating first and second class officers noong mga COQC pa lang sila sa ROTC ang tinutukoy ni Randolph. Ang mga ito rin ang makakasama ng mga ka-buddy niya na aakyat sa Tapulao maliban sa isa pang grupo na sa kanyang pagkakaalam ay dati ring mga product ng kanilang batch. Pero ang orihinal lang talaga ay sila lang. Aywan ba niya kung paano nadawit sa pag-akyat ang tatlong batch. At hindi niya alam kung maaaring may kinalaman ba ang pagdagdag ng tatlong grupo sa naatrasadong lakad. At kung tutuusin din ay hindi niya matatawag na kanya ang huli sapagkat hindi na niya naabutan pa ang mga ito sa unit at gayon din naman ang mga ito sa kanya. Dahil matapos ang kanyang first semester sa ikalawang taon niya sa kolehiyo noon ay walang paalam siyang umalis sa kanilang bayan upang lumimot at takbuhan ang lalaking nanakit sa damdamin niya. Na kalaunan ay napagtanto niya na isa pala siyang mahina at duwag. Mariing naipikit ni Carmela ang mga mata at marahang huminga. Kung maaari lang sana ay ayaw na niyang alalahanin pang muli ang mga nangyari sa nakalipas na sampong taon. Dahil muling namumuo nang paulit-ulit sa isip niya ang mga tanong na puro nagsisimula sa 'paano kung' at 'ano kaya ang nangyari kung...', at pagkatapos no'n ay muling ipamumukha sa kanya ng sarili kung gaano siya kaduwag. Iminulat niyang muli ang mga mata at itinunghay iyon sa kanilang group chat. At habang pilit na hinuhuli ng mga mata niya ang usapan sa GC ay hindi ni Carmela mapigilang mapangiti habang nahahagip ang asaran ng mga ito. Kahit taon na ang lumipas, nag-asawa na ang iba at may anak na rin, wala pa ring nagbago sa kung ano at paano sila noon. Rebecca Manapat: Ito 'kamong si Alajar akala mo lagi na lang naghahanap ng gulo eh. Luigi Arkanghel: Pinainit kasi nitong si Joma ang tuktok kaya ayan! Jonah Mae Sembrano: Pinainit ko man o hindi ang tuktok niyan lagi naman 'yang high blood! Parang hindi pa kayo sanay sa isang 'yan! Stefano Hernaez: Tuktukan ko 'yan eh! Randolph Vasquez: Ang sarap ding sampigain 'no! Serina Alajar: Manahimik ka riyan Vasquez at baka ikaw ang masampiga ko! Serina Alajar: Eh, kung ikaw kaya ang tuktukan ko, Hernaez! Ma-take mo kaya?! Romano Bien: Ba't, ano ba'ng gagawin? Serina Alajar: Aakyat nga sa Tapulao! Alangan namang lalangoy tayo eh, bundok 'yon! Anyakoy na 'yan, Bien! Magbasa ka ngang ungas ka! Serina Alajar: Kung nais mo, kapag malapit na tayo sa tuktok ng bundok, itulak kita pababa! Ayon dive mo 'yon! Para feeling mo nasa beach ka 'di ba? Romano Bien: Ha... Serina Alajar: Ang sabi ko, sasampigain talaga kita kapag nakita kita! Napailing na napabuntong-hininga na lang si Carmela sa walang kupas na Alajar. At mukha ring unti-unti na namang magiging online ang mga ito dahil nadagdagan ang nasa chat room. Na-trigger yata sa pagdadrama ni Sembrano. Ipinilig niya ang ulo at sinimulang iwaksi sa isip ang mga alaala niya kay Jiro ng muli iyong lumitaw sa isipan niya. Pinilit niyang itinuon ang isipan sa kanilang magulong group chat upang kahit paano ay aliwin ang sariling binubulabog ng kanyang nakaraan. Jonah Mae Sembrano: Hay. Nagtanong lang naman kami ni Becca regarding sa Mt. Tapulao 'tapos kung saan-saang lupalop na tayo napunta ah. Ang tinutukoy nito ay ang puro maberdeng usapan na mas naging sentro na ng topic ngayon sa kanilang GC. Jonah Mae Sembrano: Kung alam ko lang na nakaka-trigger pala ang pagtatanong namin at pangongonsenya ko sana ay hindi na pala kami nagtanong. Luigi Arkanghel: Ikaw talaga ang salarin dito Joma! Haha. Alessandro Madrigal: Kaya nga! Si Joma ang may sala! Hahaha. Jonah Mae Sembrano: Haist! Napangiti lang naman si Carmela habang sige pa rin sa pagbabasa ng mga messages sa kanilang group chat. Serina Alajar: B'wisit ka, Madrigal! Kailan ka pa natuto mangbuwisit? Humanda ka sa 'kin! Sisiraan kita kay Penpen de Sara Pen! Jonah Mae Sembrano: O, Dios ko! Natawa si Carmela habang nakapangalumbaba at sinusundan ang medyo bumagal na na pag-angat ng previous messages. Dama rin niya ang reply ni Joma at animo'y literal niya itong nakita na napa-facepalm. Damian Corales: Tamang tawa lang habang nagbabasa. Hehe. Serina Alajar: Saglit nga lang. Nasaan na nga pala 'yon si Miss Universe? Online na tayong lahat pero siya wala pa rin! Pinagod mo na naman ba, Madrigal? Inaaraw-araw at gabi-gabi mo yata 'yang misis mo! Alessandro Madrigal: What the f*ck?! Romano Bien: Shet mga bok! Ito yatang si Alajar ang totoong tigang eh! Hahaha! Stefano Hernaez: Tangina nitong si Alajar. Nakaligtaan mo na naman bang inumin ang gamot mo?! Rebecca Manapat: Mga gago 'to! :D Unti-unti'y napawi ang masayang ngiti ni Carmela at nahalinhinan iyon ng lungkot. Na-miss niya bigla ang mga ito lalo na sa mga ganoong tagpo kapag magkakasama sila. Matagal-tagal na rin ng huli niyang nakasama ng buo ang mga ka-buddy o kahit ang isa sa mga ito. At damang-dama niya ang matinding pangungulila sa mga dating kasamahan sa ROTC. Sa mga taong itinuring niyang hindi na iba sa kanya. Mga taong itinuring niyang kapatid sa ibang magulang. Kung sana ay maaari lang niya ibalik ang lumipas disin sana ay hindi siya nakararamdam ng kakulangan. Na hindi niya kailangang umiwas at tumakbo. Na kung hindi sana dahil sa kaduwagan niya ay hindi nadamay ang mga ito. Naiisip niya minsan kung paano nga kaya kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na komprontahin si Jiro noon? Okay kaya siya ngayon? Ang damdamin niya, maayos kaya? Kung oo siguro'y hindi niya mararamdaman ang kakulangan sa buo niyang pagkatao sa loob nang maraming taon. Napasinghap siya. Hindi namalayang nanunubig na pala ang gilid ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD