KABANATA 4

1511 Words
Napapitlag sa gulat si Carmela nang muling tumunog ang chat sound kaya napababa ang kanyang tingin sa nakalitaw na GC. Ang layo na naman pala nang narating ng isipan niya. Manuel De Vera: Ikaw ba, Sec? Hindi niya alam kung ano ang tinatanong ni De Vera kaya binalikan niya ang dalawang nauna na pala nitong mensahe para sa kanya sa group chat. Manuel De Vera: Hoy! Alam kong kanina ka pa naka-online, Garcia! Serina Alajar: Hay nako! Hindi ka pa ba nasanay diyan, De Vera? Simula nang masali 'yan dito sa GC, iilang beses lang yata 'yang nag-chat dito! At karamihan pa sa mga 'yon ay sagot lang kapag tinatanong s'ya! Pambihira! Ayaw yata tayong kausap nitong si Garcia! Serina Alajar: Ano, remove ko na ba? Tutal ako naman ang nag-add sa kanya, ako na rin ang mag-remove! Kaysa naman display lang! Hindi naman sa ayaw niya makipag-usap sa mga ito. Mas nag-e-enjoy lang talaga siya sa pagbabasa sa kanilang group chat. Laking pasasalamat na nga rin niya na kahit hindi siya nakasama ng mga ito hanggang sa dulo ay walang nagbago sa pakikitungo ng mga ka-buddy sa kanya. Na ganoon pa rin sa dati ang samahan kahit hindi siya naging isa sa alumni ng kanilang batch. Kahit nasali ang mga ito sa iniwan niya ng walang pasabi noon. Hindi niya minsan alam kung bakit pagdating sa mga ito ay nagiging emosyonal siya, siguro'y ng dahil din sa pangungulila. At dahil din kay... Jiro. O baka naman nakokonsensya siya dahil isa rin ang mga ito sa walang babala niyang iniwan noon? Nagsimula siyang magtipa ng magiging reply para kay Manuel. Hay. Serina talaga! Lara Ela: Gusto ko rin sana kaya lang busy eh. May kasalukuyan din kasi akong tinatapos na project. Totoo naman ang kanyang sinabi at hindi siya nagpapalusot lang. Talaga rin namang nais din niyang sumamang umakyat dahil matagal na niyang gustong gawin iyon. Nakakainis nga lang at palaging sumasakto ang yayaan kung kailan naman may tinatapos siyang trabaho. Serina Alajar: Palagi naman! 'Yan na lang lagi ang excuse mo! Wala ka bang bago riyan? 'Yong kapani-paniwala naman! Lara Ela: Ba't ang bad mo na sa 'kin? You know, we used to be so closed. What happened now, Rina? :( Serina Alajar: Huwag mo 'kong dramahan, Garcia! Romano Bien: Sus! Ang sabihin mo, nami-miss mo lang si Carmela! Serina Alajar: Manahimik ka! Rebecca Manapat: Engineer, iba naman na kasi ngayon. Ganyan din talaga kapag career woman! Masyadong busy at wala ng time para sa ibang bagay! Parang ikaw naman hindi ka rin ganyan minsan! Kaya ka nga hindi nagkaka-boyfriend kasi puro ka work! Lagi mo na lang dinidibdib ang mga trabaho mo. Randolph Vasquez: Nasapol mo, 'Becca! Haha. Serina Alajar: Eh paano ko namang hindi didibdibin, Rebecca? Malamang na didibdibin ko dahil may dibdib ako! Natawa si Carmela. Mas lalo tuloy niyang na-miss si Rina! Rebecca Manapat: Hay. Ewan ko na sa 'yo, Alajar! Malala ka na! Basta, I miss you, Carm! Lara Ela: I miss you too, Becca! :) Jonah Mae Sembrano: Basta ha, sa reunion! Pumunta ka Carmela! Hihintayin ka namin! Huwag kang mawawala! Umuwi ka! Dahil holy week naman 'yon. Miss na miss ka na namin. Ang tagal na rin noong huli tayong nagkasama-samang lahat! I miss you, Sec! Mwa! Lara Ela: Oo ba, Joma! Pupunta ako no'n. Bukod sa gusto ko ring marating ang Bacala Guest House, missed ko na rin kayong lahat! Miss you too, Joma! :) Lara Ela: I miss you so much too, Rina! :) Luigi Arkanghel: O, I miss you so much daw Alajar! Kami bang mga boys, wala? Hehe. Lara Ela: Siyempre, I miss you too, boys! Serina Alajar: Hmp! Aywan ko ba rito kay Garcia kung ba't parang dinaig pa ang mga nag-abroad kung makaasta! Nasa Pilipinas lang naman! Ilang oras lang din naman ang byahe mula Maynila to Zambales pero hindi ko alam kung ba't hirap na hirap lumuwas pauwi! Serina Alajar: Alam mo, Carm, kung natatakot ka na magtagpo kayo ni Jiro dito sa Zambales, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na h'wag kang mag-alala! Dahil 'yong taong matagal mo ng iniiwasan ay hindi mo na rito makikita! Dahil matagal na siyang wala rito sa Pinas! Serina Alajar: Sinabi 'yan mismo sa akin ng intel ko. At matagal ko na ring alam na siya ang dahilan ng lahat ng excuses mo! At kung bakit ganyan katipid ang pangalan mo sa kahit saang social media na gamit mo! Serina Alajar: At p'wede ba Carm, tigilan mo na ang kung ano man ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon? Mag-move on ka na! Ikaw na lang yata itong na-stuck sa nakalipas n'yo! It's been ten years! TEN F*CKING YEARS! Napamaang si Carmela sa mahabang litanya ni Serina. Hindi niya inaasahan iyon. Napansin pala nitong lahat ang mga palihim niyang dahilan kung bakit hindi siya madalas nakakauwi ng probinsya. At kung bakit kahit may malaya siyang oras ay hindi siya sumasama sa mga lakad ng kanilang grupo. Bigla'y lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Kinakabahan siya sa isiping magkakaroon na ngayon ng ideya ang kanilang mga ka-buddy kung bakit hindi siya nakaka-oo sa lahat ng gala nila. Hindi niya aakalaing sa sobrang badtrip sa kanya ni Alajar ay masasabi nito iyon sa kanilang GC. Pero totoo rin naman ang ibang excuses niya katulad na lang ngayon. Subalit natatakot at kinakabahan pa rin talaga siya sa maraming dahilan. Na baka dahil doon ay magsimulang manlamig ang pakikitungo ng iba niyang mga ka-buddy sa kanya, bagay na ayaw niyang mangyari. Hindi rin naman niya masisisi si Rina, malamang din ay napuno na ito sa kanya. At kung tutuusin ay malaki rin ang kasalanan niya sa mga ka-buddy. Hindi na rin tuloy niya alam kung ano ang ire-react dahil magpahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makahuma. Ni hindi nga niya alam kung lilitaw pa ba siya sa kanilang group chat o hindi na. Pero kung hindi naman ay magmumukha siyang guilty. Nanginginig ang mga kamay ni Carmela buhat sa pag-aalinlangan kung mag-re-reply pa ba siya o hindi na lang. Nag-uunahan sa isip kung paano babasagin ang mahabang katahimikan na binuo ni Serina. Napalunok siya ng laway at mariing napapikit. Hindi makapagpasya. Mahaba-habang sandali pa ang lumipas bago may lumitaw muli sa GC. Romano Bien: Sa letrang B! Araw ng mga puso, kuskusan ang kanilang mga nguso! Hahaha! May bumingo na ba?! Serina Alajar: Ikaw! Malapit ka na ring bumingo sa 'kin! At alam ni Carmela'ng bumingo na siya sa mga ito at hindi lamang kay Rina. Natigilan siya sa paglalakad palapit sa pinaghimpilan niya ng kanyang sasakyan nang maramdamang tila may isang pares ng matang nagmamasid sa kanya. Nagpalinga-linga siya. Pasimpleng hinahanap ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. Hanggang sa nagtagpo ang kanilang mga paningin. Napatda siya at natigil sa ere ang pagsinghap. Mula sa kabilang kalsada ay naroon at nakatayo ang lalaking kung hindi siya nagkakamali ay ito rin ang lalaki sa resto ng Manila Hotel isang buwan na rin ang nakalipas. Sa pagtatama ng kanilang mga paningin ay dama niya ang tiim ng titig nito hanggang sa kanyang kaluluwa. Katulad pa rin ng dati. Subalit hanggang sa mga oras na iyon ay nagtatalo pa rin ang loob niya kung si Jiro ba talaga iyon o hindi. Naipilig niya ang ulo at mabilis na iniiwas ang tingin nang mapagtantong kanina pa magkakonekta ang kanilang mga mata. May pagmamadali rin sa kanyang mga kilos na inilang hakbang ang kanyang sasakyan at gayon din sa pagbubukas ng pinto sa driver's seat. Hindi rin niya maunawaan ang sarili kung bakit natataranta siya na naging dahilan ng pagkakabalya niya pasara sa pinto. Na kahit ang mga pinamiling babaunin sa byahe kinabukasan ay halos ihagis din niya sa katabing upuan. Mahigpit na napakapit siya sa manubela at naiyukyok ang ulo roon. Mararahas ang kanyang paghinga at nanggigigil siyang hindi niya mawari. Napahinga siya nang malalim habang pilit na kinakalma ang sarili nang umahon mula sa pagkakayukyok. Sa nagtatagis na bagang ay walang babala na nilingon niya ang lalaki mula sa tinted na bintana ng kanyang kotse. Subalit wala na ang lalaki sa kinatatayuan nito kanina. Nanghihina na napasandal siya sa upuan. Mabilis pa rin ang pagtaas-baba ng dibdib na mariing ipinikit ang mga mata. Naisip niyang hindi naman marahil si Jiro iyon. Dahil kung oo man, dapat ay tinawid na nito ang kanilang pagitan kanina pa. Na noong una silang nagkita sa restaurant ay nilapitan na siya nito—pero hindi! Nakatitig lang ito sa kanya mula sa malayo! Malakas na nahampas niya ang manubela sa labis na inis. Ang mga mata ay walang pasubali na naglabas ng luha. Naiinis siya sa isiping si Jiro man iyon o hindi, wala pa ring nagbago! Ang mga damdamin niya para dito noong mga teenager pa lang sila ay naroon muli. Nabubuhay makalipas ang sampong taon! "Sh*t!" Malutong na murang nanulas sa kanyang bibig. "Sh*t!" Nahampas niya muli ang manubela at mahigpit nang napahawak doon. Lumuluha. Bakit pakiramdam niya ngayon ay siya pa itong may matinding kasalanan sa kanilang dalawa? O baka siya ngang talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD