Nagsimulang tumugtog ang live band mula sa pangunguna ng social media sensation band na Augustus Girls na binubuo ng apat na babae sa pagtatapos ng entourage. Pumainlalang sa ere ang awitin ni Cher at Peter Cetera na After All mula sa tinig ni Kyla habang ka-duet nito si Kiefer ang ka-buddy ng ex-boyfriend nito na si Mike. Animo'y slow motion na bumukas ang gate ng resort at lahat ng invited sa kasalan na iyon ay masaya at excited na hinihintay si Carmela upang masilayan. Naluluha naman na nakatanaw si November sa bestfriend niyang napakaganda sa suot nitong wedding gown. Magkasalikop din ang kanyang mga kamay habang ang baba ay nakapahinga sa ibabaw niyon. Masayang-masaya siya para kay Jiro at Carmela. Na matapos ang lahat nang nangyari ay ang dalawa pa rin ang nagkatuluyan. Nalinaw n

