PROLOGUE
Naglalakad lang ako dito sa dalampasigan ng biglang may na hagip ang mga mata ko. Isa iyong malaking bato sa di kalayuan sa tinatayuan ko.
At sa mismong bato, ay may naka patong na parang isang kahun kulay pula ata iyon.
Lalapitan ko na sana iyon para makita kung ano talaga iyon ng biglang mayl sumigaw sa pangalan ko.
"Herleigh!" Sigaw sakin ni Yuki. Kaya tumingin agad ako sa kanya.
"Ano yon Yuki?" Sagot na tanong ko. Kaya tinapunan ko muna ng tingin ang bato sa di kalayuan ng dito sa dalampasigan.
Wait asan na yon? Bakit nawala yong bato at kahun sa gitana? Sabi ko sa isip na medyo nag taka din.
"May problema ba Herleigh? Para kasing may hinahanap ka?" Tanong niya.
"W-wala naman namalik mata lang ata ako." Sabi ko.
"Ahh ganon ba. Sige tayo na doon sa loob." Sabi niya kayat tumango lang ako.
Ano kaya yong nakita ko? Guni-guni ko lang ba yon lahat at di totoo? Pero parang totoo lang kasi yong nakita ko kanina.
"Uyy! Herleigh!" Tawag sakin ni Yuki. Nandito nga pala kami sa loob ng resort house namin at tumabay sa living room.
Nung tinawag ako ni Yuki saka lang ako na balik sa malalim kong iniisip.
"B-bakit?" Tanong ko at nautal pa ako kaya naka kunot-noo nila akong tinignan.
"Alam mo ba kanina kapa namin tinatawag pero di ka naman sumasagot." Sabi nila na halatang tinatawag ako kanina.
"Ahh sorry may iniisip lang kasi ako." Sabi ko.
Di kasi mawala sa isip ko yong nakita ko kanina. Like sabi nga nila curiosity can kill people. Ewan ko ba parang gusto ko talaga malaman kung totoo ba yong nakita ko kanina.
"Herleigh!" Tawag ulit nila. Nako po na space out na naman ako.
"P-po?" Tanong na sabi ko at ngumiti. Hehehe parang galit na mukha nila ah.
"Ano ba kasi yang iniisip mo ha?" Sabi ni Shanna so I deeply signed.
"Eh kasi naman may na kita ako kanina na di ko din alam kung totoo. At yon nga di na mawala sa isip ko kung ano yon." Sabi ko. Nag tinginan naman sila sa isa't isa bago tumawa. Seriously kaya ayuko mag share sa kanila eh.
"Sorry di lang talaga ma pigilan. Nakakatawa naman kasi yong sinabi mo." Sabi ni Yona habang tumatawa. Ano ba nakakatawa don sa sinabi ko?
"At ano naman nakakatawa?" Sabi ko and I wear my poker face. Kaya sumeryoso naman agad sila.
"Eh kasi naman kanina ka pa space out tas iniisip mo lang pala yong walang kwintang bagay na nakita mo. Akala pa namin may nangyaring masama sayo kayat space out ka." Sabi ni Kashi. Umirap lang ako sa sinabi nila.
"Palibhasa di n'yo yon nakita kayat ganyan kayo kung makatawa." Sabi ko at nag pout pa.
Haysst nag iisip na ako kung tunay ko ba tong mga kaibigan eh. Hehehe joke lang. Kasi syempre mahal ako ng mga to.
"Mabuti pa na kumain na lang tayo at para makapag pahinga ka na din." Sabi ni Nash. Kaya tumango na lang ako.
Di pa rin nakalimotan yong nangyari kanina. Ewan ko talaga eh, pero kanina parang tinatawag ako don.
Kayat Dito na kami sa dinner room para kumain. Parang sobrang sarap ng mga pagkain ah.
Kumakain lang ako ngayon ng biglang may na hagip ulit ang mga mata ko sa labas ng glass door malapit sa dinner room.
"Guyss! M-may nakita ako sa labas. N-na maliit lumilipad ata. A-at umiilaw pa." Sabi ko habang tinuturo yong labas ng glass door. Tumingin sila sakin isa-isa. May problema ba sa sinabi ko? Bakit ganyan sila kung nakatingin?
"A-anong meron? B-bakit ganyan tingin n'yo sakin?" Sabi ko at kinakabahan sa magiging sabihin nila.
"Herleigh! Wala kaming nakita sa labas. At di namin alam kung tinatakot mo lang ba kami o totoo yong nakita mo." Sabi ni Nash. Pero nakita ko talaga yon eh.
_____
Nung matapos na kaming kumain ay agad na ako pumunta sa kwarto ko para matulog. Di na sila umangal kasi sabi din nila kailangan ko na rin matulog. Kasi baka kulang lang ako sa tulog kaya nakikita ko yong mga sinasabi ko kanina.
_____
Bigla na lang ako nagising ng parang may umiilaw sa harap ko kayat napa mulat ng kaunti ang mata ko dahil sa ilaw. Lumaki lang yong pagbuka ng mata ko dahil di na masyadong masakit ang ilaw nito.
Nakita ko ulit yong maliit na bagay na lumilipad kanina. Lumipad siya palabas at parang sinasabi niya sakin na sundan ko siya. Kaya ginawa ko naman iyon at dinala ulit ako sa dalampasigan kung saan ko nakita yong bato.
Bigla din may lumitaw na bato ulit sa gitna kagaya lang na kita ko kanina. Kaya tinignan ko ulit yong lumilipad na bagay na papalapit don sa bato at parang sinasabi sakin na lumapit din ako doon.
Nung lalapit na ako bigla ako na mangha sa nangyari. Kasi naglalakad lang ako sa tubig.
Nung makalapit na ako ay nakita ko yong red box at binuksan ko iyon. May lamang itong sing-sing. Wedding ring ata yon.
Sinuot ko ang sing-sing kasabay ng pag lubog sa bato ay lumubog din ako. Naramdaman ko na lang ang tubig sa aking katawan. Sinubokan kong umahun kaso patuloy lang ako sa paglubog ng biglang mag dilim ang aking paningin.
____
Nagising na lang ako sa isang malambot na kama. Kaya inikot ko ang aking paningin at nakita ko ang sobrang ganda na silid.
"Asan ako?" Tanong ko sa sarili ng maka upo na sa kama.
"Andito po kayo sa inyong silid milady." Sabi niya at yumuko sakin. Parang magkasing edad lang kami nito.
Tumayo ako at inalalayan din naman niya ako.
"Milady kaylangan n'yo na po mag handa dahil pinapababa na kayo ni milord para kumain." Sabi nito habang ina-alalayan ako.
Sino naman yang milord na sinasabi nito? At asan ba ako? Ba't wala din dito yong lumilipad na bagay? Mga tanong ko sa isip.
Lumipas ang ilang minuto ay bumaba na ako at pumunta kung saan daw nag hihintay yong milord niya.
"Milord andito na po si milady." At yumuko ito sa kaharap na lalaki.
Hmm. Matangus ang ilong nito at mapupula ang labi at makisig din ang pangangatawan nito. At sobrang gwapo niya as in lalo na pag tumitig sayo yong ocean blue eyes niya para ka talaga malulunod sa mga titig niya.
"Sit." Tipid nitong sabi. Kaya umupo din ako ka agad.
Tahimik lang kami dito kumakain. At nung natapos siyang kumain ay umalis na siya at wala man lang sinabi na kung ano.
Ano kaya magiging buhay ko ngayon? At ano bang klasing lugar to, kung panaginip man to sana magising na ako. Gusto ko na kasing umuwi sa kanila and I miss them na.