Chapter 2

538 Words
Alyssa Cassie Masangcay's POV Umaga palang ay naghintay na kami ng dalawa kong kaibigan dito sa MOA arena para sa gaganaping Audition, para sa bagong show ng Channel 3 na Ladies Got Talent. Kahit gutom na kami ng mga kaibigan kong sina Niina at Gail ay tiniis namin dahil ayaw naming maunahan kami sa pila. Gustong-gusto kasi talaga naming makasali doon at para sumikat na kami. Pangarap talaga naming magkakaibigan ang sumikat. "Gutom na ako Sis" ang sabi ni Niina habang may pahawak-hawak sa tiyan effect pa siyang nalalaman na kala mo ay tatlong araw ng di kumakain. Myghad! Kahit kailan talaga ang babaitang ito tiyan nalang niya iniintindi niya kaya siya tumataba eh. Hindi naman sobrang mataba si Niina, Chubby lang talaga siya. "Naku Sis, malapit ng mag 9:00am at mag si-simula na ang audition" ang sabi naman ni Gail tumayo pa ito galing sa upuan niya. Nakapamewang pa ‘to habang nagsasalita. Kung ano naman ang taba ni Niina ay ‘yon naman ang payat ni Gail. Sobrang payat ni Gail na para bang isang sinok nalang, siya ang mataray sa aming lahat akala mo naman kagandahan. "Haysss" napabuntong hininga ako. "Naku Girl, wag na nga kayong magtalo diyan, tama si Gail Niina malapit na ang audition baka mamaya makuha pa ang pwesto natin, ilang oras nalang oh tignan mo yung nagbibigay ng numbers malapit na, mamaya pag may number na tayo kakain muna tayo Niina" ang sabi ko. "Ano? Kampi kana naman kay Gail? Alam ko naman eh! Lagi naman eh" Ang sabi niya sabay pouty lips at sad face akala mo naman bagay sakanya. "Yes naman Niina ganun talaga pag magaganda at sexy dapat kampihan diba Sis?" Pagyayabang ni Gail sabay tingin sakin at parang sinasabing sumang-ayon ako sa sinasabi niya. "Bakit maganda kaba?" pambabara ni Niina sa sinabi ni Gail. Natawa nalang ako sakanilang dalawa. "Naku tumigil na nga kayo, nakakahiya oh, ang ingay niyo!" Buti nalang tagala ay may sound system dito kung hindi bunganga nalang ng dalawang kasama ko ang dinig ng mga taong nandito. "Ang ingay no?" Pagpaparinig nung isang babae sa likuran namin, habang hawak-hawak niya yung Iphone niya, dual sim naman duh! "Tumigil na kayo ayan na yung babae sa likuran natin naiinis na sainyo!" Saway ko sa kanila Gail at Niina. Hindi parin kasi sila tumitigil sa pagtatalo. "Baboy!" "Maganda naman!" "Mas magan... "Naku ang ingay-ingay talaga mygosh! Pareho lang namang panget nagtatalo pa" Pagpaparinig ulit nung babaeng feelingerang echoserang frog! "Anong sabi mo?! Pinaparinggan mo ba kami?!" Malakas na sabi ni Gail nakaharap na siya ngayon dun sa Girl sa likuran namin at nakatayo ito. "Natamaan kayo? Mygosh na gets niyo din, kanina ko pa kayo pinaparinggan actually" Malanding sabi niya sabay tayo niya sa kina u-upuan niya. Magkaharap sila ngayon ni Gail. Tumayo na din kami ni Niina at pumunta sa likuran ni Gail. Nagtinginan na samin ang mga tao. "Kung makapag parinig ka kala mo kagandahan ka huh?!" Malakas na sabi ni Gail habang galit na galit na nakatitig dun sa Babae. "Well mas maganda naman talaga ako, Compare to you, you and y... Napahinto niya natuloy ang sinasabi niya dahil sinampal s‘ya ni Gail. "Oh my gosh!" sigaw nung Babae sabay hawak niya sa mukha niya. Namula ang mukha nung Babae. "Go Gail!" Sigaw ni Niina "Wahhhhh!!!” Sasampalin sana nung babae si Gail ng biglang may humawak sa kamay nung Babae. Nagulat kami kung sino yung umeksena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD