Krisha Penincillon's POV
Sa wakas at nakarating na din kami sa MOA Arena nila Ariel at Mariel.
Kanina pagbaba namin ng Bus, kumain muna kami sa isang Fast food chain gutom na din kasi ako, kape at tinapay lang kasi ang kinain ko kanina sa bahay bago mag biyahe.
Para namang matagal na kaming magkakaibigan nila Ariel at Mariel kahit ngayon lang kami nag ka-kilala.
Sobrang daldal talaga ni Ariel kumpara sa kakambal niyang si Mariel.
Pero ang sabi ni Ariel iba daw magalit si Mariel may pagka Amazona daw kasi ito, parang isang mabangis ni Leon kung magalit.
Tinignan ko naman ang relo ko. Malapit na palang mag alas-nuebe.
Alas nuebe kasi mag-i start ang audition.
“Krisha! Look may away duh oh” Ang sabi ni Mariel habang tinuturo ang isang grupo ng mga kababaihan na naka lupong.
Napansin ko naman na may away nga.
Para namang namukhaan ko yung Girl na nakikipag-away.
Tama siya nga yung babae kanina sa Bus
“Hoy Panget wag ka ng umasang makukuha ka dun sa Ladies Got Talent kasi hindi yun Lady's Got Panget!”
Muli kong na alala yung sinabi niya kanina dun sa Bus.
Lalapit sana ako ng biglang akong pigilan ni Mariel.
“Let me handle this” Ang sabi ni Mariel at naglakad siya palapit dun sa g**o.
Inakbayan naman ako ni Ariel at tinignan niya ako sabay taas nya ng dalawa niyang kilay at ngumiti ng bahagya.
Sumunod kaming dalawan ni Ariel kay Mariel papunta dun sa mga nag-aaway.
Hanggang makarating na nga kaming tuluyan dun sa mga nag-aaway.
Sasampalin sana nung Girl yung isang Girl ng biglang hawakan ni Mariel ang kamay nung Girl.
“At sino ka naman?!” Iritang tanong nung Girl.
Napatingin naman samin yung Girl at mukhang namukhaan kami.
“Kayo?!” Sigaw niya
“Oo kami nga!” Ang sabi ni Mariel sabay ngiti niya na nakakaloko dun sa Girl.
“Arrrgh! Bitiwan mo nga ako!” Ang sabi nung Girl kay Mariel.
“Sa susunod wag ka ng mang-away ah! Bawas-bawasan mo yang katarayan at kaartehan mo! Hindi mo bagay, hindi ka maganda!” Malakas na sabi ni Mariel
Nagtawanan naman ang ibang kababaihan na nanunuod sa eksena.
“Bakit magaganda ba kayo?! Mas maganda ako sainyo mygosh! Look at yourselves!” Maarteng sabi niya at tinaasan niya ng kilay si Mariel.
Bigla naman may lumapit na Apat babae sa amin.
Nagtawanan ang mga ito at pinaikutan kaming Pito.
“Look girls who's fighting!” Ang sabi nung isa na parang sinubsob ang mukha sa Arina.
Patuloy lang sila sa pagtawa habang pinaiikutan parin kaming pito
“Hoy! Victoria hindi kaba talaga titigil sa ka bubully sa amin?!” sigaw nung isang babae na medyo mataba na kakampi yata nung kaaway ni Girl.
“Baka hindi pa sila nadadala sa ginawa natin sa kanila Niina?!” Ang sabi nung payat na parang isang ubo nalang.
“You're so funny guys, tignan niyo nga mga sarili niyo kayo-kayo nalang nag-aaway pa! Mahalin niyo naman yung mga kauri niyong..
“Panget!!!” Malakas at sabay sabay na sabi nilang apat. Nagtawanan sila.
“Hoy Phoebe, Katherine at Ayzelle! Kung makapag salita kayo akala niyo mga kagandahan kayo! Mga retokada naman kayo! Pwe!” Malakas na sabi nung Niina.
Mag ra rambulan sana kami ng biglang pumito yung Guard dahilan kaya bumalik lahat sa kani kanilang mga pwesto umupo naman kami sa tabi nung tatlong Girl at nasa likuran naman namin yung mataray na Girl na na meet namin sa Bus.
Naglakad na din palayo yung apat matataray na Girls na naki eksena din sa amin.
“Anong nangyayari dito?” Tanong nung Guard.
Nag tinginan naman kaming pito.
“Nag-aaway ba kayo?” Muling tanong ng Guard.
Tinignan ko naman yung apat na babae pero naka layo na sila.
Lahat kami ay natatakot na sumagot parang wala ni isang may balak magsalita sa amin.
“Ay, Chief walang away”
Lahat kami ay napalingon sa nagsalita.
Parang nag stopped ang mundo ko dahil sa nakikita ko.
Hindi ako makapaniwala.
Si Keanne Verch ang sikat na Actor at ang super crush ko.
Napatitig kaming lahat kay Keanne at ang iba naman ay nag gigitan dahil sa kilig.
“Ay sorry Sir Keanne, akala ko po kasi may away” Malumanay na sabi nung Guard.
“It's okay Manong Guard” Mahinaong sabi ni Keanne.
Myghad! Sobrang gwapo niya pala talaga pati sa personal at sobrang humble pa.
Agad kong kinuha ang Cellphone ko sa bag.
“Ariel, Ariel! Picturan mo kami Myghad ihi” Natatarantang sabi ko kay Ariel.
“Wait wait ako muna!” Ang sabi ni Bus Girl
Tsk, kahit kailan talaga panira ng moment tong malditang babaitang ito! Duhh!
Nang matapos na sila ni Bus Girl ako naman ang lumapit kay Keanne.
“Keanne?! Myghad sobrang fan na fan moko, lagi kong pinapanuod yung teleserye mo tuwing hapon yung Kunin mo na ang lahat sa akin wag lang si Doding Daga char, Ihi Char lang Keanne!” Natataranta at kinikilig kong sabi kay Keanne.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Hmm Keanne pwede pa picture?” Masayang sabi ko sakanya.
“Oww sure” Nakangiti niyang sabi.
Sabay hakbay niya sa akin at tumingin kami sa Camera.
Myghad, feeling ko hihimatayin ako sa sobrang tuwa at kilig na nararamdaman ko.
“Okay I have to go!” Ang sabi ni Keanne at tuluyan na nga siyang naglakad palayo.
“Hmmmm” Sabay sabay na sabi nila sakin habang nakangiti na halata namang peke. Kasi gusto din nilang mag pa picture pero umalis na si Keanne. Kasi naman para kaming nag pictorial ni Keanne sa sobrang dami ng shots namin ihihi.