Chapter 4

1907 Words
Krisha Penincillon's POV Myghad di parin ako maka paniwalang nakita ko na ang ultimate crush ko na si Keanne Verch, Ohmogod as in Ohmogod! Ilang minuto nalang at alas nuebe na. Napansin ko naman sina Ariel at Marie na tahimik at mukhang pagod na pagod na sila. Napansin ko din yung tatlong babae na kasama namin sa upuan. Ang saya nilang tignan kasi nagtatawanan sila parang sobrang close na close sila sa Isa't-isa. At si Bus Girl naman ay tahimik na nasa likuran namin habang hawak-hawak ang Iphone niya na dual sim naman! “Hi?” Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin. Nang tignan ko ito yung babae palang kasama namin morena ito matangkad at basta hmm. “Hi” Sagot ko, sabay ngiti ko. “I'm Alyssa, kaibigan ko si Gail at Niina” Ang sabi niya sabay abot niya ng kamay niya at nakipag shake hands. “Krisha pala, Then kaibigan ko kaka kilala ko lang din sakanila kanina si Ariel at Mariel” “Hi” Sabay na sabi ni Ariel at Mariel. “Hello” Nakangiting sabi Alyssa. “Salamat pala kanina Mariel” Singit ni Gail. “Wala yun” Nakangiting sagot ni Mariel. Napatingin naman kaming lahat kay Bus Girl na busy paring nag ce-cellphone. “Sya nga pala sino ba yung Victoria kanina na umepal sa away niyo ni Bus Girl? Ah Gail? Yung may kasamang apat na babae?” Tanong ko kay Gail. “Bus Girl?” Tanong ni Gail. Ngumiwi naman ako at tinuturo ng labi ko si Bus Girl. “Ahhh si Victoria yun, feeling mean Girls sila, lagi nila kaming binubully pero di naman kami nagpapatalo” Ang sabi ni Gail. “Ohhh, kaya pala ang tapang mo kanina nung naka away mo si Bus Girl” Diniinan ko yung pagkakasabi ko dun sa Bus Girl para marinig niya. “Hoy!” Napalingon kami kay Bus Girl. “Yes?” Sagot ko. “Hindi Bus Girl ang name ko! may pangalan ako huh! I'm Kaira Keana Krisostomo Kruk Kruk Inamers! Char! In short Hashtag #Kaira Hastag #KKK! Ganern!” Ang sabi niya at napapatayo pa ito sa kanyang upuan habang nagpapakilala sa amin. Nagtawanan naman kaming anim dahil sa inasal niya nakakatawa kasi talaga siya lalo sakanyang itsura. “Hi Kaira, I'm Krisha” “I'm Ariel” “I'm Mariel” “I'm Alyssa” “I'm Niina ang ka isa-isang asawa ni Fafa Peter Johnson in short Fafa Pj” “Feelingera asa kapang magiging asawa mo yun sikat yun si Pj ikaw ano? Wala! Btw I'm Gail” Pambabara ni Gail kay Niina. Nagtawanan naman kaming lahat. ***** Ilang sandali pa ay nag simula na ang audition. Buti nalang at maayos ang pila. Susunod na sa pila si Alyssa siya na ang susunod na mag a-audition. Lahat kami ay kinakabahan. “Kaya mo yan! Go Sissy! Woooohhh!” Sigawan ni Gail at Niina na kulang nalang eh mawasak ang lalamunan sa sobrang sigaw dahilan para mainis ang mga ibang nakapila. Grabe ahh sobrang supportive naman nila. At tuluyan na ngang pumasok sa loob si Alyssa para mag auditon. “Go Alyssa kaya mo yan” Pahabol kong sigaw sakanya at ngumiti naman siya. ***** Makalipas ang sampung minuto, lumabas na si Alyssa galing sa Audition Room “Oh my god Sisssy! Ano nakuha kaba?! Majority Win ba?!” Eksahiradang sabi ni Gail. “Kwento ka naman Sissy 4 Yes ba nakuha mo? For sure?! Ano Sissy?” Masayang sabi ni Niina. “Gaga! 3 Yes lang yung dun!” Sagot ni Gail kay Niina “Woaaaaaaahhh! Sisssy!” Bumuhos naman ang iyak ni Alyssa. Napakamot naman ng ulo ang dalawa niyang kaibigan at niyakap siya ng dalawa, lumapit naman kaming apat nila Ariel, Mariel at Kaira niyakap din namin si Alyssa. “Okay lang yan may next time pa okay?” Malumanay kong sabi. “Don't worry Sissy! I will bring home the bacon!” Confidence na sabi ni Gail. “Next!” Sigaw ng baklang Organizer. “Ayan na Go Sissy! Pakitaan mo sila nung lagi mong kinakanta yung Why Can't you hold me Industry, Why can't I kiss you in the first floor” Ang sabi Niina sa kaibigang si Gail. “Gaga!” Malakas na sabi ni Gail at tumawa ito. “Go Gail, kaya mo yan” Ang sabi ko. “Thanks Krish” Sagot niya sabay ngiti. At tuluyan na ngang pumasok si Gail sa Audition room. ***** After 10mins “Bitiwan moko! Myghad!” Pagtataray ni Gail dun sa Guard. Tumakbo naman si Niina at nilapitan niya ang kaibigan niyang si Gail “Sissy anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Niina sa kaibigan niyang si Gail. “Wala! Over Qualified yata ako! Kaya di ako tinanggap! At yang busit na Patrick na baklang yan! Suplada pala siya sa personal! Hindi ko na siya Idol simula ngayon!” Galit na galit na sabi ni Gail. “Bakit naman Sissy?!” Alalang tanong ni Niina. “Walang hiyang baklang yan! Sabi ba naman sakin sumuko nako kay Duterte! Anong akala niya sakin adik?! Porke't ang payat ko? Diba niya alam ang salitang Sexy!” Ang sabi ni Gail habang nakapamewang. Natawa naman ang mga nakarinig maski ako ay natawa, ang payat naman kasi talaga ni Gail. “Myghad Sissy! Hayaan mo Sissy! Pagdating ng araw magsisi sila tataba ka din! At tama ka sexy ka!” Pagpapalakas ng loob ni Niina sa kaibigan niyang si Gail. “I know right! I'm sexy and I know it!” Ang sabi ni Gail habang nakapamewang. “Buti kapa know mo na sexy ka Sissy” Natatawang sabi ni Niina. Kokotongan sana siya ni Gail pero biglang sumigaw yung baklang organizer ng “Next!” kaya tumakbo si Niina papasok ng Audition Room. “Gaga! Baboy!” Sigaw ni Gail pero tumawa lang si Niina habang papasok sa Auditon Room. “Go Niina” Ang sabi ko. Ngumiti naman siya. ***** Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din si Niina sa Audition Room, masaya itong lumabas. Kaya napangiti kaming lahat! Tumakbo naman ang dalawa niyang kaibigan na si Alyssa at Gail. “Sissy nakuha ka?! Myghad Sissy Congrats!” Malakas na sabi ni Alyssa. “My brother is not a pig!” Ang sabi ni Niina habang palabas ng Audition Room at nakatingin parin da loob. “Hoy Sissy? Nakuha ka ba?!” Sigaw ni Gail. “Ang kapatid koy tao! Hindi baboy d**o!” Malakas na sabi ni Niina na ginagaya pa ang kamay ni Nora Aunor sabay tawa niya ng malakas. “Baliw ka na ba?! Tapos na ang audition! Lumabas kana diyan!” Sigaw ni Alyssa. “I did not kill anybody!” Ang sabi Niina at tumawa ulit siya ng malakas. Hinila naman siya ng dalawa niyang kaibigan. “Sissy! Ano ba bat nyoko Inalis dun?! Nag a acting pa ako huh!” Iritang sabi ni Niina Nagtawanan naman kami. “Gaga! Akala pa naman namin tanggap ka na!” Sigaw ni Alyssa. “Next!” Sigaw nung baklang Organizer. Sumunod namang pumasok si Ariel at Mariel. Dala-dala nila ang kanilang gitara. “Kaya niyo yan, galingan niyo ahh” Nakangiti kong sabi. “Oo naman yesss oh! Oh!” Masayang sabi ni Ariel habang si Mariel ay nakangiti lang habang naglalakad papasok saka Auditon Room. ***** Makalipas ang ilang minuto ay tahimik na lumabas ang kambal. Sinalubong ko naman sila “Oh anong balita? Tanggap ba kayo?” tanong ko. “Hmm okay naman daw yung talent kaya lang yung baklang si Patrick! Mukhang may itsura talaga yung hanap kaya naka dalawang Yes lang kami” Naiiyak na sabi ni Ariel. “Ate okay lang yan, madami pang next time, ang sabi ko naman kasi sayo wag na tayo mag audition diba? Oh ayan makulit ka kasi” Ang sabi ni Mariel. “Grabe ka naman sakin, syempre nangangarap din ako ah!” Pagtatanggol ni Ariel sa kanyang sarili. “Okay lang yan tahan na” Ang sabi ko. “Next!” Ako na ang susunod sobrang kinakabahan ako sa mangyayari sa loob myghad! Ihihi! “Kaya mo yan!” Nakangiting sabi ni Kaira. “Salamat” Nakangiti kong sagot kay Kaira. At tuluyan na nga akong naglakad papasok ng audition room. Pag pasok ko palang ay tinignan nako ng mga Judges mula ulo hanggang paa lalo na si Patrick yung baklang medyo sikat sa Showbiz Industry, wagas kung makatingin kala mo naman kagandahan, bihis lalaki ito at gupit panlalaki din. “What's your name?” Tanong ni Patrick. “I'm Krisha Penincillon from Zambal... “Name palang tinatanong ko Girl!” Pambabara ni Patrick. Grabe tong baklang to ah! “Sorry po” Mahinaong sabi ko. “From where?” Tanong ng isa pang judge. “From Zambales po” Sagot ko. “How old are you?” Tanong ng isa pang Judge. “I'm 17 po” sagot ko. “What's your talent?” Tanong ni Patrick. “Singing po” Ang sagot ko. “Okay show us what you've got” Maarteng sabi ni Patrick. At nagkanta na nga ako. After a minutes “Okay stop” Ang sabi ni Patrick. Huminto naman ako sa pagkanta “Ms, Vick?” Ang sabi ni Patrick sa isang Judge. “Hmm I like your Voice, so Yes” Ang sabi ni Ms, Vick. “Hmm me too, gusto ko yung quality ng voice mo at gusto pa kitang makita so also Yes” Sobrang saya sa feeling na nag Yes sila halos tumalon ang puso ko sa tuwa. “Ehem!” Ang sabi ni Patrick. Bigla ulit bumalik ang kaba at tensyon na nararamdaman ko. “Ang ganda ng voice mo, gusto ko yung pagkakanta mo but kailangan dito sa Ladies Got Talent is... “Ganda?!” Sigaw ko. “Exactly Ms, Krisha!” ang sabi Patrick. “Oh! Bakit tinawag nyo pang Ladies Got Talent ang show niyo! Kung kailangan pala ng ganda! Dapat Ladies Got Beauty and Talent! Myghad! Ang su-shunga niyo!” Iritang sabi ko. “Woaaah! How dare you!” Malakas na sabi ni Baklang Patrick at tumayo pa siya mula sakanyang kina u-upuan. “Bakla!!!” Sigaw ko at tuluyan nakong lumabas ng Audition Room. Halos himatayin naman si Baklang Patrick dahil sakin. Buti nga sakanya, kala mo kagandahan ang baklang dragon! “Anyare Krisha?” Ang sabi ni Gail, sinalubong niya ako habang palabas ng Adution Room. “Busit na Patrick na yan! Akala mo kagandahan!” Iritang sabi ko. “Okay lang yan Krisha darating ang araw sisikat din tayo! At silang lahat maglalaway!” Ang sabi ni Gail habang nakapamewang at tumawa ito na parang kontrabida sa isang teleserye. “Next!” Sumunod naman na papasok ay si Kaira! “Don't worry mga Besssy! Itatayo ko ang bandera nating magaganda! Pag pasok ko palang diyan sa pinto nayan Three Yes na agad ang mukukuha ko! Sa ganda kong ito! Ihihi!” Ang sabi ni Kaira habang naglalakad na para bang isang kasali sa Miss Universe, rampa kung rampa si Girl! Pak pak ganern! “Go Kaira!” “Wooohhh!!” Sigawan naming anim! ***** Wala pang sampung minuto ay lumabas na agad si Kaira, natanggap nga siya? Totoo ang sinabi niya? Tulala si Kaira habang nakatitig sa amin sabay “Woaaah! Huhuhuhu!” Biglang umiyak ng malakas si Kaira na para bang bata. Sabay-sabay naman kaming lumapit sakanya at nagyakapan kaming Pito. “Well well well!” Napalingon kaming lahat ng biglang may nagsalita sa likod namin. Si Victoria pala kasama yung tatlong babaeng arina sila yung babaeng epal kanina na lagi daw nambubully kanila Alyssa, Niina at Gail. “Ikaw nanaman?!” Malakas na sabi ni Gail. “The one and only!” Mataray niyang sabi. “So ano nanaman kailangan mo?! Hindi kaba nadadala?!” Matapang na sabi ni Gail. “Hmm wala naman kaming kailangan sainyo, nandito kami para mag audition hmm!” Maarteng sabi niya sabay lakad palayo. “Gaga! Asa kapang matatangap ka diyan!” Sigaw ni Gail. “Ofcourse magaganda kami kayo ang papanget niyo! Umalis na kayo dito! Labas ang papanget at ang babaho niyo mygosh!” Pang-aasar ni Victoria. Grabe siya huh! Nakakainis talaga ang babaitang to! Pag ako nainis talaga dito papatulan ko to. “Eh! Babaeng Arina!” Sigaw ni Niina “Baboy!” sigaw ni Victoria “Arina!” Sigaw ulit ni Niina Hanggang makapasok na nga sina Victoria at ng tatlo niyang kasama sa loob ng Audition Room. **** Sabay sabay naman kaming pito na naglakad  palabas ng MOA Arena “Hindi pa siguro ito para sa atin Girls!” Ang sabi Alyssa. “Tama si Alyssa Girls” pagsang-ayon ko. “Yah may plano si God para sa atin ang sabi ni Mariel” Nakangiting sabi ni Mariel. “Myghad Natanggap tayo!” Napalingon kami sa likuran namin “Oo nga eh, syempre ang gaganda natin di katulad nila Alyssa at nung mga kasama niya ang papanget!” Ang sabi nung isang Girl na kasama ni Victoria. “Woops! Sorry, nandito pa pala kayo, umaasa paba kayo na matanggap pa kayo? Hindi na hindi nila kailangan ng mga Janitress dito!” Ang sabi nung isang Girl sabay tawanan nilang apat. “Hoy! Victoria, Phoebe, Ayzelle and Katherine Pwede ba manahimik na kayo ah! Nanahimik na kami eh! Itigil niyo yang mga bunganga niyo kung hindi pagbabasagin ko yan!” Matapang na sabi ni Gail. “Mygosh nakakatakot naman yun!” Ang sabi ni Phoebe sabay tawanan nila. Mukhang napikon naman si Mariel kaya lumapit ito sa apat at pinag sa sampal niya ito at pinag sasabunot. “Woaaaahh!!!!” Sigawan nilang apat! Gulo-g**o ang buhok nila ngayon. “Mahangin ba sa labas?” Pang-aasar ni Mariel sa Apat at nagtawanan naman kaming Pito. Bigla namang pumito yung Guard kaya nagsitakbuhan kaming pito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD