Chapter 5

1911 Words
Krisha Penincillon's POV Hayss grabe! Medyo hiningal kami dahil sa pagtakbo namin. Kasalanan talaga to ng malanding si Victoria at ng kanyang mga kasama Myghad! Kung hindi niya sana kami ni lait-lait hindi sana sila pagbubug-bugin ni Marielle natatawa nalang talaga ako kapag naalala ko itsura nila kanina. “Ow? Anong balak niyo niyan? Taga saan ba kayo?” Tanong ni Alyssa habol habol niya parin ang hininga niya dahil sa pagod sa pagtakbo. “Hmm ako taga Zambales pa eh, wala naman akong ka mag-anak dito kaya uuwi nalang siguro ako” Sagot ko kay Alyssa. “Ikaw Kaira?” Tanong ni Alyssa. “Ako may Tita akong taga dito sa Manila pero baka mag hotel na muna ako at bukas na ako pupunta dun sa kanila” Sagot ni Kaira. “Hmm? Taray ni Girl umo-hotel” Natatawang sabi ni Gail. “Hmmm” Nakangiting sabi Kaira. “Kayo Ariel at Marielle?”  Tanong din ni Alyssa sa Kambal. “Baka umuwi nalang din, sasabay nalang ulit kami kay Krisha” Sagot ni Ariel. “Hmm? Ayaw niyo bang bukas nalang kayo umuwi? Pwede kayong tumuloy sa Apartment namin nila Gail at Niina” Halok ni Alyssa. “Oo nga” Sagot ni Gail.  “Yah para naman hindi kana mag hotel Kaira yung pang hotel mo pang kain nalang natin yan kanina pa ako gutom na gutom eh” Singit naman ni Niina. “Naku Niina! Hindi kana nahiya kay Kaira! Ikaw talaga kahit kailan yang katakawan mo pinapa-iral mo” Saway ni Gail kay Niina “Nah, It's okay pwede ko naman kayong i libre ng lunch, look It's already 12:00pm” Ang sabi ni Kaira. “Talaga?! Ang bait-bait mo pala talaga Kaira! Sorry kanina ahh! Ito kasing si Gail eh!” Gulat na sabi ni Niina habang napapakamot pa sa ulo. “Hmm! So Come on girls?” Anyaya ni Kaira. Sakto naman na may fast food chain sa tabi namin kung saan kami nag ke-kwentuhan.  Pumasok kami doon. ------******------ Habang kumain kami ay nag kwentuhan ulit kami. “So guys, payag na kayong bukas na kayo u-uwi ah?” Tanong ni Kaira. Nagtinginan naman ang kambal at sabay na ngumiti “Sure” Sagot nila. “Krisha, Kaira?” Tanong ni Alyssa. Ngumiti ako at ganun din si Kaira “Okay” Sagot namin ni Kaira Nagpatuloy kami sa pagkain. Halos maubos ni Niina ang lahat ng pagkain na in-order ni Kaira para sa amin. Mabait pala talata itong si Kaira. Mali pala ako ng impression sakanya. ------******------ Nang matapos kaming kumain ay naglakad kami papunta sa isang terminal para mag biyahe papunta sa apartment nila Alyssa, Gail at Niina. “Sayang Girls, hindi tayo pinalad!” Malungkot na sabi ni Alyssa. “Masyado kasi tayong maganda! You know naman baka malaos si Kathryn Bernardo! Si Nadine Lustre! Diba?” Pagbi-biro ko. “Korek ka diyan Girl! Baka iwan pa sila ng kanila leading man! Baka dahil sa atin mabuwag ang Jadine at Kathniel!” Ang sabi ni Gail habang rumarampa na parang isang model. Nagtawanan naman kami parang ang tagal na naming magka-kaibigan. “So nandito na tayo guys!” Malakas na sabi ni Alyssa. At sumakay na nga kami sa isang Bus para mag biyahe papunta sa tinutuluyang Apartment nila Alyssa. Magkatabi ang kambal sa upuan. Magkatabi naman ang tatlong magkakaibigan na sina Alyssa, Gail at Niina super close talaga silang tatlo at hindi sila mapag-hiwalay. Magkatabi naman kami ni Kaira. Habang nagba-biyahe sinamantala ko yung pagkakataon para maka-usap si Kaira dahil sa nangyari kanina. “Hmm Kaira?” Panimula ko. “Yes?” Sagot nito habang nakatingin parin sa kanyang phone. “Yung about kanina dun sa Bus, sorry kung nagtaray ako dun” Malumanay kong sabi. Teka may mali ba akong sinabi sakanya kanina sa Bus? Wala naman yata pero gusto ko parin magsorry dahil nag eskandalo ako kanina dun sa Bus. “Naku Girl don't worry! It's okay! Atsaka sorry din ah kasi naman mainit ang ulo ko kanina kaya nasabi ko yun” Ang sabi niya habang nakatingin parin sa Phone niya. “Okay lang yun” Ang sabi ko. Bumalot ulit ng katahimikan sa loob ng Bus. Napansin ko naman si Kaira na sobrang busy parin sa Cellphone niya. Wala na yatang ginagawa tong babaeng to kung hindi mag cellphone ng mag cellphone. Ang layo naman pala ng lugar nila Alyssa. Halos tatlong oras na kaming nag ba-biyahe. Tiningnan ko naman ang relo ko mag-alas singko na pala ng hapon. Kaya pala medyo makulimlim na ang paligid. “Ahhhhhhhh!!!” Sigaw ng mga pasahero. Pati narin ako ay napasigaw dahil parang may nabangga kaming isang bagay. Agad kong tinignan kung ano yung nabangga namin. Isang babaeng mahaba ang buhok nakapalda ito at nakasuot ng blouse at naka balabal ang mukha, kaya hindi ko ito mamukhaan. Ang pinagtataka ko ay hindi ito nasugatan or napano man lang, tumayo agad ito. Dahan-dahan niyang inalis ang balabal sa kanyang ulo. Laking gulat ko ng makita ko ang mukha niya duguan ito at puno ng hiwa ang mukha niya. Nagsisigaw ako at halos masuka dahil sa aking nakita. “Krisha! Krisha! Gising!” Napabalikwas naman ako ng bangon. “May babae!!!” Sigaw ko. “Babae? Sinong babae? Baka kami yan!” Pagbi-biro ni Niina. “Hindi babaeng duguan!” Ang sabi ko. “Naku Girl nanaginip ka lang!” Ang sabi ni Alyssa. Panaginip lang pala, pero ka-kaiba ang panaginip na yun hindi yun basta isang panaginip isa iyong bangungot! “Oh tara na ayusin muna yung gamit mo at ba-baba na tayo dito sa Bus at nandito na tayo” Ang sabi ni Alyssa. Tinulungan naman ako ni Ariel at Mariel sa pag-ayos ng mga gamit ko. “Salamat” Nakangiti kong sabi sakanila. At tuluyan na nga kaming bumaba ng Bus. Gabi na pala, Napatingin naman ako sa relo ko alas-sais na pala ng gabi. Para namang may kung anong ihip ng hangin ang dumampi saking balat habang naglalakad kami sa lugar na ito. Madaming tao sa lugar na ito, mga nagbebenta ng kung ano-ano. Mga kwintas, Bracelet, Damit mga kainan at kung ano-ano pa. “Doon pa sa kabilang baryo ang lugar namin maglalakad pa tayo” Ang sabi ni Alyssa.  “Matagal na ba kayo dito?” Mahinaong tanong ko kay Alyssa. “Actually last week lang din kami dito Tita ko kasi ang may-ari nung apartment kaya dito nalang niya kami pinatuloy at para hindi ma mahalan sina Gail at Niina sa pag-upa, kaya dito nalang namin pinili at least kilala ko yung may-ari ng apartment” Paliwanag ni Alyssa. “Ganun ba” Sagot ko. Nagpatuloy lang kami sa paglakad. “Ang saya dito no? Parang ginagawang araw yung gabi” Ang sabi ni Mariel na halatang namamangha sa kanyang nakikita. “Ganito talaga sa Maynila Mariel, walang araw o gabi, laging masaya dito, yun nga lang di mo maiiwasan yung mga masasamang loob!” Sagot naman ni Gail. “Girls! Look!” Sigaw ni Kaira na habalang tinitignan yung mga nag gagandahang sing-sing. “Kukunin niyo ba?” Ang sabi ng isang babae na nakasuot ng balabal. Bigla akong kinabahan dahil parang siya yung nasa panaginip ko.  Kaya inalis ko yung tingin ko sakanya. “Umalis na tayo dito” Bulong ko kay Alyssa. “Huh?” Takang tanong ni Alyssa. “Basta hindi ako komportable sa lugar na ito” Mahinang sabi ko kay Alyssa. “Naku Krisha ahh, kanina kapa ganyan, simula nung sumakay tayo sa Bus ang weird muna, kanina pa din kita napapansin habang naglalakad tayo parang may ka-kaiba sa kinikilos mo” Medyo malakas na sabi ni Alyssa. Naglakad naman palapit sakin yung babaeng naka balabal. “Oh? Baka naman naninibago lang siya sa Maynila? Probinsyana ka no?” Pabulong na sabi ng Babaeng naka balabal. Hinawakan ng Babae ang pisngi ko, iniwas ko naman ito. “Ayy opo probinsyana po kasi kaya siguro ganyan naninibago po dito sa Maynila” Paliwanag ni Alyssa. Siguro nga naninibago lang ako. Biglang inalis ng babae ang kanyang balabal. Halos tumalon ang puso ko sa kaba ng kamukhang kamukha niya yung babae sa panaginip ko. “Huy!” Sita ni Gail ng mapansing tulala ako. Pinikit ko naman ang mata ko at ng imulat ko ito ay napakagandang babae ang aking nakita. Siguro nga nag-iimagine lang ako, dahil sa kakanuod ko ng mga horror movies. “Haysss” Napabuntong hininga ako. “Ako nga pala si Roselaine Tan, pwede niyo akong tawaging Ms, Laine” Ang sabi ng Babae. “Ms, Laine magkano po ito?” Tanong ni Kaira na halata sa mukha niya na nagagandahan siya sa mga sing-sing na nakikita niya. “Mura lang yan Kaira” Ang sabi ng Babae. “Paano niyo po nalaman ang pangalan niya?!” Gulat kong tanong. Bigla naman pinakita ni Kaira sakin ang kwintas niya na may pangalang Kaira kaya naman kumalma ako. “Pero! Hindi yan ang para sa inyo meron ako dito sa loob na in handa ko para sainyo” Ang sabi ni Ms, Laine. Nagtinginan naman kaming Pito. “Sumunod kayo sakin” Anyaya ni Ms, Laine. Unang sumunod si Kaira at sumunod na din kaming lahat sa kaniya papasok sa isang shop na puno ng mga alahas. Ka-kaiba sa feeling ng pumasok kami sa loob. Mas lalong nadagdagan ang tensyon at kaba na nararamdaman ko. “Uyy okay ka lang?” Bulong ni Mariel sakin. “Oo” Sagot ko, kahit sobrang kinakabahan na ako. May kinuha sa isang cabinet si Ms, Laine isang kulay Gold na Box. “Hali kayo dito” Ang sabi ni Ms, Laine. Lumapit naman kami sakaniya. Dahan-dahan niyang binuksan ang isang medyo maliit na box na kulay Gold. “Wow!” Sabay sabay na sabi nila. Sobrang ganda nung mga sing-sing. Mukhang mamahalin at expensive talaga. “Ang ganda naman ng mga yan Ms, Laine” Masayang sabi ni Kaira. Kukuhanin sana ni Kaira ang isa at susubukan niya itong suotin ng pigilan siya ni Ms, Laine. “Woooops!” Suway ni Ms, Laine. “Why?” Tanong ni Kaira. “Hindi pa ngayon ang tamang panahon para suotin niyo ang mga yan” Sagot ni Ms, Laine. “Ano pong ibig niyong sabihin?” Tanong ni Alyssa. “Yang mga sing-sing na yan ay pampa swerte, yan ang makakatulong sainyo para matupad ang mga pangarap niyo” Misteryosong sabi ni Ms Laine. “Baliw yata to eh?” Bulong ni Ariel sakin. Siniko ko naman siya. “Simple lang ang gagawin niyo para mapunta sainyo ito” Ang sabi ni Ms, Laine. “Ano naman yon?” Tanong ni Kaira habang nakangiti parin at tinitingnan ang mga sing-sing. “Una kailangan niyong mag-iwan ng isang gamit niyo sakin kahit anong gamit” Paliwanag ni Ms, Laine. “Ito, Ito!” Ang sabi ni Kaira at binigay niya ang kanyang panyo. “Hmm?” Ang sabi ni Ms, Laine habang nakatingin sa aming anim. “Ano ba Girls? Ayaw niyo ba yung mga sing-sing na ito? Ang gaganda oh!” Pagku-kumbinsi samin ni Kaira. Sumunod naman na nagbigay ng gamit si Gail. Nilapag niya sa mesa ang kanyang Bracelet. Kasunod naman ay si Niina nilapag niya din ang kanyang panyo. At ang dalawang kambal ay binigay ang kanilang suot na Bracelet Binigay ko nalang din ang panyo ko at ganun din si Alyssa. “Good!” Nakangiting sabi ni Ms, Laine “Pwede na po ba naming kunin?!” Excited na sabi ni Kaira. “Sandali lang?” Ngumiti siya “Bago niyo makuha ang mga sing-sing na ito ay gusto kong ipa-alam sa inyo na hindi ito libre, mahal ang bayad dito at babayaran niyoko sa tamang panahon, Sa ngayon utang na muna ninyo sakin ang mga iyan” Nakangiting sabi ni Ms, Laine. “Talaga?!” Gulat na sabi ni Kaira na abot langit ang kanyang ngiti.  “Yes! Sa ngayon i enjoy niyo muna ang kakayahan ng mga sing-sing na iyan!” Ang sabi ni Ms, Laine. “Ano po bang kakayahan ng mga sing-sing na iyan?” Tanong ni Gail. “Kaya po ba akong papayatin niyan?” Pagbi-biro ni Niina. “Kaya po bang kaming pagandahin niyan?” Pagbi-biro ni Gail. Sabay tawananan naming Pito. “Oo!” Malakas na sabi ni Ms, Laine. Tumahimik ang lahat ng tatlong segundo at biglang nabasag ang katahimikan ng biglang tumawa ng malakas si Ms, Laine. Kaya natawa din kami at nawala ang kaba na nararamdaman ko ng sinabi niyang Oo “Malalaman niyo din kung anong kayang gawin ng mga sing-sing na iyan” Nakangiting sabi ni Ms, Laine habang naka cross arm at pa lakad-lakad sa harapan namin. May kinuha ulit siyang pitong maliliit na box sa Cabinet at nilagay niya dun isa-isa ang mga sing-sing. Isa-isa niya itong ini-abot sa amin. May kung ano naman akong naramdaman ng i-abot na sakin ang box na may lamang sing-sing. *Kring* Bigla naman may nag ring na cellphone. “Excuse me” Ang sabi ni Alyssa sabay sagot sa tumatawag sa kanyang phone. Nang matapos na silang mag-usap nung sa phone ay bumalik si Alyssa sa amin. “Girls hinahanap na kami ng Tita ko eh, pasensya na po Ms, Laine ah ma-una na po kami, Salamat po pala”  Ang sabi ni Alyssa. At sabay-sabay nga kaming lumabas sa Shop ni Ms Laine para umuwi na sa Apartment nila Alyssa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD