Krisha Penincillon's POV
Medyo may kalakihan din pala ang apartment na tinutuluyan nila Alyssa, Gail at Niina.
May secondfloor ito at may tatlong kwarto isa sa first floor at dalawa sa second floor.
Nasa isang kwarto lang kaming pito ngayon. Habang nag ke-kwentuhan, mabilis naman kaming pito na nag ka gaanan ng loob. Parang matagal na kaming magkaka kilala at medyo close narin kami sa Isa't-isa.
Hawak-hawak namin ngayon ang mga sing-sing na galing namin kay Ms, Laine iba parin ang pakiramdam ko sa mga sing-sing na ito. Pero para bang may isang bagay na nag hu-hudyok sakin na suutin ito.
“Girls, are you ready?” Tanong ni Kaira habang hawak-hawak namin ang kanya-kanyang box na may lamang sing-sing na galing namin kay Ms,Laine.
Unang binuksan ni Kaira ang box niya dahil excited na ito. Nakita niya sa loob ng box na may isang papel.
Binasa niya ang sulat sa papel
“Bago mo ito suotin iyong basahin ng tatlong beses ang pulang sulat at sabayan mo ito ng hiling at aking didinggin bawat hiling ay may kabayaran kaya pag-isipan mong mabuti ang iyong hi-hilingin”
Malumanay na basa ni Kaira sa nakasulat.
“Ang weird?” Nagtataka at natatawang sabi ni Gail.
“Ano ba yung nasa pulang sulat?” Tanong ni Alyssa kay Kaira.
“Hmm? Audi quaeso me Satana” Basa ni Kaira sa nakasulat.
“And then?” Singit ni Niina.
“Hindi mo ba narinig yung binasa niya Niina? Sabi nga diba kapag binasa yung sa pulang sulat sabayan ng hiling naku Niina palibhasa nung pina pag-aral ka lagi kang nag cu-cutting classes kaya ang slow-slow mo” Walang prenong sabi ni Gail.
“Tumigil na nga kayo!” Saway ni Alyssa sa dalawa.
“So ayun na, basahin muna ng tatlong beses at humiling kana Kaira at nang matapos na ang kahibangan natin na to, subukan natin kung totoo ba ang sinasabi sa sulat na yan” Natatawang sabi ni Ariel.
“Wag!!” Sigaw ko.
Ayaw ko talaga dahil iba ang pakiramdam ko sa mga sing-sing na ito. Para bang may ibang mang ya-yari.
“Bakit nanaman?” Takang tanong ni Alyssa sakin.
“Hindi niyo ba narinig yung binasa niya may kapalit ang bawat hiling?” Paliwanag ko.
“Naku malay mo hindi naman totoo yan, nagpapaniwala ka diyan, pero wala naman masama kung susubukan natin diba? Malay mo hindi naman totoo yung may kapalit!” Natatawang sabi ni Gail.
“Go na Kaira basahin muna at mag wish kana!” Ang sabi ni Niina.
“Ito na” Bumwelo si Kaira at nagpalakad-lakad ito sa harapan namin. Habang hawak-hawak ang isang papel na kanyang babasahin.
Sinimulan na niya itong basahin.
“Audi quaeso me Satana”
“Audi quaeso me Satana”
“Audi quaeso me Satana”
“Nais kong ako ay iyong pagandahin”
Nang matapos niya itong basahin ay kanyang sinuot ang sing-sing.
Biglang may ka-kaibang ihip ng hangin ang dumampi saking balat at alam kong pati sila ay naramdaman iyon. Napayakap nalang ako sa aking sarili.
Naglakad naman si Alyssa palapit sa bintana at sinarado niya ito dahil naramdaman niya rin kaka-ibang ihip ng hangin.
“Nakabukas, wag kayo matakot” Nakangiting sabi ni Alyssa sabay sarado sa bintana.
Ilang minuto na din ang nakakalipas pero wala paring nangyayari kay Kaira.
“Wala naman nangyari eh, naku tigilan na natin tong kalokohan na ito mabuti pa ay matulog na tayo” Singit ni Mariel.
“Bakit ganun? Wa effect!” Nakasibangot na sabi ni Kaira habang napapakamot pa ito sakanyang ulo.
“I think siguro dapat sabay-sabay tayong pito? Na basahin iyon at sabay sabay din tayong humiling?” Singit ni Ariel.
“Tama!” Malakas na sabi ni Kaira.
“So girls buksan niyo na yang mga box niyo at kunin niyo yung mga papel diyan sa loob!” Ang sabi ni Gail.
Para namang may nag hudyok sa akin na buksan iyon.
Binuksan nga namin ang box at kinuha namin ang papel sa loob nito.
Tumayo kami galing sa kama at sabay sabay na binasa ang nakasulat sa papel.
“Audi quaeso me Satana”
“Audi quaeso me Satana”
“Audi quaeso me Satana”
“Kami ay iyong pagandahin”
Sabay-sabay naming basa sa nakasulat at sabay sabay din kaming humiling.
At sabay sabay naming sinuot ang mga sing-sing
Iba ulit sa pakiramdam ng binasa namin iyon at ng suoting namin ang mga sing-sing.
Biglang nagpatay sindi ang ilaw.
“Ahhhhhhhh!!!!!” Nagsisigaw ako sa sobrang takot.
Nanginginig ako at umiyak, pumikit ako at tinakpan ko ang ulo ko gamit ang aking mga kamay. Para akong bata na takot na takot mapalo.
Sabay-sabay naman silang nagtawanan ng i-angat ko ang ulo ko ay nakita kong pina patay sindi pala ni Ariel ang ilaw.
“Gaga! Hindi nakakatuwa ah!!” Malakas kong sabi kay Ariel.
“Takot na takot ka ahhh!” Malakas na sabi ni Ariel sabay tawanan nilang lahat.
“Naku tama na nga yang kahibangan natin! At magsitulog na tayo!” Malakas na sabi ni Mariel.
“Dito na tayo matutulog lahat?” Tanong ni Niina.
“Hindi! Kasi sayo palang wala ng pwesto sa taba mong yan!” Biro ni Gail.
Nagtawanan ulit kami.
“Grabe ka naman kay Niina” Ang sabi ko.
“Naku sanay na yan sakin!” Nakangiting sabi ni Gail.
“Oo nga sanay nako kay Payatot!” Bawi ni Niina.
“Gaga!” Sigaw ni Gail.
“Naku tigil niyo na nga yan!” Saway ni Alyssa.
“Dito nalang kaya kayo matulog? Tutal tatlo naman ang kama dito!” Aya ko sakanila.
“Pwede din!” Nakangiting sabi ni Alyssa.
“Oo nga!” Ang sabi ni Gail at Niina.
Malaki kasi ang kwarto na ito at may apat na kama.
Magkatabi naman kami ni Kaira sa Kama, sa isang kama naman ay ang magka-kaibigan na sina Alyssa, Gail at Niina at ang dalawang kambal naman ay sa isa pang kama.
At sinumulan na naming matulog.
-----******------
“Woooah!” Hikab ko. Ako ang pinakaunang nagising sa mga kasama ko.
Para namang nanibago ako sa higaan ko dahil nga siguro hindi ako sanay at namamahay ako.
Napansin ko naman na halos naka kumot ang mga kasama ko at nakasukob.
tumayo naman ako at lalakad sana ako palabas ng bigla akong napatingin sa isang salamin dito sa kwarto!
“Waaaaaaaaaaahhhhh! Ohmaghad!!!”