Krisha Penincillon's POV
“Woaaaaah oh my God!” Sigaw ko.
Halos di ko ma i-galaw ang aking katawan na shock ako sa aking nakikita.
Hindi ako makapaniwala sino ang napakagandang babaeng kaharap ko? Sino ba ito? Ako ba ito? Myghad!
Totoo ang sinasabi sa sulat?
“Anong nangyari?!” Gulat na tanong ni Alyssa.
Hindi parin ako maka kilos dahil na shock talaga ako sa aking nakikita nakaharap parin ako sa salamin.
Dahan-dahan akong humarap kay Alyssa, napansin ko naman na tulog pa ang mga kasama namin.
Naka-yuko akong humarap kay Alyssa.
“Anong nangyari sayo bakit ka sumigaw?” Dinig kong tanong ni Alyssa.
Dahan-dahan ko namang ini-angat ang ulo ko.
Hanggang tuluyan na niya akong makita.
Laking gulat ko ng iba din ang itsura ni Alyssa napakaganda niya.
“Waaaaaaaaah!!!” Sabay naming sigaw.
Kaya napagising ang aming mga kasama.
“Woaaaaaaaaahhhh!” Sabay-sabay naming sigawan.
“Myghad ang gaganda niyo!” Sigaw ni Kaira.
“Ang ganda mo din Kaira!” Masayang sabi sabi ni Gail.
Tumakbo naman si Kaira papunta sa salamin.
“Oh mygosh!” Hindi makapaniwalang sabi ni Kaira, napapahawak pa ito sa mukha niya.
“Paano nangyari to?” Ang sabi ni Niina na halatang nahihigawaan.
“Gaga ka ba Ba..” Nahinto si Gail sa pagsasalita “Este Sexy! Diba kagabi may ginawa tayong kachorvaan kagabi yung about dun sa Sing-sing at sa sulat na binasa natin! Ito na yun!” Paliwanag ni Niina.
“Para akong isang Prinsesa sa sobrang ganda!” Masayang sabi ni Kaira habang pa ikot-ikot pa ito sa harapan ng salamin.“Mariel ang ganda-ganda mo!” Nakangiting sabi ni Ariel sa kanyang kakambal na si Mariel.
“Ate mas maganda ka!” Bawi naman ni Mariel.
“Naku girl ang ganda-ganda muna din!” Nakangiting sabi sakin ni Kaira habang hina hawak-hawakan niya pa ang medyo curly hair ko.
“Salamat, ikaw din” Naguguluhan kong sabi at ngumiti ako.
“Krisha sobrang ganda mo promise” Pagpuri ni Kaira sakin.
“Ahe, salamat” Ang sabi ko at pilit ulit na ngumiti.
“Ang ganda-ganda mo narin Niina at ang sexy” Puri ni Kaira.
“Mygosh! Thank you Girl!” Nakangiting sabi ni Niina.
“Naku Sissy mas maganda parin ako sayo ow look! Oh my G! As in Oh my G!” Masayang sabi ni Gail habang paikot-ikot pa ito sa harapan ni Niina.
“Mag tigil na nga kayo!” Saway ni Alyssa kanila Gail at Niina.
“So Girls, I think pwede na tayong mag audition ngayon? At panigurado pag pasok palang natin tatlong yes na agad ang makukuha natin!” Nakangiting sabi ni Kaira habang naka cross-arm na palakad-lakad sa harapan namin.
“Tama!” Malakas na sabi ni Gail.
“But!” Singit ni Niina.
“What?” Tanong ni Alyssa.
“Kailangan muna nating mag shopping!” Ang sabi ni Niina.
Tama si Niina dahil kailangan ay ibang damit ang aming suotin dahil ibang tao na kami ngayon.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.
-----******------
Nasa isang Mall kami ngayon.
Pagpasok palang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga kalalakihan.
“Mygosh! Ang ganda ko talaga!” Ang sabi ni Gail sabay hampas sa buhok niya at rumampa na parang isang modelo.
“Come on Girls, dito na tayo mamimili!” Ang sabi ni Kaira sabay pasok niya sa isang boutique, sumunod naman kami.
Agad kaming nilapitan ng mga Sales Lady at inasikaso kami. Halatang gandang-ganda sila sa amin.
Dahil nakangiti sila habang tinitigan kami mula ulo hanggang paa.
“Myghad! Ang ganda ganda natin!” Ang sabi ni Kaira habang aliw na aliw ito sa kanyang suot na bulaklaking dress na bagay na bagay sakanya.
Lahat kami ay naka dress halos bagay naman namin ang mga suot namin kahit anong suotin namin ay bagay parin sa amin dahil nga magaganda na kami, hindi kagaya dati na parang kahit anong suotin yata namin eh mga pangit parin kami.
Naka ilang sukat din kami ng damit. Halos magaganda naman ang mga napili namin.
Binayaran iyon ni Kaira, nagtataka nga ako bakit andami niyang pera eh, baka mayaman talaga sila. Pero kung mayaman sila bakit hindi siya nag pa retoke?. Hayss bahala na nga. Basta salamat sakanya.
“Let's Go Girls!” Sigaw ni Kaira habang kanya-kanya kami ng hawak ng mga binili naming mga damit.
Nakasuot naman ang mga napili naming damit, na susuotin namin ngayong araw.
Napagdesisyonan na kasi naming mag audition na kami as a group.
“We're the 7 Rings!!!” Sigaw ni Kaira habang naglalakad kami palabas ng Mall.
Mas lalo naman kaming pinagtinginan ng mga tao dahil bukod sa maganda kami ay maganda din ang suot naming mga damit.
“7 Rings?” Tanong ni Niina.
“Gaga! Sa tagalog Pitong Sing-sing!” Pambabara ni Gail kay Niina.
“Gaga ka din alam ko yun! Ang tinatanong ko bakit 7 Rings?” Paliwanag ni Niina.
“Girls, Tayo na ang The 7 Rings! Yun na ang pangalan ng grupo natin!” Nakangiting sabi ni Kaira.
Napangiti naman kaming lahat at nagpatuloy sa paglakad para pumunta sa audition, hanggang bukas pa naman ang audition para sa Ladies Got Talent kaya makakahabol pa kami.