bc

Love Between Lies

book_age16+
332
FOLLOW
1.4K
READ
dark
twisted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Shia Elizabeth is a new neighbor in this small town full of weird looking people who seem to be living still back in the 18th hundreds.

Weird people, mysterious sounds at night.

Her life changes after she met Lucaz Hollagan, the leader of this town,

As she fell in love with this mystery man, she started to uncovers the truth behind the Majesty Town's dark secret.

There's a twist though.

Read and we both shall be intrigued.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1. "Maraming salamat po sa inyo," magalang akong yumuko sa kanilang lahat upang magpasalamat sa ilang araw nilang pagdalaw-dalaw sa puntod ng yumao kong ina. Katatapos lang ng libing at isa sa nang nagsisiuwian ang mga nakilibing. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa lupang kinalilibingan na ngayon ni mama. Ngayon, paano na ako nito? Ang mama ko na lamang ang nag-iisa kong pamilya sa lugar na ito at ngayong nawala pa siya, hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay. Masyadong hindi inaasahan ang nangyari kaya naman wala akong plano sa ngayon. Nagaaral pa ako at ngayong wala na ang nagpapaaral sa akin, siguradong titigil na muna ako. Magt-trabaho na muna siguro ako. "Paalam, mama." huli kong pamamaalam sa puntod ni mama. Hindi 'man siya ang totoo kong ina, tinuring niya naman akong isang tunay na kadugo. Tatlong araw ang nakalilipas matapos malibing ang mama ko, may matanggap akong sulat mula sa pangalang Roberto Elizabeth. Elizabeth ang apelyido ng tunay kong ina. Nalaman ko na kapatid pala ng yumao at tunay kong ina si Roberto Elizabeth. Ayon sa sulat, inaasahan ako nitong pumunta sa kanilang bayan upang doon manirahan. Nalaman niya ang nangyari sa akin kaya naman naisip nitong kupkopin ako. Alam kong hindi tama na magtiwala agad ngunit wala naman masama kung susubukan. Kelangan ko rin kasi ng bagong matitirhan dahil ilang araw na lang ay siguradong palalayasin na ako sa bahay na inuupahan namin ng mama ko. Sana lang, isa siyang mabuting nilalang. Inabot ko sa driver ng taxi ang isang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address ng bayang pupuntahan ko. Makalipas ang dalawang oras, huminto ang taxi sa isang terminal na hindi ko pa nararating ni minsan. "Dito kana ineng," aniya ng driver. Agad kumunot ang noo ko, "Po? Pero, ano pong gagawin ko sa terminal na ito?" Tumingin ang driver sa akin ng may bahid ng pagtataka sa mukha, "Dito ang address na binigay mo, hija." Wala akong magawa kung hindi bayaran ang fee ko at bumaba na ng terminal, tinulungan naman ako ng driver na ilabas ang maleta ko mula sa compartment ng taxi nito. Maraming tao sa paligid na dumaraan sa iba't ibang direksyon. May operator na nagsasalita kung anong oras magsisimula ang biyahe patungo sa partikular na lugar. Lahat ay may dalang bagahe at ang ilan ay nahihirapan mamalaam sa kanilang mahal sa buhay. Lumakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa sentro ng terminal. Malawak ang lugar at may iba't ibang tindahan ng mga pagkain at souvenirs. May nakikita rin akong maraming camera at telebisyon sa paligid. Hanggang sa may dumaan na isang mahabang train sa gitna. Isa isang nagsasakayan ang mga pasahero samantalang nakatayo lamang ako sa gitna, hindi alam ang gagawin. Ang inaasahan ko ay dadalhin na ako ng address na iyon sa mismong bayan ng tiyuhin ko, hindi rito sa terminal. Wala naman ibang nakasulat sa papel na ipinadala ng aking tiyuhin maliban sa ibinigay nitong address kung saan raw ako dapat pumunta. Hindi kaya naligaw lang ako? Pero wala na akong pera. Nagulat ako ng biglang may matangkad na tao ang lumapit sa akin. Seryoso ang mukha nito at bakas na rin ang katandaan sa itsura. Nakasuot siya ng mahabang jacket na hanggang tuhod at may suot na sombrelong may tali, at bota na kulay itim na umaabot hanggang binti nito. Kaagad dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman siya mukhang gagawa ng masama ngunit bakit lumapit sa akin ang taong ito? Ayokong magisip ng hindi maganda o mag bintang pero kinakabahan na talaga ako. "Shia Errison," Nagulat ako ng banggitin nito ang pangalan ko. Papaano niya nalaman? Ang aking katanungan ay nasagot din matapos nitong magsalita muli. "Ako si Roberto, ang nakatatandang kapatid ng iyong ina na si Laura Elizabeth." Bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Kung ganon, susunduin pala ako ng kapatid ng tunay kong ina sa terminal na ito. Mabuti na lang pala at tama ang napuntahan ko at hindi naligaw. Pinasunod ako nito hanggang sa kami ay makasakay sa napaka-habang train. Pumasok kami at dinala kami ng babae sa isang pinto, binuksan niya ito at pinapasok kami. Bumungad sa akin ang dalawang magkaharapan na malapad na upuan at isang lamesa sa gitna, malapad ang upuan at malambot na maaaring mahigaan ng kung sinong magpapahinga, at mayroong bintana kung saan natatakpan ng puting kurtina. Umupo ako sa isang upuan ganoon din ang tito Roberto. Naramdaman kong umandar ang train hanggang sa nakita ko na lang mula sa bintana ang mga nadaraanan ng aming sinasakyan. Nagising ako sa tapik sa balikat at agad napadilat. Nakita kong nakatayo si Tito kaya napatingon ako sa labas. "Nandito na tayo." Nagsimula na siyang maglakad samantalang ako ay napako sa kinauupuan ko. Nandito na kami? Pero bakit masukal na kagubatan ang nakikita ko mula sa labas? "Shia Errison, halika na!" napabalikwas ako dahil sa malamig na tinig na ginamit sa akin ni tito. Dali dali akong tumayo at sumunod sa kaniya palabas ng train, hanggang sa ito ay tuluyang umusad paalis. Nakita kong dala-dala ni Tiyo ang maleta ko at dumiretso ito sa lumang sasakyan na nakaparada sa gilid. Kulay asul na mukhang nauso pa noong panahong 80's. Sumakay na ito sa driver seat kaya't sumunod na rin ako. Masukal na kagubatan pa rin ang binabagtas namin. Trenta minutos na pero wala pa rin akong nakikitang siyudad o simento 'man lang. Iba't ibang puno at halaman ang aking nasasaksihan sa paligid ngunit sa kabila noon ay ramdam ko ang kapayapaan sa paligid. Malayo pa lang ay may natanaw akong mataas na arkong yari sa bakal na ngayon ay kulay pula na dahil sa kalumaan. Malabo na ang nakasulat ngunit nagawa ko pa rin itong mabasa. Majesty Falls Kung ganon, iyon ang pangalan ng bayan na pupuntahan namin. Tumingin ako sa batong naka-tayo sa tabi ng arko at binasa ang nakasulat doon ng dumaan na ang sasakyan sa arko. Majesty Falls 1700 Population: 2,867 Kung ganoon, isa lamang itong maliit na bayan hindi tulad ng inaasahan ko. Sa Fordge Hills kung saan'g bayan ako nagmula ay mayroong 5,000 population ang nakatira doon. Unti-unting umaliwalas ang paligid hanggang sa nakakita na ako ng ilang sasakyang nakaparada sa tabi, huli ko ng napagtanto na na sa kalsada na pala kami. Umabot lang ng ilang minuto at natanaw ko na ang lugar na may napaka-raming tao sa paligid. Mayroong iba't ibang pamilihan ng pagkain 'man o bagay, maraming namimili at nagtitinda, mayroong plaza sa gitna at ilang stores sa paligid. Kung ganoon, heto ang downtown ng Majesty Falls. Habang pinagmamasdan ang nakikita ko sa paligid, mayroon akong isang bagay na napansin. Mula sa mga kagamitan, ambiance at maging sa kasuotan ng mga tao na narito ay waring nagmula pa sa sinaunang panahon. Napatingin ako sa aking tiyuhin at napagtantong ang klase ng kasuotan nito ay nauso pa noong taong 60's. Hindi ko na napansin pa ang mga iyon ng tumigil ang aming sinasakyan sa tapat ng isang kulay asul na bahay na halatang yari sa kahoy, may dalawang palapag at bakas ang kalumaan. Bumaba ang tiyuhin kaya't ganoon na rin ako. Kinuha ko agad ang aking maleta sa compartment nito upang hindi na siya magdala. Napatingin ito sa akin at napailing. Naglakad siya patungo sa pinto kasunod ako. Ang bahay ay napalilibutan ng malawak na lupain na may masagana at bagong gupit na mga d**o. Mayroong ilang halaman at may dalawang puno sa tabi kung saan may puting duyan ang nakatali sa magkabilang sanga nito. Napangiti ako ng makita iyon. Mukhang masarap magpalipas sa parteng iyon. "Sa inyo po ba ang duyan na iyon?" magalang kong tanong dito. Bahagya itong tumigil sa paghahanap sa napaka-raming susi ngunit hindi ito nagabalang lumingon sa akin. Kinuha niya ang isang susi at ipinasok iyon sa saraduhan, "Oo, pwede mong gamitin iyan." at tsaka nito binuksan ang pinto at pinapasok ako. Kulay kahoy ang majority ng kulay ng bahay. Makintab ang sahig na waring palaging pinapakintab, may sofa at telebisyon at mayroong ilang litrato sa dingding at sa gilid ay may hagdan patungo sa ikalawang palapag kung saan may tatlong pinto akong nakikita. "Sa pinaka-unang pinto ang iyong magiging silid. Maaari mo ng ayusin ang mga gamit mo at tatawagin na lamang kita kapag oras na ng hapunan. Tawagin mo lamang ang pangalan ko kung mayroon kang kaylangan." mahaba nitong paliwanag sa akin. Nauna na itong naglakad patungo marahil sa kusina kaya umakyat na rin ako sa hagdan buhat ang maleta ko. Binuksan ko ang unang pinto at tumambad sa akin ang isang kama na may maliit na lamesa sa tabi, isang mataas at lumang aparador at study table naman sa may gilid. Hinila ko ang maleta ko at sinarado ang pinto. Nagtungo ako sa bintana at hinawi ang kulay puting kurtina. Binuksan ko ang bintana at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ilang oras na lang at didilim na. Nilibot ko ang tingin sa labas at nakita ang ilang tao na naglalakad sa kalsada. Pakiramdam ko ay weird ang paligid dahil sa kasuotan at kilos nila. Hindi naman kataka-taka kung bakit ganiyan sila. Ang bayan na ito ay nasa gitna ng kagubatan, malayo sa siyudad kaya hindi na ako magtataka kung hindi nila na-adopt ang modernong henerasyon ngayon. Ayos lang din naman sa akin dahil wala rin akong nakikitang mali. In fact, natutuwa pa ako dahil para akong nagbalik sa panahong 1900. Matapos ang ilang oras kung pagaayos ng damit, narinig ko ang katok mula sa pinto hudyat na magsisimula na ang hapunan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa pagiging tahimik ni Tito Roberto at hindi ko pa rin alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Nagayos ako saglit at tsaka lumabas ng pinto. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina kung saan nagtungo kanina si tiyo. Tipikal na kusina ang bumungad sa akin. Nadatnan kong maayos ng nakasalansan ang mga kubyertos at uupo na lamang upang kumain. Tahimik akong umupo ganoon din si tito. Pinauna ko na siyang matapos magsandok 'tsaka lamang ako sumunod. "Tawagin mo na lang ako sa pangalan kung saan ka komportable, hija." malamig na boses nitong sinabi. Napa-ngiti ako at tumango, "Masusunod tito." mas mabuti ng tito ang i tawag ko sa kaniya dahil tito ko naman talaga siya. Nagsimula kaming kumain ng tahimik ng magsalita itong muli, "Naayos ko na ang iyong kakaylanganin para sa pagpasok mo sa eskwelahan. Maaari kang pumunta sa paaralan bukas para mag-enrol." "P-po?" nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko inaasahan na paga-aralin niya ako. Tanggap ko naman na magt-trabaho ako rito at tutulong sa gawaing bagay pero ang pagpa paaral sa akin ay labis kong hindi inaasahan. Gayunpaman., "M-maraming salamat tito. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ito ngunit labis akong nagpapasalamat. Malaki po itong tulong sa akin." Tumitig ito sa mga mata ko ng ilang segundo bago ngumiti. Sandali lamang ang ngiti na iyon dahil agad din'g napawi at bumalik ang ekspresyon nito sa natural na itsura. "Walang anoman, Shia." "Pinapangako ko po na babayaran ko kaya sa oras na makapag-tapos ako ng pagaaral." "Hindi mo kaylangan bigyan ng pwersa ang sarili mo, hija. Responsibilidad ko ang tulungan ka sa mga pangangaylangan mo dahil tiyuhin mo ako. Masaya akong narito ka sa puder ko, kahit matagal ng yumao si Laura." Doon ko napagtanto na sa kabila ng seryoso nitong mukha ay mayroong nagtatagong kalungkutan dito. Sa sinabi nito ay halatang namimiss na niya ng sobra ang aking ina gayundin naman ako. Nakakatuwa na matapos lumipas ang mahabang panahon, nagkaroon ako ng kakilala na tunay kong kadugo. I remember only some vivid scene of my mother- Laura. I was still a child when she died, halos wala na akong maalala. Matapos lang ang ilang buwan, dumating si Mama Martha sa buhay ki at inampon ako. About my father, wala akong masiyadong alam sa kaniya dahil katulad ni mama Laura, maaga rin siyang nawala sa buhay ko. "Sana po ay kahit sa gawaing bahay ay hayaan niyo akong tulungan kayo." "Kung 'yan ang gusto mo ay wala akong magagawa." Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Ang saglit na usapan na nangyari kanina ay hindi na nadugtungan pa. Hindi rin naman ako sanay na nakikipag usap habang kumakain kaya ayos lamang sa akin. Nagpresinta ako na maghugas ng pinagkainan. Napagtanto ko rin na dalawa lamang ang plato na narito, dalawang kutsara at tinidor, dalawang baso at dalawang platito. Pinaakyat na ako ni tiyo sa kwarto ko upang magpahinga. Sinarado ko ang kurtina at humiga sa malambot na kama hawak ang librong aking binabasa. Walang fan sa silid na ito ngunit hindi rin naman mainit o malamok kaya ayos lamang. Nagbasa ako saglit hanggang sa bumigat na ang talukap ng mata ko. Sinara ko ang libro at ipinatong ito sa maliit na lamesa sa tabi ng kama. Bukas ay pupunta ako sa magiging bago kong paaralan. Sana ay maging maayos ang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook