Naglagay ako ng pulang lipstick sa labi ko tsaka tinignan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. Nang makitang ayos na ay kinuha ko na ang gamit ko para bumaba. Nagpaalam narin ako kay Tito na papasok na ako kaya't tumango lamang siya.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang naglalakad ng matanaw ko na mula sa malayo ang sasakyan ni Lucaz. Mas binilisan ko pa ang lakad hanggang sa nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng sasakyan niya.
"Good morning, gorgeous."
Pakiramdam ko ay nagtaasan ang dugo ko patungo sa mukha ko ng batiin niya ako. Palagi naman na niya itong ginagawa pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Napakasarap kasi sa pakiramdam, yung tipong hindi ko gustong sanayin para laging bago sa pakiramdam sa tuwing may gagawin siyang kakaiba.
Hinapit niya ang bewang ko at idinikit ang katawan ko sa malamig na katawan niya at saka hinalikan ng mariin ang noo ko. Kahit lagi ko nang nahahawakan ang ano man parte ng katawan niya, minsan nakakagulat pa rin ang pagiging malamig nito.
Niyakap niya ako ng mahigpit at mas diniinan pa niya ang pagkulong sakin sa bisig niya.
"I missed you."
Napatawa ako ng mahina, "Magkasama lang tayo kagabi."
Nakita kong napataas ang isang kilay nito tsaka simpleng umiba ng tingin kaya napangisi ako. Bakit ba napakagwapo mo sa paningin ko, Lucaz? Kahit saang anggulo ko tignan, iba pa rin ang epekto niya sa akin.
"I'm missing you every damn hour baby."
Mas lalo yata akong kinilig ng tawagin na naman niya akong baby. Nagulat ako ng bigla ako nitong halikan sa labi. Pakiramdam ko ay nakuryente ang buong katawan ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hinalikan niya ako sa labi pero iba pa rin ang dating. Hindi pa ako nakakapagreact ng isinakay na niya ako sa kotse niya at wala akong ibang makita kundi ang nakakalokong ngisi niya.
Naisiahan ako dun ah!
Pero kahit naman hindi ko sabihin, nagustahan ko rin naman ang ginawa niya.
Maingat niyang ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng university. Nauna siyang bumaba ng sasakyan dahil kinakabahan pa rin ako sa tuwing dumarating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi ko pa rin maiwasan mailang sa tinginan ng mga tao.
Isang linggo na mula ng maging kami ni Lucaz. Isang linggo na rin alam ng bayan na girlfriend ako ng kanilang pinuno. Alam ko na marami ang nagulat, tumutol at nagalit pero wala ni isa ang naglakas loob pigilan ang relasyon namin, maaaring natatakot sila sa maaaaring gawin ni Lucaz. Alam ko naman hindi ako sapat para sa kaniya, pero gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat para sa kaniya.
"You're spacing out again,"
Bigla akong napabalikwas ng marinig ang malanding boses ni Lucaz sa tenga ko, nakita kong sobrang lapit na nito sa akin at nakahawak na ang kamay niya sa bewang ko. Nagulat ako ng bigla ako nitong buhatin at inilabas sa sasakyan niya.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon!" naiinis kong singhal rito. Nakakahiya kasi dahil pinagtitinginan kami.
Ngisi lang ang sinagot niya sa akin at inakbayan na ako para maglakad. Oo, ganiyan siya ka-clingy kahit sa publiko. Ayoko ng ganitong set-up pero nagpumilit siya, wala rin naman akong magawa kasi napakahirap niyang tanggihan.
Mariin niya akong hinalikan sa noo bago maghiwalay ang landas namin. Sakto naman pagdating ko sa silid ay naroon na si Amanda. Nilapitan ko siya at tinawag, hindi naman siya mukhang nagulat ng dumating na ako kaya umupo na agad ako sa tabi niya.
"So you're with your boyfriend awhile ago?" tanong nito na may halong ngisi.
Tumango na lamang ako at humarap sa white board. Ayoko kasi talaga na pinagttripan niya ako pag may kinalaman kay Lucaz. Simula nang malaman niya ang relasyon namin, hindi na siya katitigil sa pangaasar sa akin. Hindi naman ako napipikon pero nakakahiya kasi.
Dumating ang instructor namin at nagsimula na rin itong magturo kaya nilabas ko na rin ang libro ko, pero wala akong ibang maisip kundi siya. Uh!
Alam na rin ni Tito ang tungkol sa amin ni Lucaz. Hindi ko naman magagawa pa iyong lihim dahil miske buong bayan ay alam. Nagulat lang ako na parang wala lang sa kaniya. Wala siyang sinabi na kahit na ano, pero hindi rin naman niya ako pinipigilan kaya sa tingin ko ay ayos lang. Pinangako ko na lang din sa sarili ko na magaaral pa rin akong mabuti para may maisukli naman sa kabutihang ibinibigay niya sa akin.
Bigla kong naalala ang usapan namin ni Lucaz kagabi kaya agad dumaloy ang kaba sa aking dibdib. Mamaya ay ipinangako nito na dadalhin niya ako sa kanilang mansyon. Noong una talaga ay umayaw ako, pero si Lucaz ang palaging nagdedesisyon kaya wala akong magawa. Siguro nga ay wala rin akong dapat ikabahala dahil wala naman raw doon ang kaniyang ama.
Mabilis natapos ang oras. Pagkalabas ko ng building ay nakita ko na si Lucaz na waring nakaabang sa akin. Lumapit siya ng makita ako at agad akong hinalikan sa noo.
"Damn baby, I stayed my long four hours in hell. Good to see I got my heaven now."
Palagi na lang ba akong kikiligin sa mga sinasabi niya? Tingin ko ay magaling siya pagdating sa mga banat na ganiyan. Nagkasama kami kaninang lunch at apat na oras iyon makalipas at hetong lalaking mahal ko ay nagiinarte na. Napailing na lang ako.
Hinatid niya agad ako sa bahay. Dumiretso ako sa loob upang magbihis. 6PM ang usapan namin kaya may oras pa akong maglinis ng bahay dahil ala-singko pa lang naman. Wala si Tito ng dumating ako.
5:44PM ng tignan ko ang orasan kaya dali dali akong umakyat sa taas at dumiretso sa banyo upang maligo. Nawili yata ako kakalinis ng bahay kaya hindi ko namalayan ang oras. Mabilis kong ginawa ang dapat, hindi na rin ako nahirapan sa pagpili ng damit dahil kagabi pa lang ay nakapili na ako. 6:15 na rin ng makababa ako at nakita si Lucaz na nasa sala na at nakaupo sa sofa.
"You don't have to make an ffort to be pretty, baby. You're unbelievably beautiful in my both eyes."
Nalunok ko ang laway ko dahil dun. Heto na naman po siya. Nang makalapit ako ay agad niyang hinapit ang bewang ko at hinalikan ako ng mariin sa noo. Napapangiti ako sa tuwing ginagawa niya iyon.
Nakarinig kami ng pagtikhim kaya agad akong napalayo kay Lucaz. Kinabahan ako dun ah! Tumingin ako kay Tito na mukhang galing ng kusina at seryoso ang mga tingin nito. Alam ko na ganiyan talaga siya tumingin pero iba ang tingin niya kay Lucaz ngayon, habang itong lalaking katabi ko naman ay nakangisi lang pero kahit ganoon ay yumuko pa rin ito kay tiyo.
"I am taking Shia to my house, consiglier."
Napatango ang tiyo sa narinig. "Kung ganoon ay magiingat kayo. Iuwi mo rito ang pamangkin ko bago mag alas-diyes ng gabi."
Napatingin ako kay Lucaz pero nakayuko pa rin ito kaya pasimple ko siyang siniko, pero hindi niya ako pinansin at nakayuko pa rin. Nasosobrahan na yata ito sa paggalang.
"Mauuna na po kami." Magalang nitong paalam. Ngumiti lamang si Tito sa aming dalawa. Doon lamang itinaas ni Lucaz ang ulo niya at tsaka ako nito inalalayan lumabas.
Matapos namin makasakay ay agad na rin nitong binuksan ang makina at nagsimulang magmaneho. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko na minsan ko lang gamitin. 6:25 na ang oras dito. Hindi ko alam kung saan ang mansyon ng mga Hollagan pero sigurado naman akong malapit lang 'yon.
Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa pisnge ko kaya agad akong naalimpungatan at nagising. Napatingin ako sa labas at nakitang madilim ang paligid. Tinignan ko si Lucaz na nakangiti sa akin.
"We are here." nang sinabi niya iyon ay napatingin ako sa likod niya at doon ko nakita ang napakalawak na mansyon ng mga Hollagan.
Tinignan ko ang hawak kong cellphone na nasa kamay ko parin hanggang ngayon. Tinignan ko muna ang oras bago ito sinilid sa bag ko, tsaka ako inalalayan bumaba ni Lucaz.
"Kararating lang ba natin?" tanong ko.
"Yes baby,"
Naglalakad kami papasok ng mansyon pero napako ang isipan ko sa oras na nakita ko sa cellphone. 7:05 na nang makarating kami ng mansyon. Kung ganoon ay malayo pala ang bahay nila.
Pumasok kami sa loob. Pansin ko ang medyo kadiliman sa mansyon na ito. Hindi ito kasing liwanag katulad ng mansyon na inaasahan ko. Dim ang lights kaya medyo madilim pero sapat na para makita ang paligid. Luma ang bahay katulad ng inaasahan ko. Pakiramdam ko ay pumasok ako sa time machine at dinala ako nito pabalik sa taong 1800 dahil sa istraktura at disenyo ng bahay. Pero iba ang bahay na ito sa mga lumang bahay ng mga pilipino. Iba ang disenyo nito na waring kagaya ng mga lumang bahay sa Italya. Sinisigaw ng mansyon na ito ang karangyaan ng pamilyang nakatira rito.
Matapos namin kumain ay nilibot niya ako sa mansyon at nakita ko naman ang mga karaniwang makikita sa malalaking bahay. Mayroong chandeliers, mga naglalakihan at nagtataasang bintana, mga babasaging pigurin ng anghel, mga lumang litrato na nakasabit sa dingding at mga antique na kagamitan. Lahat ay luma, kabaligtaran sa taong nakatira rito.
Umakyat kami sa ikalawang palapag at dinaanan namin ang halos sampung pinto hanggang sa makarating kami sa silid ni Lucaz. Simple lang ito katulad ng isang kwarto ng lalake. Puti at itim ang kulay at medyo bago ang mga gamit rito.
"Bakit parang bago ang mga kagamitan rito sa kwarto mo?" tanong ko ng paupuin ako nito sa kama.
Nilibot ko ang tingin ko at nakitang kaonti lang din ang gamit. Kama, isang maliit na lamesa sa tabi, isang malaking lamesa at sa tabi nito ay ang tatlong divider na naglalaman ng napakaraming libro, apat siguro ito noon ngunit tatlo nalang ngayon dahil ibinigay niya sa akin ang isa.
"I'm out of the country every first week of summer and I noticed their modern living so I got to renovate my room and change all the antique things."
"Bakit naman kwarto mo lang? Bakit hindi ang buong mansyon?" tumayo ako at dumiretso sa bookshelf nito at naghanap ng maganda na maaaring basahin.
"Dad won't allow me. He probably wants to preserve this mansion and the whole Majesty Falls."
Bigla akong natigilan at napatingin sa kaniya. "Kung ganoon ay hindi na pala talaga sadyang makaluma ang tao rito, kundi gusto lang ng ama mo na manatili sa ganoon?"
Nagkibit balikat lamang siya. Ganon pala ang tunay na dahilan. Kaya pala hindi naman luma ang dating ng mga kapwa ko estudyante sa school katulad ni Bianca. Maaaring ipinagutos ng ama ni Lucaz na ipanatili ang lumang nakagawian ngunit hindi naman mapigilan ng ilang taong nakalalabas ng bansa na mahumaling sa mga modernong kagamitan. Nakabibili pa rin naman sila ng gusto nila basta huwag lamang mababago ang iniutos ng ama ni Lucaz.
Nagulat ako ng biglang hatakin ni Lucaz ang kamay ko. Sa lakas ay napa-upo ako sa hita nito, humiga siya kaya naman nasama ako at mas lalo akong nagulat ng tumagilid ito kaya ako ang naihiga sa kama at ngayon ay nasa ibabaw ko na siya.
"I'm trying to control my urge baby."
Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig sa magaganda niyang mata. Madalas kaming maglapit pero hindi ganito, hindi ganito kalapit na nakakaramdam ako ng init. Bigla ako nitong sinunggaban ng halik, naging marahas ito pero dahil sa sarap ng pakiramdam ay sinabayan ko ito. Hindi ko maiwasan mapaungol ng ipasok nito ang dila niya sa loob ng labi ko, ng bigla itong matigilan.
"Damn! I'm sorry baby, but I think you deserve a passionate kiss."
Muli nitong idinampi ang labi niya sa akin, ngunit hindi katulad kanina na ubod ng rahas, ngayon ay napaka-bagal naman na nagbigay sa akin ng kainitan. Napahawak ako sa batok niya at ang isang kamay ko ay nakasabunot sa buhok niya, itinaas ko ang paa ko at idinantay ito sa likod niya na mas lalong nagtulak sakaniya padapa sa akin. Hindi ko narin alam ang nangyari dahil maging ang sarili ko ay hindi ko na napigilan.