CHAPTER 16

2419 Words

Hinawi ko ang ibaba ng gown na humaharang sa paanan ko at tsaka bumaba mula sa mataas na sasakyan ni Lucaz. Maganda ang kaniyang ngiti na nakaabang sa akin sa entrance mismo ng lugar kung saan ngayon dinaraos ang annual ball. "You're too hot to be with Lucaz Hollagan." malanding wika nito pagkalapit sa akin. Hinapit nito ang bewang ko at agad akong hinalikan sa noo. Ramdam ko ang pagmamahal dito kaya hindi ko maiwasan ang mapapikit. Tinitigan ko ang kaniyang itsura para sa gabing ito. Hindi ko alam na mayroon pa palang iga-gwapo ang katulad niya. Ang madilim niyang mga mata ang siyang nagpapa-gwapo sakaniya lalo. Maayos na nakasuklay palikod ang kaniyang buhok sa harap. Nakasuot siya ngayon ng itim na business suit na tinernohan ng pulang bowtie. Katerno ng suot kong gown para sa gabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD