Chapter 2: The Encounter

1436 Words
"Huy! Yabang ha?" Tatawa-tawa kong sita kay Des. Kasalukuyan kaming palabas ng campus. Grade 11 na kami kaya bihira na lang kaming nakakapunta ng main campus. Nasa ibang place kasi ang senior high pero hindi naman gaanong kalayuan didtu. May isang subject kasi kami dito ngayon sa main campus which is entrep. Bagong gawa pa kasi ang building sa Senior high kaya kulang pa sa facilities gaya ng computer lab. Kakatapos lang namin kaya sabay kami ni Des para sa tanghalian Kasi babalik pa kami't maglalakad sa Senior high building para sa aming 1 pm class. "Talaga naman ah!" Maging siya ay natatawa na rin dahil sa kakatawa ko. "Des naman. Tigilan mo na nga, sakit sakit na ng panga ko" hirap kong sabi habang nakahawak sa aking panga. Pigil sa pagtawa. "Des!" Sabay kaming napalingon ni Des sa likod nung may tumawag sa kanya. "Bakit na naman asungot?" Inis niyang tanong kay Jade na kaklase namin. "Asungot pala ha. E kung ligawan kaya kita?" Ngumisi si Jade na parang nang-aasar. Napatawa naman si Des. Sobrang tawa na halos pagtinginan na kami ng mga tao sa paligid. Tawang tawa talaga siya na parang nababaliw na. "Kapal muks ha?And if ever, as if namang sasagutin kita." Tumawa pa ulit ang bruha. Napatawa nalang din ako nung makita ko yung mukha ni Jade. Mula sa ngising pang-asar biglang busangot tuloy. "Bahala ka sa buhay mo!" Tumalikod na siya't ambang aalis na nung maalala ang sadya e binalik naman niya ang tingin sa gawi namin. Sinamaan niya ng tingin si Des na nagpipigil pa rin ng tawa saka binaling ang tingin sakin. "Chel pasabi naman sa kaibigan mong mangkukulam na pinapatawag siya ni Maam Jen. Nasa faculty siya nag-aantay sa kanya" malumanay niyang pasuyo. Natawa naman ako't tumango nalang. Tiningnan niya si Des na nasa tabi ko saka inirapan bago tuluyang umalis. Humagalpak naman ng tawa si Des hawak hawak pa ang kanyang tiyan. "Pikon talaga," tatawa-tawang niyang sabi na may pailing-iling pa. Hindi na bago saken to. Kung hindi bangayan, asaran. "Ingat sa mga sinasabi, Des. Baka kainin mo lang din yan pagdating ng araw," payo ko sa kanya na maaga naman niyang inagapan ng.. "Ew. Never. As in N.E.V.E.R. never." Maarte niyang sagot. "Tamo defensive. Wala naman akong sinasabi," pang-aasar ko sa kanya. Minsan talaga masarap to asarin e basta tungkol kay Jade. Hahanap ng exit yan in 1,2,3.. "Ewan ko sayo. Magsama kayo. Alis na ko, bye!" pagdadahilan niya. Gotchaa! "Lunch time pa ah? Kumain ka muna, hoy!" "Maya na. Puntahan ko muna si Ma'am Jen. Baka mamuti na mata non kakaantay. Punta ka na sa carenderia. Reserve moko upuan," nguso niya sa tapat ng kalsada. Kows, ayaw pa sabihing malakas si Jade sa kanya eh. Andun lang naman lagi si ma'am sa faculty. For sure naandon din si Jade, palusot pa to. Nasa labas kami ngayon, patawid na sana para kumain. "Asess. Excited makita si--Aray ha!" Binato niya ko ng maliit na bato na nasalo ko naman. Aba, magaling reflexes ko, noh! Ibinalik ko sa kanya ang bato pero nailagan niya't nagtatatakbo na papasok ng gate. "Maunahan tayo ng pwesto Chel! Punta na don!" Sigaw niya nung medyo malayo na siya. "Ou na! Ou na!" Sigaw ko pabalik. Umorder nako saka umupo sa pwesto namin lagi kapag ka kakain dito. Plano kong ilibre si Des kaya hindi muna ako nagbayad kasi kako saka na lang pagkarating ni Des at ng plus one niya if ever kasi oorder pa naman din sila. Tropa na namin si ateng nagtitinda dito kaya no worries sila. Nilagyan ko ng bag yung mga upuan sa table. For sure pagbalik non kasama na si Jade. Sorry people! True friend lang. Inantay ko sila pero nung mga 10 minutes, 15 minutes, nang wala pa rin... kumain na akong mag-isa. Nasa may sulok ako sa dulo kaya't pansin kong madaming estudyante and customer ngayon di tulad ng nakasanayang uunti lang. Siguro kasi tanghaling tapat at awasan ng mga studyante. 12:30 kasi ang awasan namin pero dahil may meeting sa faculty ay maaga rin kaming pinalabas ngayong tanghali. Abala ako sa pagnguya nung mahagip ng mata ko ang isang lalaki sa may counter area. Ohh. Lumaki ang mata ko nang mapagtantong siya yung lalaking hinihiling kong makita ulit simula nung marinig ko yung boses niya last year. Sariwa pa sa ala-ala ko maging ang pangalan niya'y tanda ko pa. Fil. And nalaman ko na pala yung title nong kinanta niya nong nagperform siya. It was Mundo by IV of Spades. Na lss pako non ng ilang months, eh! Hindi ako fan nong una ng mga ganong kanya pero naging fan kalaunan. Tas grabe yung boses. Para ding siya. Pumutok pa yong kantang yun tas kada maririnig ko eh siya naaalala ko. After nong ganap sa intrams medyo nawala na siya sa isip ko kasi hindi ko din naman na siya nakikita. Pero ngayon.. Kaya ngayon.. Shookt aketch. Nagulat ako lalo nong lumingon siya sa sulok na kinaroroonan ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at dahil sa gulat e nalunok ko nang biglaan yung pagkaing nasa bibig ko't nabulunan. Ubo ako nang ubo. No'ng sinubukan ko siyang tingnan uli, naglalakad na sya papunta sa pwesto ko dala dala ang isang tray na puno ng pagkain. Naghagilap ako ng baso sa mesa pero wala akong makita. Dahil sa taranta'y tinungga ko na ang bowl ng sabaw na hindi ko man lang nabawasan. Huli na nung mapagtanto kong maanghang pala kaya di ko nagalaw. Natulala ako sandali. Kung minamalas ka nga naman oh. Wala akong baso. Nasa counter Ang baso so pupunta pa ako dun at makakasalubong siya? Hindi ako ready! Wala akong liptint. Ang dugyot ko tingnan! Hinanap ng mata ko ang baso sa tabi-tabi at nung may mahagilap akong isang baso at pitsel sa tabing mesa ay ginora ko na. Bag lang ang naroon pero walang tao kaya kinuha ko na't sinalinan ng malamig na tubig sa pitsel na nandon lang din sa table ng kung sino man. Nakadalawang tungga ako ng tubig hanggang sa nakahinga na rin. May anghang pa pero naibsan naman na ng unti. Goods na. Thank you Lord. Nagmadali akong bumalik sa pwesto ko nung paglingon ko e nabangga ako o nabangga ko siya. Hindi ko na alam. Inis akong nag-angat ng mukha dahil sa katangkaran ng lalaking nabunggo ko pero nanlumo ako nong si Fil pala ito. Juzmeyo puso ko! Napaatras ako sa gulat. Pero of course, nonchalant atake natin. Nakataas ang isang kilay, tinuro ng isang daliri niya ang basong ginamit ko pang-inom. Nalukot ang mukha ko nung mapagtantong siya pala ang naka-upo roon. Pero bakit di ko napansin? O talagang wala lang akong pake sa paligid ko kanina? Ayan, cellphone kasi ng cellphone! Na expire na ba yung swerte ko, G? Bakit naman ngayon pa to nangyayari na solo ko sana siyaaa! Eme. "Sorry, nabulunan kasi ako. Taranta akong naghanap ng baso tas nagamit ko yung ano.... yung baso.... mo. Hindi ko sinasadya swear. Malay ko ba na may tao pa palang kakain dito eh bag lang naman ang nakita ko. Alangan namang magpaalam— " "K," he cut me then dedma siyang umupo sa kanyang upuan. Nasobrahan ba'ko? Hindi pa ako tapos magsalita ah! Ilang naman akong bumalik sa pwesto ko at kahit di pa ubos ang kinain, uunti nalang din naman kaya umalis na ko. Binilisan ko pa ang paglalakad nung may tumatawag saking ale. Sinundan ng boses ng lalaki at babae pero di ako lumingon at baka hindi naman ako yung tinatawag. "Huy! Bayad mo daw ate!" Sabi nung nakasalubong kong lalaki. Nakatingin siya sa likod ko kaya tinignan ko din tas lahat nakatingin sa kin. Joke time ba to? Tumalikod ako't lalakad na sana uli ng may maalala. Shet Naman, oh! Hindi pa pala ako nakakabayad! Arghh!! Napapikit nalang ako sa kahihiyan saka binalik ang lakad sa karenderia. Dinukot ko ang 50 pesos mula sa bulsa at inabot dito. "Pasensya na po. Nakalimutan ko lang talaga tyaka nagmamadali lang," paumanhin ko. Tiningnan ko ang pwestong kinaroroonan niya at pasimpleng inalam kung nasaksihan ba niya ang pangalawang pagkapahiya ko. Tahimik lang naman siyang nakatungo habang kumakain. Siguro safe naman ako noh? Hindi naman siguro siya yung ugaling chismoso. Parang wala din siyang pake eh tyaka may sariling mundo. Kahit papano nakahinga ako ron. Hays. Parang gusto ko nang lamunin ng lupa. Isang hindi ko na naman makakalimutang araw. Kaya lang, kung no'ng nakaraan dahil sa kilig.. Ngayon naman ay dahil sa kahihiyan. Dear Diary, Hays. Gugustuhin ko pa bang magtagpo ang mga landas namin? Kung ganto lang din, ay wag na! -Chel :
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD