Chapter 1: The Day

1296 Words
Wow. Ganda ng boses. Sabi ko sa isip ko when I heard him sang a song to which I'm not familiar with. I had a gooosebump and he sang it well. Almost perfectly. Naghiyawan ang lahat sa kanya. Napanganga at napakilig halos lahat ng mga estudyante dito sa loob ng gymnasium. New gem ng school sa isip ko. Pwede siyang vocalist ng banda that will represent the school 'pag nagkataon. It's intramurals kasi and ngayong 4th day is pagent. Part of the event—syempre never mawawala yan. Currently, the contestants were changing attire para sa next round kaya para di boring, nagtatawag yung mc ng mga gustong magperform. In his case, napilitan lang siya at pinagtutulak ng mga barkada niya kaya ayun, napatayo. Makikita mo sa kanya na he doesn't want attention and he's shy. Very shy na hindi siya makatingin sa mga audience. Nakatingin lang siya sa baba at paminsan minsang sumusulyap sa mga barkada niya. He ended up his song with a loud applause coming from the audience. He's confident the way he sing but makikita mo na he's shy up stage lalo na when he run while going down the stairs towards his friends. He's cute. Umalis na rin kami pagkatapos i-announce ang mga nanalo. Nagsi-alisan na ang iba kaya di na masyadong masikip at nakalabas kaagad kami. It's almost 12 noon kaya napagpasyahan naming dumiretso at kumain na sa may karenderia. Kapag ganitong intrams at wala kang sinalihan, sports o booth man eh talagang sobrang boring. Sarap di pumasok kaso mahigpit ang adviser namin sa attendance at ang consequence ng di pagpaparticipate sa attendance ay mabigat at of course sayang din ang plus points. Kaya kahit magastos kasi nakakatakam kumain— at nakakatamad, mas pipilian mo nalang magpakapagod at the same time try find enjoyment sa school. Naglibot-libot kami sa mga booths na may iba't ibang pakulo. May mga booths for couples mapasapilitan man o panandalian, marriage booth na ang iba ay napagtripan lang. Blind date at ang di mawalawalang love-knot. Meron ding mga nagjajam, photo exhibits, booth for talents open for everyone, spoken word poetry at marami pang iba. There's a tent na nagdidisplay ng pictures of different cultures and tribes. Showcasing cultures and promoting diversity. Meron din sa isa pang tent na nadaanan namin kanina na mga gawa naman ng ating mga indigenous people. Pumunta rin kami syempre sa mga stalls ng pagkain. Madaming pagkain at halos mga korean foods. May mga tusok tusok, milk tea, at marami pang iba na halos nasubukan na namin lahat. Umiiyak na nga yung bulsa ko eh. Pumunta naman kami sa stall ng mga accessories. Bumili kami ng friendship bracelate para remembrance. Bumili kami lahat ng magkakaibang kulay pero same design para matchy-matchy. Nakakapagod maglibot kaya nagpahinga muna kami. Kasama ang dalawa kong kaibigang sina Rhein na hindi ko classmate at Des na classmate ko, we sat at one of the benches facing the field. Madaming mga estudyante at buti nalang ay mayroong pang bakanteng bench na nakapalibot sa field. Kanina pa kami lakad nang lakad habang pawisan. Actually kanina pa kami naghahanap ng mauupuan. Upuan talaga hanap namin pero laging napapatigil sa mga stalls na nadadaanan. Mas nauna pang maubusan ng laman yung pitaka kesa makahanap ng upuan. Hays! Nagchichikahan lang kami nina Rena nang may biglang lumapit. "Please cooperate, 'wag ng magmatigas at sumama nalang kayo." Napatalon pa ko't napahawak sa dibdib nong biglang pagsulpot nong lalaki. Hinawakan niya 'ko sa pulso't hinila patayo. Alam ko naman ang mga kaganapan at kung para saan ito. They picked me for love-knot. Kesa sa magpumilit na tumakas at magpahila pa, kusa na'kong tumayo at sumunod sa lalaking humuli sakin. I don't know him personally but aware that he's an officer sa SSG. I saw a guy who was picked along with me obviously kasi sakin nakatingin yung babaeng humahawak sa kanya. I don't know that guy. Siguro napagtripan lang kami ng kung sinong nagsulat ng pangalan namin. Holding hands, nakakatawa lang na ang awkward ng hawak o hawak ba talaga o patong lang na matatawag. The other officer hands a handkerchief doon sa girl na may hawak sa lalaking kalove-knot ko. Ipinangtali nila ito kasama nong lalaking officer na may hawak sa akin— yung panyo paikot sa mga kamay namin ni guy. Pagkatapos ay maglalakad kami paikot sa field, hawak or should I say magkatapong ang kamay. Ngayon pa palang nahihiya na ako. Rarampa ka kasama ng hindi mo kilalang tao tas pagtitingin kayo nong mga madadaanan niyo. Sobrang awkward kahit isipin palang! Pero mas nakakahiya din namang magcause ng scene at makipaghabulan sa mga officers noh? No choice. Hays! Nasa may initial position pa lang kami, nagreready pa at nagaantay ng signal when a group of people approach us. The one with a white skin na may magulong buhok at bangs na halos matakpan na ang kanyang mata ay may hawak na gitara. Akbay niya ang lalaking kasingtangkad niyang medyo singkit, skinny at nakangisi. The other one with curly hair, skinny and tall is holding a cellphone. He's the only one I'm familiar with. He's my friend named Ken. He smiled mischievously staring at me to the one beside me and sa kamay naming dalawa then back to me. Nang-aasar. "Yieee, Chel yan na ba yun?" Sabay sundot sa tagiliran ko. Dumiretso siya dun sa officer na nasa likod namin kaya hindi man lang ako nakaganti. Inirapan ko na lang Yung likod niya habang nakikipag usap sa officer saka binalik ang tingin sa harap. Shit. Totoo ba to? I'm in shock but at the same time I made myself look like I'm not. *tug dug* I stared at him casually like I'm not tense. Walking papalapit sa direksyon ko is him. With his nerdy glasses and round full eyes. Wearing black sweatshirt, jeans and big shoes, headset down his neck, holding a little guitar on his right—I guess it's what they call ukelele, and a cup of fishball and kwekkwek on his left. He's not smiling. He's just casually walking— face down. Yeah, he's here. And much nearer. He's walking towards my direction and passes right beside me. So kasama niya sina Ken. Are they friends? Nasa likod namin sila. "Hoy!" Sabay tulak sakin ni Ken sa balikat na kakatapos lang sigurong kumausap sa officer. Inis akong humarap. "Heh! Anong ganap niyo dito?" tanong ko. Tiningnan ko siya maging ang mga kasama niya. Barkada niya pala si Mr. Amazing voice ha. Hmmmm. Good taste. Charing! "Kakantahan namin kayo. Anong gusto niyong kanta?" tanong niya habang nakangisi. "Sasakit lang tenga ko. No, thanks." sabay irap ko sa kanya. "Si Fil naman ang kakanta e, diba Fil?" inakbayan niya si Mr. Amazing voice. "Second voice lang kami kay Filemon. Arte mo," habol niya sabay panggagaya ng irap ko sa kanya. Ah, so Filemon pala ang pangalan niya? hmm Sininyesan na kami ng officer na maglakad na. Nakipagpalit ng gitara si Fil dun sa isang kasama niya. Nagbatukan pa sila't natawa pa ang barkada niya pati siya. Ugh! sarap sa tenga. Chariz! "Ok, sing us The Day We Met by shinobi" sagot ko saka siya nagsimulang magstrum ng gitara. Dear Diary, It was our Intramurals, October 15, exactly 3:15 in the afternoon, when just his mere presence made my heart beat faster. Hindi siya ang katabi kong maglakad. Hindi siya ang kahawak kamay ko. Pero grabe naman tong makantahan ng isang katulad niya. Dahil sa kanya naisawalang bahala ko ang kahihiyan at awkwardness na pagtinginan ng mga nadadaanan ko. Imbes na maimbyerna, kinilig pako! Nakulangan pa nga sa ikot eh, Charing! Kahit siguro libutin ang Pilipinas eh igogora ko na. Eme. Lakas ko naman sayo, G! Sana may susunod pa hihi.Hi crush! See you sa susunod na encounter! -chel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD