THIRD PERSON Ilang segundo lang na paghihintay ni Katrina nang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang mala fairy tale na decorations sa buong paligid. May sari-saring kulay ng bulaklak sa paligid na nakasabit na parang lumilipad. At may mga ibat-ibang kulay na mga buhay na paro-paro na lumilipad. May huni din ng mga ibon na akala mo kumkanta. Nakita ni Katrina ang kanyang Daddy na naghihintay sa kanya sa gitna. May lumapit na coordinator sa kanya upang lagyan siya ng belo at ayusin ang kanyang damit. Maraming tao sa paligid, mga kaibigan niya at ang iba hindi niya nakilala. Napangiti siya na naluluha sa sobrang saya. Pagdako ng paningin niya sa unahan nakita niya si Harlem na parang presipe sa kanyang suot na tuxedo at kulay light blue ang loob. Napansin niya din ang mga damit ng kanil

